Chapter 4: Horse Riding

16 2 6
                                    

Nandito kami ngayon sa sakahan ng Tito ni Yazmin. Gusto niya raw kasi matuto kung paano sumakay ng kabayo.

"Cosmos! Samahan mo ako. Punta tayo kina Tito Hans!" Bungad sa akin ni Yazmin nang buksan ko ang pinto.

"Anong gagawin natin dun?" Tanong konsa kaniya.

"Gusto ko matuto pa'no sumakay ng kabayo!" nasasabik niyang saad.

"Uupo ka lang naman sa kabayo. Edi tapos na. Nakasakay ka na." Pilosopo kong saad. Nakatanggap naman ako ng kurot sa kaniya.

"Sasama ka sa'kin." Saad niya at hinila ako palabas ng bahay. Wala naman akong magawa kaya't nagpahila na lang din ako.


"Kaya pala," saad ni Tito at tumawa.

"Parang wala ka naman kasing interes sa mga hayop, Cosmos. Kaya nagtataka talaga ako kung bakit ka andito. Kinuha ka pala ng Yazmin na 'to."

Tinuruan kami ni Tito kung paano sumakay sa kabayo at kung paano siya kontrolin. Kaagad ko namang nakuha.

Tiningnan ko si Yazmin at wala pang isang minuto ay nahulog na naman siya. Asar naman itong tumayo. Tumingin ito sa gawi ko at sinamaan ako ng tingin.

Nilapitan ko siya, "Ayan kasi tanga-tanga."

"Oh talaga ba?"

"Dali. 'Wag nang pikon. Tuturuan kita, kawawa ka naman." Nang-aasar kong saad.

Tinarayan niya lang ako at naunang sumakay sa kabayo. Sumunod naman ako sa kaniya at sumakay. Nasa harapan siya samantalang ako ay nasa likuran niya. Tsaka ko pa napagtanto kung gaano kami kalapit sa isa't sa.

Ang tanga mo, Cosmos! Paano kung marinig niya kung gaano kabilis ang tibok ng puso mo!?

Napalunok ako. Habang tinuturuan ko siya ay hindi ko maiwasang mamula at makaramdam ng kung ano sa aking tiyan. Sobrang lapit niya kasi tapos ang ganda niya. Ang ganda niyang pagmasdan. She's more beautiful than the sunset.

"Hoy bagalan mo!" saad ko nang maramdaman kong masyadong mabilis ang pagtakbo ng kabayo.

"H-ha? H-hindi ko alam kung p-paano!"

Sobrang bilis ng pangyayari. Nahulog kaming dalawa at pagmulat ko ng aking mga mata ay nasa ibabaw ko si Yazmin at sobrang lapit ng mukha namin. Just one more inch for our lips to meet. Parehas kaming nagkatinginan sa isa't isa. Parang bigla naman natauhan si Yazmin at dali-dali itong umalis sa ibabaw ko. Nakatayo siya at nakatalikod sa akin. Dahan-dahan akong umupo at pinagmasdan lang siya. I noticed that she is kinda shaking and she is breathing fast.

Dahan-dahan humarap sa akin si Yazmin at umiwas agad ako ng tingin. Sigurado akong pulang-pula ang mukha ko ngayon. It was just one more inch and I'm sure both of our lips will meet.

"P-Pasensiya... Hindi ko sinasadya." Saad niya habang nakayuko. Tiyak akong sobrang nahihiya siya sa nangyari.

Sino ba namang hindi?

"Kalimutan na lang natin iyon. Let's just pretend na walang nangyari ngayong araw. Tinuruan lamang tayo sumakay ng kabayo at ilang beses kang nahulog mula sa kabayo," pabiro kong saad.

Tiningnan niya naman ako ng masama at tinawanan ko lang siya.

I'm sorry but I think I will never forget this day. Siguro ay araw-araw ko pa itong aalahanin, araw-araw magpabalik-balik sa utak ko ang nangyari ngayon.

"Oo. Kalimutan na lang natin 'yun." Saad ni Yazmin at tumingin sa akin.

Tumango lamang ako bilang sagot at umiwas ng tingin. "Mabuti nga hindi tayo nag-ano..." saad ko habang pinagmasdan ang paglubog ng araw.

I looked at her, "Paano kung natuloy yun? Ano ang gagawin mo?" kuryoso kong tanong.

"Hmm..."

"Siguro... hindi ko alam? Baka hindi ako magpakita sayo ng ilaw araw o higit pa kasi nakakahiya," sagot niya. Tumango lamang ako bilang sagot.

"Tigilan mo nga! Ayaw ko na ngang isipin. Ang kadiri! Ikaw pa itong nagsabi-sabi na kalimutan tapos magtatanong ka pa? Nasira ba ulo mo?" Dagdag niya.

"H-Hoy! grabe ka naman! Para mo na ring sinasabi na mabaho yung hininga ko o ano."

"Bakit? Mabaho naman din talaga, eh." Nang-aasar niyang saad.

"Kaya siguro wala ka pang girlfriend kasi mabaho ang hininga mo," dagdag niya pa at tumawa.

"Wow naman! Nagsalita yung parang may boyfriend, ah?" Balik kong asar sa kaniya.

Mabuti at nawala rin agad yung pagkailang namin sa isa't isa dahil sa nangyari kanina. Mas mabuti ngang kalimutan na lang iyong pero parang ayaw ko na 'yun kalimutan.

It's so hard to forget what happened today. Lalo na at napagtanto ko na kung ano talaga itong nararamdaman ko. At ngayon ko lang din napagtanto na lumalalim na pala ang nararamdaman ko para kay Yazmin.

Umiibig na ako... Umiibig ako sa dapat kaibigan lang.

I Love Yesterday Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon