*5*

8 1 0
                                    

[Callie]

Dalawang taon na ang lumipas simula nung ako ang pinamanage sa akin ni Daddy ang farms namin dito sa Davao Oriental. Naging mas malapit kami ni Kirara at siyempre kapatid na rin ang turing ko sa kanya.

Alam lahat ni daddy ang ginagawa ko sa loob at labas ng farm except for one thing, di rin alam to ni Kirara kasi alam kong tatanungin siya ni Daddy. I enrolled myself sa law school. I made all my schedule flexible as I can. Mahirap nung una pero nairaos ko rin.

Namimiss ko na rin ang mga barkada ko pero all of them are so busy din sa law school. Akalain mo yung mga lasengga at lasenggo nag law school na HAHAHAHA!

"Now we're complete, I gather you here to reshuffle  your positions." pinagmeeting kaming lahat ni Daddy dito sa farm namin sa Davao Or. Magrereshuffle na kami pero hindi ko talaga nalibot ang mga magagandang falls at beaches dito. Ughhh.. Sayang naman ang mga pinadalang bikini sa akin ni Angelikurrr..

"Since hinog na si Colt, he can handle our farms in Baguio with supervision of Caroline. At this moment I want to tell you all my children this is the last position that you'll be handling. Hindi na kayo magrereshuffle pa." sabi ni Daddy habang nilalaro niya ang ballpen niya. Awesome! Paturo nga ako niyan.

"So ako daddy hands off na ba ako? I just miss being me before eh.." tugon ko habang pinaikot ikot ko ang swivel chair ko dito sa office.

"In your dreams, Callista." pang asar sa akin ni Daddy.

"Ohh bakit? Buti pa ipakasal mo na lang ako sa CEO na sinasabi mo jusko dalawang taon na Daddy oh.." pang asar ko rin sa kanya. Napakaboring at siyempre sobrang stressful naman talaga.

"Callie atat ha.. Gusto mo na ba talagang magpatali sa hindi mo pa nakikita??? Kung ganon you are amazing." sabi naman ni Kuya Carlos.

"Wag kang mag aalala Callista makikilala mo rin siya sa takdang panahon." ewwwww.. Cheesyyyy. Goosebumps indeed.

"The most importantly, ikaw Callista." nagulat ako kay dad sa sinabi niya. Bakit ang biglang naging importante sa kanya??? Himala? Pero wala naman talagang himala sa panahon ngayon.

"Why me? Milagro naman daddy na naging importante ako sa inyo." wika ko at inayos ko ang pagkakaupo ko kasi naging seryoso na ang usapan.

"Yes. All of you. Pero yung sayo special sa amin ng mommy niyo pero nung dumating ka sa pamilya Callista lahat ng swerte namin dumating sa amin. Alam yan ni Ate Caroline mo." paliwanag sa akin ni daddy. Lucky charm? ako? Imposible,, natatawa na lang ko sa rason pero kung yan ang paniniwala nila edi GO.

"Ok. Continue po natin tong meeting para matapos na at magawa na namin ang duties namin." sambit ko.

"Alright, since si Colt na ang hahawak ng farm natin sa Baguio, you Caroline you will be the new COO of Ferrera Farms-Davao Oriental." naibigay na kay Ate Carol ang Davao Or.. I'll miss them if I leave lalo na si Kirara. I will expect na isasama na siguro ako kay Kuya Carlos since ang laki-laki ng farm doon sa Bacolod saka may poultry farm pa.

"Carlos, since you did great sa Bacolod you won't be reshuffled and I know you are dating an Ilonggo." ayun naman pala. parang hindi to reshuffle ang ginagawa namin eh may pinasok na bago which is itong si Colt. So saan ako ilalagay ni Daddy????

"Since si Callista ay bakante. I already have a place for her and this farm is intended for her and our plans expanding our business internationally.." I was very surprise sa sinabi ni Daddy pero akong ay malungkot kasi if international mas mabigat ang pasanin ito.

"If yan ang ibibigay mo sa akin Daddy hindi ba unfair kina Ate Carol at Kuya Carlos na mas maganda yung offer mo sa akin. I don't want conflict daddy alam mo yan. Kahit makulit man ako sa kanila I love them ayokong mag-aaway lang kami dahil sa business."naiiyak kong sambit kasi natatakot din naman ako na baka pagdating ng panahon eh magkasiraan kaming lahat magkakapatid.

Saving Forever For YouWhere stories live. Discover now