[Simon]
Lumipas na ang isang linggo simula nung hinalikan ako ni Callie. It was very unexpected. Hindi ko talaga mapaliwanag ang nararamdaman ko nun. I was happy and sad for her kasi dahil sa malicious post sa social media her name was tainted.
Papalabas na sana kami ni Sandro para sa last day ng campaign pero napansin namin ang maagang paglabas ni Callie.
"Too early.. saan ba siya pupunta?" tanong sa akin ni Sandro. Eh malay ko ba eh hindi naman niya ako roommate o secretary para alam ko saan siya pumupunta.
"Eh hindi ko alam. I'm not her secretary. Friday ngayon baka may kameeting siya."sagot ko pero hindi siya satisfied sa sagot ko kasi nagunot ang noo niya.
"Then let's follow her baka may gagawing masama sa kanya dahil sa post na yun." usal niya at ako din naman gusto rin malaman kung saan siya pupunta.
I saw myself driving following Callie like a stalker.
Sandro kasi usisero.
After 30 minutes ay narating namin ang isang university.. Ang MMSU kaya dumerecho lang kami kasi kilala naman kami dito kasi binuksan ko ang bintana ng kotse. Sinundan ko pa rin ang sasakyan niya.
"What is she doing here? Nag aaral ba siya?" tanong ni Sandro. Nakita namin siyang bumaba at sinuot ang ID niya, student nga siya dito. Hindi na natiis ni Sandro ay bumaba siya at tinawag pa niya si Callie kaya ako naman ay sumunod sa kanya.
"Callie!" napalingon naman si Callie pero imbes ngumiti ay nagulat siya. Nagkatinginan kami ni Sandro dahil nagulat nga siya nung nakita niya kami. Dali dali siyang lumapit sa akin.
"And what are you two doing here? I mean.. I'm not rude pero yun ang tanong ko." tanong sa amin ni Callie.
"I let Simon follow you kung saan ka papunta to check you. You know what happen to you a few days ago.." sagot ni Sandro.
"Pero matanong ko lang estudyante ka ba dito? " tanong ko at parang iwas siya.. ewan ko ba kung bakit siya iwas sa tanong. Bigla na lang ito nagbuntong hininga.
"Since nandito na kayo at nakita niyo ako dito.. Please wag na wag niyong sabihin kahit kanino na I'm studying law kasi my Daddy won't allow me to do this kaya I made a decision to secretly study. This is my dream." sagot niya.
"Whoa! How did you manage it?" gulat na tanong ni Sandro at mas lumapit pa ito sa kanya. Ako naman ay lumapit rin.
"I made my schedule more flexible as much as I can. Kung gusto mo talaga maraming paraan." sagot naman niya. Bilib talaga ako sa tapang niya.
"Don't worry we'll zip our mouth. Your secret is safe with us, di ba Sandro?" sabi ko naman sabay tingin kay Sandro. Tumango naman ito.
"Siguraduhin niyo lang kasi patay ang labas ko kung malaman ito ni Daddy.. Sige na malelate na ako.. I tell you everything soon." wika naman niya and she waved her hand.
I guess she's safe as of now.
Umalis na rin kami ni Sandro para sa huling kampanya. We are confident naman na mananalo si Pops ngayong eleksyon pero buong puso pa rin naming tatanggapin kung hindi.
---
"Maraming salamat po sa inyong suporta sa akin at makakaasa kayo na maayos kong gagampanan ang ibibigay niyong tunkulin sa akin."
YOU ARE READING
Saving Forever For You
FanfictionWhen the sassy, elite Haciendera, with wit and a sense of humor, Callie met the introverted, sweet, and loving CEO, Simon.