CHAPTER 41

1.3K 32 1
                                    

"Ma." Kirvie greeted his mom when we reach their house

It's already December 24 and we plan to celebrate our Noche Buena and Christmas here that's we're already here even though mamaya pa naman gabi ang celebration.

"Good morning po, Tita." I greeted and kissed her cheeks "Say hi to Lola, anak."

"Hi po." She cutely greeted

Tita smiled. "Ang ganda naman ng apo ko. Akala ko mamaya pa kayo gabi pumunta dito, napaaga yata ang punta nyo."

"Pwede naman kami bumalik ma, kung ayaw mo andito na kami." Biro ni Kirvie sa Ina

Sinamaan sya ng tingin ni Tita.

"Nag-umagahan na ba kayo?"

"Kaya nga kami andito ma, para makikain." Hirit pa ni Kirvie

"Kirvie, umayos ka nga." Sita ni Tita sa anak nya "Oh, halina kayo sa hapag para makakain na rin ang apo ko."

Tumango kami ni Kirvie at iniwan ang mga dala namin gamit sa living room bago nagtungo sa kanilang dining.

Naabutan namin ang mga kapatid nya sa lamesa na nagsimula ng kumain. Tumingin samin si Ate Crim pati ang asawa nya bago kami nginitian.

"Andyan na pala kayo." Ani Ate

"Wala siguro, ate." Pambabara ni Kirvie

Inirapan sya ni Ate. "Ma, si Kirvie."

"Kirvie, umayos ka." Banta ni Tita

Tumawa lang si Kirvie bago ako pinaghila ng mauupuan. Umupo na din naman agad ako at pinagmasdan ang mga nakahain sa lamesa.

Hotdog, Nuggets, Bacon, Ham, Fried Rice, Toasted Bread and Sandwiches.

Tahimik kaming nagsimulang kumain ng mapansin kong nakatingin si Ate Crim sa kamay ko na kung nasaan ang engagement ring na sinuot sakin ni Kirvie.

Namula agad ako at agad na binaba ang kamay sa hita. Tumingin sya sakin saka sya mahinang tumikhim.

"Ma, may sasabihin yata satin si Kirvie." Biglang pananalita ni Ate Crim

"Huh? Anong sasabihin?" Tila nagulat pa si Kirvie dahil sa biglaang pananalita ni Ate Crim

"May sasabihin ka, Kirvie?" Tanong ni Tita sa kanya "Ano yun, anak?"

Kumunot ang noo ni Kirvie.

I sighed and leaned closer to him.

"Ate Crim saw the engagement ring." I whispered

Namilog ang bibig nya at bahagyang tumango-tango. Umayos naman ako ng umupo at nahihiya silang tinignan.

He cleared his throat.

"W-We're engaged, ma." Walang paligoy-ligoy nyang saad

Nanlaki ang mata ni Tita sa gulat at agad napatingin sakin. Nahihiya ko naman pinakita sa kanila ang kamay ko kung nasaan ang engagement ring.

"Congrats, bayaw." Bati ng asawa ni Ate Crim

"Thanks, Kuya." He said

"Kailan pa?" Tita asked when she recovered

"Nung last pa po." Nahihiya kong sagot

"Kasal na ba ang sunod?" Si Ate Crim at agad akong nginisian

Kirvie nodded. "Next year, we're still preparing."

"Mabuti naman at sana unahin nyo ang kasal bago isipin sundan ang apo ko, naririnig mo ba ako, Kirvie?" Tita stated

Napaubo si Kirvie kahit wala naman syang iniinom na tubig. Ako rin kulay kamatis na yata ang mukha ko dahil sa pamumula.

Fight for Love | Forbidden Series #1 (Ongoing)Where stories live. Discover now