Napag-isipan ng mga magulang ni Yazmin at mga ko na sabay kaming magbakasyon dahil na rin umuwi ang Papa ni Yazmin galing sa ibang bansa.
Ganito ka sobrang lapit 'yung pamilya ko at ang pamilya niya. Parang kulang na lang ay titira na kaming lahat sa iisang bubong.
"Excited na ako!" Saad ni Yazmin habang nag-iimpake.Medyo mahaba pa ang magiging biyahe namin. Tinanong ko kanina si Tito at sabi niya ay mga tatlong oras daw. Isang linggo rin naman kami doon sa resort na pinagmamay-ari ng kaibigan ng Papa ni Yazmin.
"Tsk. Akala mo naman ay marunong lumangoy pero hindi naman." Pang-aasar ko sa kaniya.Binalewala niya lamang ang sinabi ko at nagpatuloy lang sa pagliligpit. Nang matapos na siya ay tinulungan ko itong dalhin ang mga gamit niya papunta sa sasakyan.
"Ang dami naman ng dala mo. Lalayas ka na yata, eh." Narinig kong tumawa si Tito.
"Mukha mo lalayas," pagtataray niya pa.
"Kayong dalawa talaga. Para kagong aso at pusang kung mag-away." Saad ni Tito.
Pagkatapos namin mailagay lahat ng mga gamit namin ay napagpasiyahan na namin na umalis na dahil malayo-layo pa ang biyahe.
Sobrang ingay ng mga magulang namin simula no'ng paalis pa lang kami. Kami naman ni Yazmin ay naging tahimik lamang. May pinapanood ata siya sa kaniyang cellphone. Habang ako naman ay naka headset at nakikinig ng kanta ni Tayllt Swift na Enchanted.
I'll spend forever
wondering if you knew
I was enchanted to meet you~
Hindi ko mapigilang mapatingin kay Yazmin. Nasa intrumental part na ito ng kanta. Parang napansin ni Yazmin na may nakatingin sa kaniya kaya umiwas ako ng tingin nang mapatingin siya sa gawi ko. Bigla kong naramdaman na maraming mga mata ang nakatingin sa akin ngayon. Hindi ko sila tiningnan at tinuon ko na lang ang aking pansin sa mga nadadaanan namin.
Habang tinatapos ko ang kanta na Enchanted ay hindi ko maiwasan na isipin si Yazmin. Tiyak akong namumula ako ngayon kaya naman ay sinusubukan kong takpan ang mukha ko sa unan habang nakatingin pa rin sa bintana.
Yazmin...
Napakagat ako sa ibabang labi ko. Pinipigilan kong ngumiti. Nababaliw na talaga siguro ako dito.
Parang ayaw ko na. I think it's very tiring admiring from a far. And it is also painful kasi kailangan mong itago ang nararamdaman mo tuwing nariyan siya.Gusto ko... Gusto ko ipakita sa kaniya na gustong-gusto ko talaga siya pero natatakot ako. Natatakot akong i-risk ang friendship namin. Natatakot akong umamin dahil baka bigla niya akong lalayuan. I didn't noticed that I fell asleep dahil masyado akong lunod sa pag-iisip ng kung ano-ano.
Ginising ako ni Yazmin. Tumitingin-tingin ako sa paligid. Nass resort na yata kami. Alas onse pala na nang nakarating kami sa resort ng kaibigan ni Tito. Hindi naman masyado nagtagal ay kaagad kaming pinapasok ng security guards.
Marami-raming tao ngayon ang nasa dagat. Dito rin siguro nila napagpasiyahan magbakasyon tulad namin. May mga iilan din na naglalaro lang sa tabing dagat. Sobrang linis ng dagat. Walang kahit na anong dumi o basura kang makikita.
Ginabayan kami ng isang empleyado rito sa Resort. Nakahanda na pala kung saan kami matutulog at libre pa.Pangdalawang tao ang bawat kwarto dito. Nagkatinginan kami ni Yazmin. Masama ang tingin niya sa akin. Bumuntong hininga lamang ako.
