Chapter 6: Helping her

9 2 3
                                    

Andito na ako ngayon sa bahay nila Yazmin. Talagang pinuntahan talaga ako at sobrang aga pa talaga. Alas siete ng umaga. Ang sarap-sarap na nang tulog ko.

Parang pinagsisisihan ko ngayon ang sinabi ko sa kaniya kahapon na tutulungan ko siya ngayon sa paggawa ng report nila. Andito kami sa salas. Nakahanda na lahat. May manila paper na, mga pentel pen at libro sa science. 

"Wow. Handang-handa, ah." Saad ko at humikab.

"Ako pa ba." Nagyayabang na saad nito.

"Tungkol saan nga yung topic niyo?" Saad ko habang humihikab pa. Inaantok pa talaga ako. Grabe talaga tong si Yazmin may mamaya naman.

Hindi siya sumagot. Nang tingnan ko siya ay nakatingin ito sa akin habang mgumingiwi. Nakaupo siya sa sahig habang may hawak na libro. "Antok ka pa. Edi lutang ka pa."

"Kakagising ko lang. Ginising mo ako. Hindi mo na lang hinihintay pagdating  ko dito. Pinuntahan mo pa talaga ako. Tss." Saad ko.

"Wala pa akong almusal. Kaagad mo lang akong pinalabas ng bahay namin na walang ka--"

"Tumahimik ka na. Ke' aga aga ang dami mong dada. May pagkain doon sa hapag. Kainin mo pati plato. Kung gusto mo nagkape may mainit na tubig dun pero kung ayaw mo edi wag." Saad nito habang nakatingin sa libro.

"Tss. Sungit mo. Kung di kaya kita tulungan." Saad ko at tumayo.

Wala na siyang sinabi. Nakatuon lang ang atensiyon niya sa binabasa niyang libro. Dumiretso na ako sa hapag. May pagkain na nga pero ayaw ko ng kanin. May nakita akong bulsita kaya kinuha ko ito at tiningnan ang laman.

Nang makita ko ang laman ay kumuha ako ng isa at kinain ito. Inubos ko muna ito bago magtimpla ng kape.

Pagkatapos kong magtimpla ay umupo ako at kumuha na naman ng pandesal at sinawsaw sa kape. Habang sarap na sarap ako sa kinakain ko ay biglang sumulpot si Yazmin. Hawak niya pa rin yung libro kanina na binabasa niya.
Nilapag niya muna sa mesa ang hawak niyang libro at nagtimpla rin ng kape. Hindi naman nagtagal ay natapos na siya sa pagtimpla at umupo na. Umiinom siya ng kape habang pinagpatuloy ang pagbabasa.

Nasa ganoong sitwasyon lang kami. Tahimik. Walang nagsasalita. Tanging ingay lang ay ang labas. Mga iilang sasakyan na dumadaan. Nakatingin lang ako sa kaniya habang nagbabasa siya. Hindi niya rin naman siguro ako napapansin dahil abala ito sa pagbabasa.

Tuwing pasulyap na siya sa akin ay iniiwas ko agad ang tingin ko. Nagpapanggap na hindi ko siya tinitingnan at pinagpatuloy ang  pagkain ko. Ang ganda niya talaga tingnan. Nakatali ang kaniyang buhok. Hindi naman masyadong mahaba ang buhok niya. Tamang-tama lang upang matali ito.

Para lang kami ngayong mag-asawa...
Kaagad akong napaubo sa sarili kong iniisip kaya napatingin sa akin si Yazmin. Nagmamadali itong kumuha ng tubig. Binigay niya sa akin at ininom ko naman. "Ayos ka lang?" Nag-aalalang saad ni Yazmin.

Nang tingnan ko siya ay sobrang lapit pala ng mukha namin. Nakatigtig lang ako kay Yazmin. Sobrang ganda niya pala sa malapitan. Parang isang anghel...

"Hoy! Ayos ka lang ba?" Muling tanong nito kaya natauhan ako.

"A-ah. O-oo... Ayos lang." Saad ko ng di tumitingin sa kaniya.

"Ayan kasi. Kumakain ka na nga lang, ang tanga." Pambabara niya at umalis sa harapan ko. Hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ang pagkain ko.

Hindi naman nagtagal ay tapos na ako. Gano'n din si Yazmin. Pero mukhang kanina lang pala siya tapos uminom ng kape. Hinihintay lang ako.

"Simulan na natin?" Pagtanong ko sa kaniya at tumayo para ilagay sa lababo ang ginamit kong baso at kutsara.

Nanlaki ang mata niya. "H-ha? A-ano yung s-simulan?" Nauutal na tanong niya.

Nalilito ko naman siyang tiningnan. "Yung report niyo? Sisimulan na ba natin?"

"A-ah... Ahh o-oo hahaha yung report. Ah oo s-simulan na n-natin..." Sabi niya.
"M-mauna na ako sa s-sala." Kaagad naman itong tumayo at parang nagmamadaling umalis ng sala.
Napano ba 'yun? Para biglang naging lutang.

Pagkatapos kong maghugas ay pumunta na ako sa sala at nadatnan ko siyang tulala sa kawalan. Hindi niya ata naramdaman na nasa likuran niya lang ako. At may naisip akong kalokohan. Dahan-dahan lang ako habang papalapit sa kaniya. Nang medyo makalapit na sa kaniya ay umupo ako. Hindi siya lumilingon. Nakatingin lang sa sahig.

"Boo!" Napasigaw siya sa sobrang gulat at napatayo. At tinapon niya sa ulo ko mismo yung libro binabasa niya.

Karma agad?

"A-aray..." Saad ko habang hinihimas ang mukha ko. Ang sakit. Sa dinami daming libro na pwede itapon sa akin ay talagang yung makapal pa na libro yung napili. At talagang tumama talaga sa ulo ko.

"H-hala sorry!" saad ni Yazmin at lumapit sa akin.

"Ikaw naman kasi, eh! Nanggugulat!" Paninisi niya sa'kin. Hindi ko siya sinagot. Hinihimas ko pa rin ang ulo ko.

Kita ko pa rin sa mukha niya ang pag-alala. Kaya sinubukan ko magbiro, "Sabi nila nakakatanggal daw ng sakit yung ano... kiss."

Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko. "Sino namang may sabi na totoo yun? Gawa-gawa mo lang 'yan eh." Saad niya at binatukan ako.

"Aray!" saad ko.
"Grabe ka sa'kin. Nasapol na nga ako sa libro tas babatukan mo pa ako."

"Hindi ko na yun kasalanan. Kasalanan mo yun kasi tanga ka," saad niya.

Halos ilang minuto pa kami nagpalitan ng sagot. Kung hindi pa siguro dumating ang Mama ni Yazmin ay hindi pa rin namin ito nasisimulan ang report nila.
Mabuti naman at medyo naaalala ko pa yung ibang lessons namin tungkol sa DNA at RNA kaya medyo naging madali lang. Naiintindihan naman kaagad ni Yazmin ang sinasabi ko kaya hindi na naging mahirap gawin ang report nila.


Alas onse na nang matapos kami.

"Hindi mo naman ako ka-grupo pero ako ang tumutulong." Nakangiwi kong saad habang nililigpit ang mga gamit habang si Yazmin ay nakahiga sa sahig dahil masakit na raw yung likod niya kakasulat.

"Oo nga. Mga pabigat! Bahala sila diyan, 'di ko sila ililista." Saad niya.
Alas dose na nang makauwi ako sa amin. Kina Yazmin na ako nagtanghalian dahil inalok ako ni Tita na kumain doon. Kaya ayon medyo natagalan na rin dahil nagkwentuhan pa kami habang kumakain. Pagdating ko sa bahay ay nanonood si Papa ng telebisyon. Nagmano ako sa kaniya at nagpaalam na pupunta na ako sa kwarto ko para magpahinga. Pagdating ko doon ay kaagad akong humiga.

