Chapter 5: A day with her

9 2 3
                                    

"Sa tingin mo, bakit hindi patas ang mundo?" tanong sa akin ni Yazmin. Mabagal ang bawat habang namin habang naglalakad.

Ang araw ay palaubog na kaya't sobrang ganda talaga ngayon ng kalangitan.

"Hmm..."

Huminto ako sa paglalakad kaya't huminto rin si Yazmin. "Sa tingin ko... Ang hindi patas ay tayong mga tao. Para sa akin ay patas and mundo, Yazmin. Ang mga taong naninirahan sa mundo ang hindi patas." Tahimik lamang si Yazmin at tumango-tango pagkatapos kong sumagot.

"Bakit mo pala iyong natanong?" At nagpatuloy na kaming dalawa sa paglalakad.

"Wala lang. Bigla kang pumasok sa isip ko kaya tinanong kita dahil gusto ko makarinig at makatanggal ng sagot." Saad niya.

"Wow! May isip ka pala?" Pang-aasar ko sa kaniya. Kaagad niya naman akong hinampas ng malakas sa aking braso.

"H-hoy! Sakit no'n ah!" hinihimas himas ko ang aking braso.

"Edi ouch," she sarcastically said.

Lintik lang ang walang ganti. Kinurot ko ang pisngi niya na ikinagulat niya.

"Aray!" hinampas niya na naman ako.

"Hoy! Nakadalawa ka na, ah!"

"Kasalanan ko ba? Nakakaasar ka kasi, eh. Ayan tuloy deserve so much. Bakit hindi 'yang pisngi mo ang kurutin mo? May sariling pisngi ka naman kaya iyan ang kurutin mo! Huwag yung pisngi ko." Saad ni Yazmin habang hinimas himas niya ang kaniyang pisngi.

Nanggigigil ako sa'yo, Yazmin. Bakit ang cute mo?

"May sariling braso ka rin naman. Bakit hindi yan ang hampasin mo?" Pambabara ko sa kaniya. Akmang hahampasin niya na naman sana ako ngunit nakailag ako.

"Oh, tanga. Hindi tumama." Yung hangin ba naman hinampas ng malakas.

"Inaano ka ba ng hangin? Bakit mo hahampasin?" Pang-aasar ko sa kaniya.

Tinarayan lang ako nito at naunang maglakad sakin. Humabol naman ako sa kaniya. Nasa likuran niya lamang ako.

"Hays. Grabe talaga mga babae ngayon. Kaibigan lang kita pero parang girlfriend umasta kung magtampo." Pagpaparinig ko sa kaniya. Hindi ako nito sinagot.

Lumapit ako sa kaniya at inakbayan ito. Irita naman itong tumingin sa akin.

"Alisin mo nga 'yang kamay mo," pagpupumilit niya. Ngunit mas mapilit ako kaya sa huli hinayaan niya na lang ako.

Tsaka ko lang napagtanto ang sitwasyon namin ngayon. Para na talaga kaming magjowa. Kaagad akong namula at mabuti ay hindi niya ako pinapansin at nasa daan lamang ang kaniyang tingin.

Tahimik lang kaming naglakad pauwi. Ganito na kaming dalawa palagi simula bata pa lamang kami. Sabay pupunta ng paaralan at sabay umuwi. Akala nga nila ay kami na ni Yazmim dahil halos kung nasaan siya ay andoon ako. Palagi akong nakabuntot sa kaniya. Palagi naming sinasabi na magkaibigan lang kami pero hindi raw sila naniniwala kasi parang may nakikita raw silang Chemistry sa aming dalawa na sobrang hirap daw ipaliwanag.

Nakikita ko rin ang nakikita niyo. Sana makita rin ng isa dito.

Palagi naming binabalewala ang kanilang sinasabi kahit kumalat na sa buong lugar namin. Hindi na lang namin pinapansin. Ayaw naman nila maniwala kaya hindi rin naman namin mapipilit na maniwala sa amin.

"Ganda ng langit..." saad ko.

Sobramg ganda talaga ng kalangitan tuwing papalubog na ang araw. Sobrang ganda at hindi nakakasawang tingnan.

"Ano pa hinihintay mo? Akyat ka na."

"Luh. Sungit mo naman." Saad ko pero hindi niya pinansin.

"Pero ayaw ko pa umakyat. Sa susunod na." Dagdag ko.

"Sabagay, kasi hindi ka rin naman matatanggap ngayon sa langit. Kaya tsaka na kung tatanggapin ka," pambabara niya na naman.

"Ay wow ha! Grabe ka na talaga sa'kin. Ang bait ko kayang tao." Paglalaban ko sa aking sarili.

"Mukha ka lang mabait pero ang totoo ay hindi talaga."

"Hays sayang. Manlilibre sana ako ng ice cream kaso wag na lang pala kasi inaaway ako ng isa diyan." Saad ko nang may nakita akong nagbebenta ng ice cream.

Kaagad naman akong tiningnan ni Yazmin at hinawakan ako sa braso, "libre mo ako!" Natutuwa niyang saad.

"Luh--" Hinatak niya ako kaagad sa nagbebenta ng ice cream.

"Dalawang ice cream po, Manong. Siya raw po magbayayad." Saad niya kay Manong at tinuro ako.

"Ha? Wala akong sinabing gano'n, ah." Pagmaangmaangan ko.

"Wag kayong maniwala dito, Manong. Scammer to, eh."

"Baka kayong dalawa talaga 'yung scammer dito." Saad ni Manong habang ginagawa ang dalawang ice cream namin.

"Ay si Cosmos lang po talaga 'yung scammer. Sa mukha niya pa lang ay masasabi mo na kaagad na manloloko siya, eh." Saad ni Yazmin kay Manong nang hindi tumingin sa akin.

"Grabe talaga mga babae ngayon, noh? Sila na nga itong nililibre, sila pa 'tong nang-aaway." Saad ko kay Manong.

"Oh, tingnan mo nga, Manong. Sila raw. Sabi na kasi sa'yo Manong, eh Manloloko talaga itong si Cosmos. Madaming babae."

"Mga babae talaga ngayon." Saad ko at napabuntong hininga.

"Ang lakas magsimula ng away porket pero gusto lang pala magpalambing. Pwede rin naman kaagad sabihin kung ano yung sadya at hindi iyong nang-aaway pa talaga." Dagdag ko.

"Assuming." Saad ni Yazmin
"ka." dugtong ko.
"rin," dugtong niya.
"Ay wow. Nakuha mo pang lumusot."

"Hay nako! Ewan ko talaga sa inyong dalawa. Ke' lakas-lakas niyong gumaganyan sa harapan ko tapos tinatanggi na magkasintahan kayo. Mga kabataan talaga ngayon. Kahit sobrang halata na nga, tinatanggi pa." Saad ni Manong sa amin.

"Oh, ito na 'yung ice cream niyo." Dagdag niya ay inabot sa amin.

Luh.

Binayaran ko na ang binili namin ice cream. Nakipagkuwentuhan muna kami kay Manong bago tuluyang umalis. Tahimik lamang kaming dalawa ni Yazmin habang kinakain ang ice cream namin. Nang tingnan ko si Yazmin ay paubos na iyong sa kaniya, ganoon din sa akin.

"Tambay munta tayo saglit sa park?" Saad ni Yazmin sa akin nang matanaw namin ang park. Maraming mga bata ang naglalaro at mga nagtitinda sa gilid-gilid.

"Friday rin naman. Wala ng pasok bukas."

"Ayaw ko nga. Baka ubusin mo lang pera ko, eh." Pagbibiro ko at kaagad na naman ako nakatanggap ng hampas sa braso ko.

"Hoy! Nakatatlo ka na, ah! Sumosobra ka na."

"Ay. May reporting pala kami. Medyo mahaba kaya 'wag na lang pala."

"Ikaw na naman ang magsusulat sa visual aids niyo?" Kahit alam ko na talaga kung ano 'yung magiging sagot niya.

"Oo. Nothing's new. Ako na naman! Nakakaasar na, ah. Palagi na lang ako tapos sila kahit pag search ng topic namin hindi man lang nila magawa!" Parang batang nagsusumbong.

"Babasahin lang naman nila 'yong report namin tapos iyon lang. At kapag may magtatanong na, nakatunganga lang sila." Dagdag niya pa.

"Gusto mo... tulungan kita?" Pag-aalok ko sa kaniya. Grade 10 siya habang ako naman ay Grade 11. Matutulungan ko siya kung maaalala ko pa.

"Tutulungan mo ako? Sinungaling. Guguluhin mo lang ako! Huling pagtulong mo sa'kin ay iyong ginawa mo lang ay kumain sa harapan ko tapos nagbabasa ng libro."

"Anong subject ba 'yan?"

"Science. Ayaw ko sa science. I hate science. Ang hirap intindihin," saad niya.

"Ano ba topic niyo?" tanong ko.

"about DNA at RNA."

"Sus. Madali lang naman pala, eh. Tulungan kita bukas."

"Anong madali? Mukha mo madali. Halos hindi ko na nga maintindihan ang binabasa ko kanina tapos sasabihin mong madali? At anong bukas? Bukas na kami magre-report!" Saad niya.

Stressed na nga siya. Magre-report siya mag-isa bukas sa school.

"Pinagsasabi mo? May reporting kayo bukas? As in bukas? Sabado bukas, Yazmin. Saturday. Pupunta kayo ng paaralan bukas, gano'n? Sino naman makikinig sa inyo? Mga kaluluwa?" Saad ko sa kaniya. Tila naman parang may napagtanto ito.

" Ay oo nga noh! Friday pala ngayon!" Tuwang-tuwa niyang saad. "Ano pa ba ang hinihintay natin? Tara na sa park!"

Hinawakan niya ako sa kamay na ikinagulat ko. Hinila niya ako papunta sa park habang hawak ang kamay ko. Wala rin akong magawa kung hindi ay sumunod na lamang.

Mas mabuti ring mag tambay muna kami rito kesa umuwi kami ng maaga dahil panigurado ay gagawin niya agad yung reporting nila.

Napatingin ako sa kamay namin na magkahawak. Hiyang-hiya na ako dahil sigurado akong sobrang pula ng mukha ko ngayon at ang daming taong nakatingin sa amin. Nanunuyang mga tingin. I suddenly felt butterflies. Her hand is so soft and warm. Parang ayaw ko nang bumitaw sa pagkahawak. I want to hold her hands forever. I want to be with her... forever.

Yazmin... Gusto kita.

I Love Yesterday Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon