[Callie]
Dahil sa mga sinabi ni Sophie ay napasubo ako at papatunayan ko sa kanya kung sino ang binabangga niya at hindi ako magpapatalo sa katulad niyang selosa na nga INGGITERA PA! Habang umiinom ako ng tubig ay na tiyempuhan ko si Dean na mag isa lang kaya sinugaban kong kausapin siya dahil sa mga di ko maitindihang sinto sintong desisyon.
"Dean, anong nasa utak mo bakit nag-iba na lang bigla yang desisyon mo???" naka cross-arm ako sa harapan niya at naghihintay sa matibay niyang sagot.
"Hindi ko alam kasi may humahatak talaga sa akin na babalikan ko siya." ***inang sagot yan! Dapat talaga hindi ko na lang siya dinamayan noon nung paiyakyak siya sa tabing dagat.. kakainis! Paalis na sana ako kasi naiinis ako sa sagot niya.
"C-Callie, please supportahan mo na lang ako okay mabait naman si Sophie."
kasfdjhai;garj'ajdlkcalknsd! ADIK BA SIYA?!!!
"No! Well, can you please let go of me.. hinihintay na tayo sa labas." tugon ko at binitawan niya naman ako. Tonight is their last night sa Laoag medyo gagaan na ang buhay ko dito at never ever ko nang makita yang si Sophie na yan. Nakakasira talaga ng araw.
Nung okay na lahat ay dinala ko sila sa isang restaurant na sobrang hindi nila makakalimutan.. Joke! Hindi ko talaga alam kung anong mangyayari today.. hmmmmmm..
Pagalabas ko ay nakita ko na naman ang kaartehan ni Sophie na laging dikit ng dikit kay Dean tapos napansin na rin ng iba sa amin na medyo dumidistansya na si Dean sa amin magkakaibigan dahil jan kay Sophie.
Pssh! Maganda nga pero hindi marunong makisama.
"Tara na, Callie ang sarap nang kumain at dinner time na rin." sambit niya ta parang ako yung driver niya at amo ko siya.
"Hayaan mo na girl huling araw na niya rito at makakauwi na siya. Konting tiis na lang.. Pag masolong makausap ko yang si Dean aawayin ko talaga yan dahil sa jowa niyang feelingera." bulong sa akin ni Angel. Sunod sunod na rin silang pumasok ng sasakyan.
15 minutes later ay narating na namin itong fancy restaurant. Dinala ko sila sa The Nouveau Table na malapit lang sa Kapitolyo ng Ilocos Norte.
"Good evening po Ma'am, welcome to The Nouveau Table! For ho many tables po?" ako yung tinanong ng waiter pero siya ang sumagot baka gusto niyang siya ang magbabayad dito.
"Hindi ba obvious? We're eight, edi table for eight. Hindi ka ba marunong magbi--" hindi na pinatapos ni Dean ang sinasabi ni Sophie kasi nakakahiiya sa waiter na nagtatanong lang naman.
"Pasensya ka na sa girlfriend ko waiter.. nagugutom lang kasi siya." tugon naman ni Dean.
YOU ARE READING
Saving Forever For You
FanfictionWhen the sassy, elite Haciendera, with wit and a sense of humor, Callie met the introverted, sweet, and loving CEO, Simon.