Chapter 23

728 206 14
                                    

"LC Red..." Sienna sobbed before she threw her arms around me. "LC..."

I gently pushed her away. "Alam mo bang alalang-alala ang Kuya mo sa'yo? Papunta na s'yang Diliman para hanapin ka," I said. "Tumawag nga sa akin para tulungan s'yang maghanap sa'yo. Saan ka ba nagpunta?"

"LC, I need your help..."

"Give your brother a call, Sienna. He is worried about you—"

"Ayoko..." She continued to cry. "LC, gusto ko kayong makausap..."

I swallowed a sigh. "I have a class. Let me call one of the brods para samahan ka."

I took my phone out of my pocket then texted Gary. Nandito sa BA si Sienna, 3rd floor. Pakisundo.

"Tinext ko na si Gary, s'ya na ang bahala sa'yo—"

"Ikaw ang gusto kong kausapin hindi 'yung ibang brods..." she tearfully insisted. "LC, please..."

"May klase nga ako, Sienna."

"Mas mahalaga pa ba 'yun kaysa akin?" she asked. "'Yung class mo?"

Oo naman! I nearly blurted out. Anak ng tinapa, kaano-ano ba kita? Why the fuck would you think that you matter to me?

"Go to the tambayan and stay there," I patiently said. "Sigurado akong merong mga brods na walang klase, pasasamahan kita sa kanila. I will call your brother so he can come fetch you, okay?"

She shook her head. "It's you I want to talk to, bakit mo ba ako ipinapasa sa iba?"

Sarap murahin nitong tarantadong 'to.

"And as I have said, I have a class. Kung ano man ang gusto mong sabihin, I am sure kaya ng ibang brods na pakinggan 'yan. Now, I need to get inside and you need to call your brother, naiintindihan mo ba?"

"Gan'yan ka bang talaga? Wala kang pakialam sa ibang tao? Wala kang pakialam sa akin? Humihingi ako ng tulong sa'yo pero palagi mo akong binabalewala. Kapag may nangyari sa akin, kaya ba ng konsensya mo?"

"What?"

"Kapag ba nagpasagasa ako, hindi ka ba makokonsensya that you could have saved me had you given me your time? Kapag tumalon ako sa building, wala lang kaya sa'yo 'yun knowing that you could have stopped it if you only talked to me?"

What the fuck is wrong with this shit?

"Ano, LC, ayaw mo pa rin po ba akong kausapin? Kakaunting oras lang ang hinihingi ko sa'yo. Gusto lang kitang makasama, gusto lang kitang makausap. Kalabisan na bang hingin sa'yo 'yun?"

I stared at her before I expelled a heavy breath. Shit 'tong hayop na 'to.

"Ayokong dito tayo mag-usap. Kakausapin mo ba ako o hindi? I swear kung hindi mo ako kakausapin may mangyayari sa akin and you will live knowing na sana ay naagapan mo kung kinausap mo lang ako."

Putang-ina ka, sakit mo sa ulo.

"Ano bang problema mo at ano ang gusto mong sabihin sa akin?" I patiently asked.

"Do you promise to give me your time today?"

"Ha?"

"Gusto kitang makasama buong araw. Samahan mo ako, I need you."

Gago ba 'to?

"Ano nga ang gusto mong pag-usapan natin?"

"Ayaw ko ngang dito tayo mag-usap. I know a place where we can spend the night."

"What?"

"Kung hindi mo ako sasamahan, I'm going to kill myself—"

"Redley?"

Fools In Love (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon