CHAPTER 29

1.8K 58 0
                                    

Happy 21k reads, KirvLey!

.

.

.

.

Halata ang saya sa mukha ni Kirvie pagkakita nya kila Tala at sa batang babae.

Sabik na sabik?

I looked at my daughter, she's also looking at his father. Mas lalo pa akong nagulat ng may tumulong luha sa mata nya.

Matalino ang anak ko kahit tatlong taon pa lang ito alam nya na kung ano ang mga mangyayari sa paligid nya.

Binuhat ko ang anak ko saka kami umalis ng hindi nagpapaalam sa kanila. I even heard him called my name but I didn't give a dàmn.

Tahimik lang ang anak ko hanggang sa makarating kami sa bahay. It's time to distance ourselves, pamilyadong tao na pala sya.

Kung may anak na pala sya bakit nya pa kami ginugulo ng anak ko?

Kung kailan tanggap na sya ng anak ko saka naman may susulpot.

Hayst.

Sila pala talaga ang nagkatuluyan.

Sa bagay, same age sila ni Tala at halatang type nya kaya hindi na ako nagtaka.

We didn't visit him on the following day. Ayoko ng maka-istorbo saka andyan naman na ang totoo nyang pamilya para alagaan sya.

Hindi nya na kami kailangan at hindi na rin ako magtataka kung titigilan nya na ang anak ko.

Hindi na rin naman ako inaya ng anak ko pupunta sa hospital para bisitahin ang ama nya. Napansin ko din ang pananahimik ng anak ko.

Matamlay rin sya kung maglaro at mas lalong naging walang ganang kumain. Pinipilit ko lang para hindi sya magkasakit.

Nakahiga kami ngayon ng anak ko dito sa kwarto habang nanonood sa Disney channel ng marinig kong may kumatok.

Sinulyapan ko lang ito hanggang sa dahan-dahan nitong bumukas at iniluwa si Kirvie.

Anong ginagawa nya dito?

Naka-discharge na pala sya.

Kailan pa?

Nagtama ang mga mata namin pero agad rin akong umiwas. Gumalaw ang anak ko, nagulat ako ng makitang tulog na ito.

"Hindi nyo na ako binisita." Usal nya

I looked at him. "Ayos ka naman na saka mukhang hindi mo naman na yata kami kailangan."

Sinulyapan nya ang anak ko at bahagyang napangiti ng makitang tulog na ito. Tinaasan ko sya ng kilay ng lumapit sya sakin.

"What are you doing here?" I asked, coldly "Akala ko ba pag pinakilala na kita sa anak ko, titigilan mo na kami?"

"I missed you, both." He muttered "Hindi ko kayang hindi kayo makita."

I laughed sarcastically.

"Iniwan mo yata ang pamilya mo? Kaya ka andito." Sambit ko

Kumunot ang noo nya.

"If I'm not mistaken, kayong dalawa ng anak natin ang pamilya ko."

Anak natin.

He claimed Hexie us our daughter.

Ang sarap pala pakinggan pag narinig mo yun mula mismo sa mga labi nya.

Umiwas ako ng tingin ng maramdaman ang pamumula ng aking pisngi pero muli lang pinaharap ng gàgo ang mukha ko sa kanya. He smiled.

"Kayong dalawa ang pamilya ko." He stated "Walang iba bukod sa inyo."

Fight for Love | Forbidden Series #1 (Ongoing)Where stories live. Discover now