*19*

6 1 1
                                    


[Callie]



Nakalipas ng isang linggo ay naging malungkot ang buong Ilocos Norte sa nangyaring resulta. Kakauwi ko lang din ng Davao kasi doon ako bumoto. Hindi ko na muna inistorbo si Simon para sunduin ako sa airport. 

After 2 hours delayed flight ay nakasampa na ako sa malambot kong kama. Imagining what would life give me after those issues na hindi pa rin tapos. Hindi na rin ako mag-aalala sa safety ko kasi nilagay na nila sa wanted list si Sophie both Ilocos Norte and Davao City. Nakausap ko na din si Dean about her. He was so furious of what Sophie did nung huling kampanya nila Tito Bong.

Ang law school ko naman ay patuloy ko pa ring ginagapang. Mahirap dahil ako lang lahat ang tumataguyod sa lahat ng kailangan ko sa University. Lahat ng pinapasweldo sa akin ni Daddy ay nilalaaan ko lang sa law school mabuti na lang nakakayanan kong ma-maintain.

Pipikit na sana ako kasi medyo napagod ako sa flight, sa delay kamo. Si Simon pala ang tumatawag kaya agad ko namang sinagot ito.

"Callie bakit hindi ka nagsabi na magpapasundo ka sa airport?" 

"No, it's fine. Ayoko naman sirain ang pagko-comfort niyo kay Tito..Okay na ba siya?" sagot ko at kinamusta ko naman ang dad nila.



"Okay lang naman, Callie. I know you are tired, just take a good rest for now and I'll see you tomorrow." 

Haaaysss.. Marami ng changes ang nagaganap sa buhay ko kahit maraming issues gaya nung kay Sophie na hindi pa tapos. Pero kahit may mga issues na dumating dito ako bilib kay Simon kasi hindi niya ako iniwan sa ere.


He effortlessly shows his love for me and siguro yung nararamdaman ko naman para sa kanya ay mas na hihigitan ko kesa kay Lawrence. Lawrence is just a mere crush, Simon is in a different level. Ang isa, binibigyan ka lang ng stress and assumptions through his sweet gestures. Ang kabila na man is direct act of service, sweet gestures and never gave assumptions.



For now I can't say na may romantic feelings na ako towards Simon but I accepted his feelings for me and I let him show his feelings para he could change my feelings towards him.

Dahil sa kakaisip ko ay di ko na namalayan ay nakatulog na ako dahil sa pagod sa biyahe.


Kinabukasan ding yon ay nagising na ako na hindi na nakapagpalit ng damit at nakasapatos pa ako. Paglabas ko ng kwarto ay may naririnig ako kaluskos sa baba, sa may kusina.

Jusko! Baka may magnanakaw nang nakapasok.

Kumuha ako ng pamalo para self defense ko. May nakita akong isang lalaking nakatayo. Hinihintay kong humarap ito..mamaya pa ay akma na itong humarap kaya agad ko nang ipapalo sa lalaki.



"Whoooaaah! Callie muntikan na ako don." binuka ko ang aking mata at nakita ko ang kabuuan ng lalaking nasa harap ko. Laking gulat ko talaga kasi si Simon lang pala.


"Gooosssh! Simon akala ko magnanakaw ka buti na lang nakailag ka. Paano ka ba nakapasok dito?" gulat kong sabi sa kanya.


"What da hell! ginawa mo pa akong magnanakaw. Nakapasok ako kasi hindi mo naman nilock ang gate at pinto mo sa bahay paano kung hindi ako yung pumasok dito edi malas mo." sagot niya at sinermonan pa niya ako.


Hindi ko ba nilock?


Then I realized! Ang boba ko hindi na pala ako bumaba kasi dahil sa pagod ko ay nakatulog na ako imbes na idlip lang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 13 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Saving Forever For YouWhere stories live. Discover now