Chapter 2: Birthday Gift

23 3 2
                                    

Today is July 10. It's her birthday. Nasa mall ako ngayon mag-isa. Ayaw sumama ni Mama dahil tinatamad siya.

"Birthday ni Yazmin ngayon, 'di ba?" Saad ni Mama sa kabilang linya.

"Oo."

"May naisip ka na ba kung anong bibilhin mong regalo para sa kaniya?"

"Wala pa," napabuntong hininga ako.
"Sana pala pinag-isipan ko na 'to kahapon."

"Sa tingin mo maganda ba kung bibigyan ko siya ng bracelet o necklace?" tanong ko sa kaniya sa kabilang linya.

"Paniguradong magugustuhan iyan ni Yazmin." Natutuwang saad ni Mama.

"Baka couple bracelet o necklace bibilhin mo, ha."

"Ma? Kaibigan ko lang si Yazmin." Simula noong bata pa lang talaga kami ni Yazmin ay tinutulak niya ako sa babaeng iyon. Todo ship sa aming dalawa.

"Sige. Kwento mo yan, nak, eh."

"Sige."

"Paniguradong bagay kayo. Nai-imagine ko kung gaano ka maging mabuting asawa kay–"

"Ma naman, eh!" Pagputol ko sa kaniyang sasabihin.

"Ewan ko sayong bata ka. Bahala ka na riyan. Mga kabataan talaga ngayon." Saad ni Mama at pinatay na ang tawag.

Magkahalong gulat at lito ang aking naramdaman sa huling sinabi ni Mama.

Anong connect naming mga kabataan sa kaarawan ngayon ni Yazmin?

Kanina pa ako palakad-lakad dito sa loob ng mall at sa wakas nahanap ko na ang jewelry shop. Kaya magpapasama sana ako kay Mama kasi hindi ko kabisado itong mall tapos ayaw ako samahan kasi tinatamad.

Pakiradam ko dalawang oras akong palakad-lakad dito sa mall. Pumasok ako sa loob ng jewelry shop at namangha sa mga alahas na naka-display. Hindi na ako nag-akasya ng oras at naghanap na ako ng alahas na maaaring iregalo sa kaniya.

Maya-maya ay wala pa rin akong nahanap na bagay sa kaniya. Maganda naman lahat na nandito pero pakiramdam ko ay hindi babagay sa kaniya.

I want to buy her something that resembles her or the pendant is one of the things she love. Parang nakita ng Panginoon na sobra akong nahihirapan ngayon sa sitwasyon ko. Pagtingin ko sa kabilang banda ko ay may nakita akong necklace na ang pendant ay ang buwan. A crescent moon. Hindi na ako nagdalawang isip na bilhin iyon.



"Ma?" saad ko habang kumakatok. Hindi naman nagtagal ay bumukas na ang pinto.

"Ang tagal mo naman ata?" Bungad niya sa akin. Hindi ko pinansin ang kaniyang tanong at tahimik akong nagmano kay Mama.

"Ano ba binili mo para kay Yazmin?" Tanong niya sa akin nang makapasok na ako.

"Necklace."

"Anong necklace? baka couple yan, ha." Nanunuksong saad niya.

"Ma naman, eh."
"Kanina ka pa," dagdag ko. Tinawanan niya ako.

"Umakyat kana doon sa kwarto mo para makapagbihis at makapaghanda ka na. Balik na ulit ako sa kusina. Baka mapapagod na yung niluluto ko," saad niya.

Tumango lang ako bilang sagot. Umakyat ako papunta sa kwarto ko at kumuha ng damit sa cabinet at pagkatapos ay pumunta ng banyo. Hindi naman ako nagtagal ay tapos na akong maligo at nag damit pambahay muna. Mamayang gabi pa rin naman i-celebrate ang birthday ni Yazmin.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin habang sinusuklayan ang aking buhok. Habang hinihintay ko ang paglipas ng oras ay napagpasiyahan kong maupo muna sa aking kama. Malalim ang iniisip. Kinuha ko ang binili ko para kay Yazmin at pinagmamasdan iyon. Iniisip ko kung ano kaya ang magiging reaksiyon niya.

Walang duda. Bagay talaga 'to sa kaniya.

Kung ano-anong eksena na amg pumapasok sa isip ko. Kaagad ko iyon inalis sa aking isipan. "Bahala na nga," saad ko at napabuntong hininga.

Naalimpungatan ako nang marinig ko ang boses ni Mama. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa sobrang lalim ng aking iniisip.

"Kakain na!" Saad ni Mama sa labas ng pinto.

"Susunod ako!" tanging sagot ko.

Napatingin ako sa kamay ko nang may naramdaman akong parang malamig. Nang tingnan ko ito ay ang kuwintas pala. Nakalimutan kong ibalik sa lalagyan. Binalik ko muna ito sa kaniyang lalagyan bago lumabas sa aking kwarto.

Alas sais na pala ng gabi. Pagkatapos naming kumain ay kaagad akong umakyat sa aking kwarto at nagmamadaling magbihis. Pagkatapos ay sinipat ko ang sarili ko sa salamin. Ang suot ko ngayon ay white polo shirt at brown na pantalon. Paulit-ulit kong tinignan ang sarili ko upang masigurado na maayos akong tingnan.

Nagdadalawang isip ako kung kailangan ko pa bang palitan ang suot ko o hindi na. Hanggang sa nagsawa ako kakatingin sa sarili at napagpasiyahan kung hindi ko na papalitan dahil nakakatamad din ulit maghanap.

Kinuha ko ang regalo ko para kay Yazmin na nakalagay sa ilalim ng aking unan at inilagay sa aking bulsa. Bumaba na ako at nagpaalam kay Mama na aalis na ako. Kahit sa pag-alis ko ay tinutukso pa rin ako nito.

I Love Yesterday Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon