Nasa bahay lamang ako nakatambay. Tahimik na nagbabasa ng libro sa balkonahe. Habang nagbabasa ay biglang bumuhos ang napakalakas na ulan kaya naman ay nagmamadali akong pumasok sa loob ng bahay.
Napagdesisyunan ko na umakyat sa kwarto at doon ipagpatuloy ang aking pagbabasa. As a reader, it hits different when you are reading your favorite book while it's raining. Only hearing raindrops like it some kind of background music and with that kind of silence you'll be able to imagine freely without being disturbed. Freely imagining the book you are reading and feeling like your one of the characters inside that book.
"Maliligo ka? Anong oras na, ah? May bukas pa naman."
"Ano naman? Gusto ko maligo. May ngayon naman kaya bakit hindi ngayon?"
"Magkakasakit ka niyan--"Naalimpungatan ako nang may narinig akong napakalakas na sunod na sunod na .ga katok. Kaagad naman akong bumangon at lumabas sa aking kwarto para tingnan kung sino. Hindi pa rin tumitigil ang lakas ng pagkatok sa pinto nang nasa harapan na ako ng pinto. I opened the door only to find a woman who is soaking wet from the rain– Yazmin.
Napakunot ang aking noo. "Anong ginagawa mo dito? Pasok ka." Hindi na siya nagdadalawang isip na pumasok.
"Punta ka na lang sa CR. You are freaking wet. Saan ka na naman ba napadpad?" Yakap nito ang sarili at umalis na papuntang CR na hindi man lang sinagot ang tanong ko.
Pumunta ako sa kwarto ni Mama para hanapan ng maaaring masuot ng babaeng iyon. Sa kasamaang palad ay halos mga bestida lang ang nandito at ayaw ni Yazmin sa mga bestida. Napabuntong hininga ako.
Pumunta ako sa kwarto ko at naghanap ng damit na maaaring kakasiya sa kaniya. Nakita ko ang aking pantulog na damit at iyon na lang ang kinuha ko. Pakiramdam ko ay kakasiya naman ata ito sa kaniya. Bahala siya kung ayaw niya itong suotin ay magsuot siya ng bestida ni Mama.
Bumaba na ako at tumungo sa CR. Kumatok ako at kaagad niya rin naman binuksan. "Damit mo."
"Salamat!" Saad niya at kaagad sinarado ang pinto.
Sinamaan ko ng tingin ang pinto. Muntik na ako mawalan ng kamay dahil sa babaeng ito. Biglang isasara yung pinto. Hindi naman nagtagal ay bumukas na ang pinto.Kaagad ko siyang pinaulanan ng mga tanong. "Saan ka ba galing? Saan ka na naman napadpad? Anong ginagawa mo dito? Alam mong umuulan–"
"Malay ko ba na uulan? Ha? Mukha ba akong weather forecaster?" sarkastiko niyang sagot.
"Galing ako sa bahay ng kaklase ko at malapit lang dito. Naglalakad ako pauwi at biglang umulan kaya ako nandito." Dagdag niya.
"Gala ka ng gala tapos hindi ka marunong magbaon ng payong?" Inikotan lang ako ng mata bilang sagot. Kahit kailan ang taray.
Tsaka ko lang napansin na medyo malaki sa kaniya ang pinahiram ko na damit at ang tuwalyo ko pa talaga ang ginamit niya. Seryoso akong tumingin sa kaniya.
"Yazmin."
"Bakit?"
"Tuwalya ko ang ginamit mo," at mas lalong sumama ang tingin ko ng ngumiti siya.
"Alam ko." Nang-aasar niyang saad.
"Sabi ko--"
"Wala akong pake, Cosmos." Matapang na saad niya.
Kung papalabasin ko kaya 'to sa bahay?
I just let out a sigh as a sign of defeat. Wala na akong magawa. Nagamit na.
"May mainit na tubig pa do'n sa kettle. Ikaw na bahala kung iinumin mo ba 'yun o kakainin mo." Saad ko sa kaniya at nilagpasan siya.
"Saan ka pupunta?" Pahabol niyang tanong ngunit hindi ko na siya sinagot pa at umakyat na papunta sa aking kwarto. Kinuha ko ang libro ko sa lamesa at pumunta sa higaan. Sumandal ako sa pader at pinagpatuloy ang aking binabasa.
Hindi nagtagal ay may narinig akong kumakatok sa pintuan. Alam kong si Yazmin iyon. I didn't respond and just continued on what I'm reading. Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Naramdaman ko ang kaniyang presensiya sa harapan ko ngunit hindi ko na iyon binugyan ng pansin at nagpatuloy lamang sa aking pagbabasa.
"Hoy."
"Pansinin mo ako."
"Cosmos?"
"Hellooo!"
Napabuntong hininga ako sa kakulitan niya. "Ano kailangan mo sa'kin?"
"Wala lang." Saad nito. Pinagpatuloy ko na lamang ang aking pagbabasa. Disturbo lang. Hindi na niya ako kinulit at naramdaman kong pumunta siya sa tabi ko at doon humiga. Hinayaan ko na lang siya.
Maya-maya naman tinawag na naman ako.
"Cosmos?"
"Hmm?" saad ko habang ang atensiyon naman ay nasa libro pa rin.
"Ganda talaga ng pangalan mo noh?" Biglang saad nito. Hindi ko siya sinagot."Maganda ang pangalan. Unique pero ang pangit ng ugali. Super sungit." dagdag niya.
Napakunot ang aking noo sa kaniyang sinabi. Napatingin ako sa kaniya. "Ano sabi mo?"
"Pangit ugali mo--"
"Mas pangit ka." Sagot ko at binalik ang atensiyon sa libro.
"Ay wow ha? Ang ganda ko kaya noh. Siguro sira 'yang mata mo. Kawawa ka naman. Pa check up ka na." Hindi ko na siya sinagot.
Ilang minuto ang nakalipas ay napansin ko ang pagtahimik niya. Nang lumingon ako sa kaniya ay nakatulog na pala. Kaya pala tumahimik. Umalis ako sa kama at kinumutan siya. Inayos ko ang iilang hibla ng kaniyang buhok na napunta sa kaniyang mukha.
Sa hindi malamang dahilan ay natigilan ako. "Ang ganda mo," saad ko at ngumiti. Kinuha ko ang libro na nasa tabi niya at lumabas na ng kwarto at pumunta sa sala upang ipagpatuloy ang aking pagbabasa.
Nakailang pahina na ako at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
BINABASA MO ANG
I Love Yesterday
RomanceIn a small town, two childhood best friends had shared a deep yet unspoken love, more than friends. Both thought it was an unrequited love and chose to keep it as a secret. They keep their feelings hidden and navigate the complexities of young love...