*15*

6 1 0
                                    

[Callie]

Lumipas ang ilang buwan ay naging malapit na kami nila, Sandro, Vinny at Simon. Of course, napasok ko ang sarili ko ng pasikreto sa Law school at ako lang nakakaalam. Ngayon naghahanda sila kasi tatakbong bise-presidente ang Daddy nila na si Tito Bong. Edi ako naman full support na rin.

Nasa kalagitnaan na kami ng kampanya ni Tito Bong pero wala pa rin silang kapaguran pero yung energy ko parang nauupos na kandila.

"Water." inabot sa akin ni Sandro ang isang boteng mineral water kasi nasa field kami ngayon. Hindi lang kasi sa Hacienda umiikot ang mundo ko ngayon pati na rin sa sa kampanya ni Tito Bong.

"Salamat! Sobrang init talaga eh noh.." pinapaypayan ko sarili ko dahil napakainit talaga at nasa field kami.

"You shouldn't come with us today, Callie. The weather is scorching hot." nakakainis minsan tong si Sandro kasi sa haba ng buwan kong paninirahan dito sa Laoag hindi pa rin matigil si Sandro sa kaka-English niya.

"I'm fine. Dudugo yata ilong ko sayo Sandro grabe." tugon ko.

"Oo nga eh Callie.. Ewan ko ba diyan sa pinsan kong yan hindi man lang marunong nasanay yata sa UK alam mo nang ilang taon din doon." singit naman ni Matt. Kung sa bagay naman matagal talaga siya sa UK. Kung ako din siguro eh mahihirapan din ako managalog.

Mayamaya pa ay naputol ang usapan namin kasi tumawag sa akin si Daddy.

"Callista saan ka ngayon?"

"Nasa labas po kasi nangangampanya. Bakit po?" takang tanong ko. Kasi napaka-random niyang tumawag.

"Tumawag sa akin ang sekretarya mo na nagkagulo sila dahil sa may mga discrepancy sa delivery ng sugar cane .. pwede bang balikan mo muna sila doon."

"Ahhh.. sige po baka si Mrs. Junatas yata po yun.. Okay I go back." tugon ko.

Nagpaalam na muna ako kina Sandro at Matt. Hindi rin namin kasama sila Vinny at Simon kasi both of them nasa Manila.

I drove back sa Hacienda para harapin na naman tong problema namin kay Mrs.Junatas. Pagdating ko ay nagwawala na ito na para bang aping api siya ng mga tao ko.

"Oh Mrs. Junatas ano po ang ating problema pwede naman nating pag usapan sa loob ng opisina ko." I walk towards her pero bigla siyang umiwas sa akin and I find it very off and foul for me.

"Ms. Ferrera, ganyan ba ang pagtrato niyo sa mga cliente niyo?" sarkastikong wika nito at napaisip ako kasi hindi naman siya ganito dati.

"Ma'am Callie tama naman po ang quantity ng sugar cane ang inorder niya kahit pabalik balik ako sa record na yun eh wala naman mali." bulong sa akin ng secretary ko.

"Mrs. Junatas naman, maayos naman ang deal natin nung nakaraan bakit ngayon nag-iba na naman. Inuna pd namin kayo kasi kayo ang isa sa mga responsableng kliente namin." usal ko naman sa kanya.

"Ibig sabihin kasalanan ko ngayon Ms. Ferrera? Kung ganito man lang ang treatment niyo sa akin edi ipupull out ko na lahat ng koneksyon namin sa bulok niyong hacienda." sambit niya. Pero yung pasensya ko talaga sinusubukan ng matandang to.

Dahil hindi na siya mapakiusapan ay tinawagan ko na naman si Daddy at sinabi ko sa kanya lahat. Ngayon katatapos lang naming mag usap at inutusan akong i-loudspeak para marinig ni Mrs. Junatas.

"Callista, kung nagmamatigas parin yang si Regina Junatas at gusto niyang icancel ang partnership natin sa kanya edi i-cancel mo kasi hindi lang siya ang Kliente natin sa farm madami pa na mas deserving. CANCEL IT NOW!" oh di ba galit na galit si Daddy.. Well bakas sa mukha niya ang gulat sa ginawa at sinabi ni Daddy.

Saving Forever For YouWhere stories live. Discover now