CHAPTER 04

1.7K 25 1
                                    

"Bagay ba?" Tanong ko sa kanya at umikot sa harapan nya para makita nya lalo ang dress na gusto kong bilhin

It's a strap ruffle dress at bahagya rin kita ang cleavage ko but it's not too revealing.

Dumilim ang mga mata nya saka sya nag-iwas ng tingin. Napanguso naman ako at bahagyang nalungkot.

He didn't like it for sure.

"You don't like it." I confirmed

Muli nya akong hinarap.

"I like it, it's suits you but.." he throw a heavy sighed "Masyadong kita ang cleavage, I hate it."

I sighed and nodded. Bumalik ako sa loob ng fitting room saka ako muling nagbihis. I went out after saka ko binalik ang dress sa saleslady.

"Kukunin nyo po, ma'am?"

Iiling na sana ako ng sumagot ang boyfriend ko.

"We'll get it." He answered

Nanlaki ang mga mata ko at tinignan sya ng may gulat sa mata.

"I thought you don't like it, babe?" I asked, shocked

"My girlfriend loves it that's why we'll buy that." He mumble "And I don't want you sad."

Tumalon agad akong payakap sa kanya na kinatawa nya. Ngumiti naman samin ang saleslady saka sya tumango.

"Thank you, baby. I love you so much." I whispered

Pagkatapos namin magbayad ang dress dumiretso naman kami sa sinehan at sya na ang nag-represintang bumili at magbayad ng ticket namin.

Ayoko sana na sya ang magbayad dahil baka makulangan ang allowance nya and also sobrang magastos pa naman yung course nya but knowing him, he doesn't want me to pay for our date.

Mabuti na nga lang nakumbinsi ko sya na ako magbayad sa dress since it's too pricey. Aayaw pa sana dahil may pera naman daw sya pero hindi ako pumayag.

Pagpasok namin sa loob ng cinema, marami ng tao. Naghanap agad kami ng mauupuan at sakto naman may dalawa pang bakante dito sa likod.

Napairap ako ng mapansin halos lahat ng mga babae nakatingin sa kanya, yung iba kinikilig pa.

"Sayo lang ako." Bulong nya ng umupo kami

Humilig sya palapit sakin kaya napangisi ako. Tumaas ang kilay ng babae habang nakatingin sakin kaya hindi ako nagpatalo sa kanya.

"Selosa" sambit nya at hinalikan ang likod ng kamay ko

The movie started pero wala ang tingin ko doon lalo na't may malanding katabi ang boyfriend ko. Wala ba syang tamang pag-iisip? Alam naman nya siguro na may girlfriend na ang balak nyang landiin and hello, I'm here.

"Ang pogi." Rinig kong kinikilig na ani ng nasa side ko habang pa-sulyap sulyap kay Kirvie

"Pogi mo raw." Inis ko naman bulong sa kanya

"Don't mind them." He muttered

"Nakakainis." Irita kong ani "Bakit kasi sobrang pogi mo?"

"Genes?" Natawa sya sa sariling sagot

Tinapos namin ang movie kahit na wala kaming ibang ginawa sa loob kundi ang maglandian.

At exactly 5 lumabas na kami ng mall saka kami dumiretso sa seaside since we both wanted to watch the sunsets.

Kakababa lang namin ng kotse ng agad kong hinila ang kamay nya para lumapit sa bilihin ng mga street food.

"Ako magbayad." Pinal na ani Kirv

Fight for Love | Forbidden Series #1 (Ongoing)Where stories live. Discover now