Alam ko na kung ano mangyayari...
"Kayong dalawa Cosmos at Yazmin magsasama." Saad ni Tito. Napangiwi ako. Gusto ko sanang tumutol pero hindi ko magawa. Si Yazmin naman ay tahimik lang. Hindi na nagreklamo. Alam niya ng hindi niya na mababago ang isip ni Tito kaya hinayaan niya na lamang.
Pumasok na kami sa sarili naming mga silid para ayusin ang mga gamit namin at para makapagpahinga na rin. Sobrang ganda ng kwarto pagkapasok namin. Laking pasalamat ko dahil double deck yung higaan namin. Gusto ko sana sa itaas matutulog kaso alam ko na kung saan ako matutulog.
"Ako sa itaas!" Maligayang saad ni Yazmin.
Parang hindi man lang naubusan ng energy kanina sa biyahe.
Habang abala si Yazmin sa higaan ay napagpasiyahan kong pumunta sa balkonahe. Sobrang sarap ng hangin. Sobrang ganda rin ng tanawin. Ang mahal talaga siguro dito. Sa tingin ko kung magbabayad kami iniisip ko na baka lagpas 50,000 na yung magastos namin. Sa mga kwarto pa lang namin. Tapos merong entrance fee. Tapos yung mga pagkain pa.
Buti na lang libre kaya wala na kaming iisipin na baka kukulang yung pera o ano. Narinig ko ang pagkatok ng pintuan. Narinig ko rin ang pagbukas nito at hindi naman nagtagal ay sarado na ito.
Naramdaman ko ang presensiya ni Yazmin kaya lumingon ako. "May dinalang pagkain. Kumain na raw-- Ang ganda ng tanawin!" Naputol ang kaniyang sasabihin dahil sa kaniyang nakita.
"Mas gaganda siguro kapag lumubog na ang araw noh!?" Tuwang-tuwa na saad ni Yazmin habang tumatalon talon na parang bata. Nakatingin lamang ako sa kaniya.
Kahit anong tanawin pa 'yan... Kapag ikaw yun maganda yan palagi.
She is so cute when she becomes excited over something. Napakagat ako sa ibabang labi ako at kaagad umiwas ng tingin. Kung ano-ano na pinagsasabi ng utak ko.
Baka gutom lang to. "Kakain na ako." Saad ko kay Yazmin at umalis doon.
Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa akin mula sa likuran. Pagtingin ko sa mesa ay maraming nakahandang pagkain. Nakakatakam tingnan. Tahimik lamang kaming kumakain sa hapag-kainan.Pagkatapos kumain ay nagpresenta akong hugasan ang mga pinggan. Hindi naman nagsalita si Yazmin at hinayaan lang ako. Tahimik lamang siyang umalis. Hindi naman ako natagalan sa paghugas dahil unti lang naman ito. Nang matapos na ako ay hinugasan ko ang kamay ko.
Paglabas ko sa Dining area ay pagtingin ko sa kama ay andoon na si Yazmin sa pangalawang higaan. Tulog mantika. Hindi man lang nakapagbihis. Parang kanina lang ang dami niya pang energy. Kumuha ako ng iilan ng mga gamit ko para magbihis bago pumunta ng banyo. Pagpasok ko ay hindi ko maiwasang hindi magulat dahil sa sobrang linis nito at sobrang kinang. Parang bago-bago lamang ito.
Hindi na rin ako nagtagal pa sa banyo dahil inaantok na. Dahan-dahan akong humiga sa kama. Natatakot na baka magising yung natutulog sa itaas. Tiningnan ko ang relos ko kung anong oras na.
Alas onse y media na. Hindi ko na kayang labanan ang antok. Kaya kusa na akong pumikit at kaagad nakatulog dahil na rin sa sobrang pagod kanina sa biyahe.
BINABASA MO ANG
I Love Yesterday
RomanceIn a small town, two childhood best friends had shared a deep yet unspoken love, more than friends. Both thought it was an unrequited love and chose to keep it as a secret. They keep their feelings hidden and navigate the complexities of young love...