Wala pang isang minuto ay kaagad akong nakatulog dahil na rin siguro sa pagod at puyat ko kagabi.


Mabilis lang ang oras. Para lang akong pumikit tapos ngayon lunes na. Alas sais y media na nang umaga at andito na ako sa harap ng bahay nina Yazmin. Hindi naman nagtagal ay lumabas na ito at may dalang manila papers.

"Akin na." Saad ko. Binigay niya naman sa akin ang report nila nang hindi nagsasalita.

Nagsimula na kaming maglakad. Tahimik lamang siya. Hindi siguro magandang ang gising. Sabagay, sino ba naman matutuwa paggising mo magre report na pala kayo tapos yung mga ka-grupo mo wala man lang ginawa.

"Nag agahan ka na?" Tanong ko at tinignan siya. Tinignan niya ako at umiling siya bilang sagot. Napahinto ako sa paglalakad kaya huminto rin si Yazmin at nagtataka akong tingnan.

"Ba't 'di ka kumain?" Nakakunot noo kong tanong.

"Wala akong--"

"May sinabi ba sayo ang mga ka-grupo mo sa'yo?" Seryosong tanong ko.

Napaiwas agad ito ng tingin sa'kin.
Huminga ako ng malalim. "Anong sinabi nila sayo, Yazmin?" Seryoso kong tanong.

"Wala... Hayaan mo na 'yun." Saad niya sa akin at tinignan ako.

"Anong oras na, oh... Baka ma late pa tayo." Saad niya at ngumiti.

"Hindi mo ako maloloko sa ngiti mo na yan, Yazmin." Saad ko.

"Mag-aagahan tayo, Yazmin."

Tiningnan ko ang paligid namin para maghanap ng bakery. Saktong meron sa unahan kaya nauna akong maglakad. Narinig ko itong bumuntong hininga bago sumunod sa akin. Nang makarating na kami sa bakery ay hinanap ko ang paborito ni Yazmin. Mabuti at meron kaya iyon ang binili ko.

"Apat na banana cake po. Pwede po bang ihiwalay yung tatlo sa ibang bulsita, Manang?"

"Aba walang problema, Cosmos." Saad ni Manang at kumuha ng apat na banana cake.

"Ang dami naman ata, Cosmos?" Mahinang saad ni Yazmin sa akin. Hindi ko siya sinagot.

"Ito lang ba, Cosmos?" saad ni Manang sa akin. "Ah, dalawang tubig na rin po. Yung hindi po malamig." Sagot ko.

"Ilan na po lahat, Manang?" tanong ko.

"52 lahat." Saad ni Manang at inabot sa akin ang binili ko.

"Ito po--"

"Ako na, Cosmos." Saad ni Yazmin at akmang magbabayad na nang unahan ko ito.

"Ako na, Yazmin." seryoso kong saad.

"Ito na po, Manang. Mauna na po kami." Saad ko kay Manang.

"Sige, ingat kayong dalawa!" Saad ni Manang.

"Ayan. Sayo to." Saad ko at binigay sa kaniya ang bulsita na may laman na tatlong banana cake.

"Ang dami nito..." Saad ni Yazmin. Hindi ko na siya sinagot. Tahimik lamang kaming kumakain hanggang sa hindi namin namalayan na andito na pala kami sa paaralan. Saktong naubos na ang kay Yazmin.

"Mauna na ako sayo, ah?"

"Sige." At tumango si Yazmin.
"Salamat sa libre..." Saad niya.

"Good luck sa reporting niyo." Saad ko at ginulo ang buhok nito bago umalis.
Sobrang nag-aalala ako sa kaniya.

Ano kaya nangyari? Tapos hindi pa siya nag-agahan. Pinapapabayaan niya na naman sarili niya dahil sa pag-aaral. It's making me worry a lot and this side of her is what I really don't like. She would risk it all for a good and high grade. Naiintindihan ko na minsan kailangan pero hindi ko maiwasan mag-aalala.

I Love Yesterday Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon