CHAPTER 14

1.4K 19 2
                                    

"Break up with your boy toy then I will stopped meddling with his family."

"Break up with your boy toy then I will stopped meddling with his family."

"Break up with your boy toy then I will stopped meddling with his family."

Gabi na at nakauwi na ako dito sa condo ko pero yan pa din ang nagpa-ulit-ulit sa pandinig ko.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. I don't want to break us a part because I can't live without him. He's my home, my comfort zone and my sure thing. Just like what I said, ipaglalaban ko si Kirvie kay mommy.

I will fight for our love.

Kung kaya nyang isakripisyo ang pag-aaral nya para sakin, kaya ko rin isakripisyo kung anong meron ako para sa kanya.

Minsan nga napapaisip na lang ako na sana katulad ko na lang sya. Yung may kaya lang sa buhay pero hindi eh, kahit anong pag-iisip ko nakatakda siguro talaga na ganito kami.

Pero wala naman ako pakialam sa status ng buhay namin as long as mahal nya ako. May mga tao lang talaga sa paligid na mahilig makialam sa buhay ng ibang tao.

Habang lumilipas ang mga araw napapansin ko ang pagiging cold sakin ni Kirvie pati sa mga reply nya sa chats ko, dinaig pa ang snow sa lamig and I don't know the reason why.

The last time I checked we're both so okay, muntikan pa nga may mangyari samin sa rooftop kung hindi lang dumating ang kaibigan ko para tawagin ako since may graduation pictorial kami that time.

Malapit na rin ang graduation namin, one week from now. Tapos na rin ang OJT ko kaya pumupunta na lang ako sa school para ipasa ang mga requirements at magpa-sign na rin ng clearance.

Naglalakad kami ngayon ng kaibigan ko papunta sa registrar building since kailangan namin bayaran ang toga para makuha na namin ito sa garments shop mamaya ng makita ko si Kirvie kasama si Tala at yung ibang mga kaklase nya.

"Boyfriend mo." Bulong ni Xyra at nginuso si Kirvie

"Hayaan mo na, mukhang masaya naman sya." Bulong ko rin

Lumapit na kami sa cashier at agad na nagbayad. Binigyan nya kami ng receipt na kinuha naman namin saka kami tumungo sa garments shop.

Mabuti na lang walang masyadong kumukuha kaya nakakuha agad kami ng sa amin. Tuwang-tuwa si Xyra ng mahawakan na nya ang kanyang toga sa sobrang tuwa nya napasayaw pa sya. Napatawa na lang ako.

"Finally, nahawakan na rin kita." She said and hugged her toga

We opened our toga. Sa sobrang excitement namin, sinuot na rin namin at nagpicture-picture.

"Ang liit mo." Aniya pagkasuot ko ng toga "In short pandak ka."

Sinamaan ko sya ng tingin. I know I'm not that tall pero hindi naman ako pandak sadyang mas matangkad lang sya sakin.

Tumawa sya at muli kami nag-picture dalawa na para bang kakatapos lang ng graduation namin.

Muli namin binalik ang toga sa plastic bag saka kami umalis ng garments shop.

"Baka matulog ako mamaya ng nakasuot ang toga." Tumawa sya "Hayst, I'm so proud ga-graduate ako ng walang jowa."

"Congrats." Ngumisi ako "Mabuti pa ako, ga-graduate ng may architect."

She rolled her eyes. "Pag ako nagkaroon ng boyfriend, ipapa-billboard ko talaga. Who you kayong lahat sakin."

"Tama na kaka-day dream mo." I teased

"Hoy!"

Pareho kaming napatigil sa paglalakad ni Xyra ng marinig namin ang boses ni Anna. Nilingon namin sya, hawak nya rin ang toga nya at may malaking ngisi sa labi.

Fight for Love | Forbidden Series #1 (Ongoing)Where stories live. Discover now