Grade 12 na ako ngayon at si Yazmin naman ay Grade 11 na. She chose HUMSS.
First day of class namin ngayon at kabadong kabado si Yazmin dahil wala raw siyang ideya kung sino ang magiging kaklase niya. Habang ako naman ay gusto ko lang matapos ang araw na ito.
Wala namang mababago dahil kaklase ko pa rin naman mga kaklase ko last school year, maliban na lang kung may transferee.
Nagulat ako nang bigla lamang akong hinampas ni Yazmin sa balikat. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Ano ba--"
Nang tingnan ko ang gilid namin ay doon ko napagtanto kung bakit. Andito lang sa tabi namin yung lalaking nagustuhan niya. Ang swerte niya.
Dalawang buwan na pala ang nakalipas simula no'ng pangyayari na iyon. Where I almost confessed, where I almost ruined our friendship, where I almost lost her.
"Magkaklase ata kayo?"
Tuwang-tuwa naman siya habang tumatango. "Motivated na ako!"
"Sana all."
"Ikaw kasi! Bakit ba wala ka pang nagugustuhan o crush man lang? Ako yung na-bored para sa'yo, eh." Napangiwi lamang ako sa kaniya sinabi.Wala pang nagugustuhan? Kung alam mo lang kung gaano pa kita kagusto. Gusto ko ng mag move on dahil ang sakit-sakit na. You always talked about him during the vacation. Palaging siya ang bukambibig mo tuwing magkasama tayo. Ang sakit kasi nakikita kitang paano ka nagkagusto at mahulog sa iba at habang ako naman ay tahimik na nasasaktan. Minsan ay hinihiling ko sa mga bituin na sana ay ako na lang. Sana ay ako na lang ang lalaking nagustuhan mo at hindi siya.
"Ang pogi niya noh?" saad niya sa akin at sumulyap doon sa crush niya.
"Hanapin mo pake ko."
"Ang sungit! Inggit ka lang, eh."
Oo. Inggit na inggit talaga ako.
Sobrang nakakinggit dahil kahit wala man lang ginagawa ang lalaki ay kinikilig siya. Tumatalon-talong habang nagkwekwento sa akin na ganito at ganyan.
"Punta na ako sa classroom namin. Baka maubusan ako ng upuan." Pagpapaalam ko sa kaniya. What a lame excuse.
Ayaw ko na. Ang hirap mag-move on na ganito. Na nakikita ko siya palagi at nakakasama. Paano ako maka-move on kung ganiyan? Kung nakikita ko siyang palaging ngumingiti at tumatawa.
Habang naglalakad ako papunta sa bagong classroom namin ay may biglang pumasok sa isip ko.
Paano kung lilipat na lang ako?
Pakiramdam ko ay mas nakakabuti kung lilipat na lang ako. Mas mabuti kung... pipiliin ko na muna ang sarili ko, ang sarili kong nararamdaman.Nakakapagod din na ganito na lang palagi. I always do adjustments. Paano naman ako? Paano naman yung nararamdaman ko? Kaso ang mas masakit dito ay wala akong karapatan. Wala akong karapatan na sabihin na ganito na yung nararamdaman ko.
Pagkatapos ng klase ay tumungo ako sa classroom nila Yazmin. Habang naglalakad ako palapit sa classroom nila ay bigla kong nakita silang dalawa. Si Yazmin at ang lalaking gusto niya. Mukhang may iba na atang kasabay ang bestfriend ko.
Bestfriend... What a painful word.
Hindi na ako nagdalawang isip na tumalikod. Mas lalo lang akong masasaktan kong titingnan ko pa sila.Mag-isa lamang ako naglakad pauwi. This is the very first time na maglalakad ako pauwi na wala akong kasama. Wala si Yazmin.
Napagdesisyunan kong lumipat na lang. Mas nakakabuti ito para sa akin. May ibang lalaki nang magmamahal at mag-aalaga sa kaniya. Alam kong hindi niya papabayaan si Yazmin. I know Cendrick will treat her well. I know he would, I know him very well... he was my bestfriend after all.
And also... they are just the same. They were loving each other from a far. He fell first, she fell harder. While in my point of view... I fell first and she never fell and will never fall.
Pagdating ko ay nakita ko sa labas ng bahay si Mommy na nagwawalis. Nang makita niya ako ay napahinto siya sa kaniyang ginagawa at matamis na ngumiti sa akin.
"Kumusta ang first day of school?" tanong niya sa akin habang ngumingiti.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko ng mahigpit si Mommy.Ang kaninang luha na pinipigilan ko ay kusa na ngayong lumalabas. Ramdam ko ang pagkagulat ni Mommy. Mga ilang segundo pa ang lumipas bago niya ako niyakap pabalik.
"Bakit ka umiiyak, Cosmos? Ano bang nangyari? Pumasok muna tayo sa loob ng bahay."
Habang papasok kami ng bahay ay walang tigil ang pagpatak ng mga luha ko. Hindi ko na nga namalayan na nasa salas na pala kami. Nakaupo na kami ngayong dalawa.
"Ano ba ang nangyari anak?"
I couldn't help but burst more tears. Niyakap ko si Mommy. "G-Gusto ko si Yazmin..."
Hindi nagsalita si Mommy. Tumango lamang siya bilang sagot.
"M-May iba siyang gusto, Mommy." Nahihirapan kong saad sa kaniya at mas lalong umiyak.
"Nag-confess ka ba, anak?" she softly asked.
Bumitaw ako sa pagkayakap at umiling bilang sagot.
I wiped my tears. "A-Ayaw. Ayaw ko at h-hindi na rin dapat."
"A-Ayaw kong masira ang f-friendship namin just because of m-me." Dagdag ko.
Nang naging mahinahon na ako ay nagsalita muli si Mommy. "Ano na ang plano mo ngayon, anak?"
"Kung gusto mo ay ililipat ka namin ng ibang school ay gagawin namin. Magsabi ka lang..." she said and shortly smiled.
"A-Ayaw ko na. Pagod na ako."
"I want to transfer. Gusto kong mag-move on ngunit h-hindi ko magawa kung palaging ganito... K-kung palagi ko siyang nakikita. S-Sila." Dagdag ko.
Niyakap niya ako ng mahigpit. "Sasabihan ko ang Daddy mo."
Hinalikan niya ako sa noo, "Nandito lang kami, okay? Hindi ka nag-iisa. We are always here for you, anak." Dagdag niya.
Hindi na ako nagsalita pa at niyakap ko ng pabalik si Mommy.
Thank you, Mom.
Hindi na ako magpapaalam kay Yazmin. Ayaw ko. Panigurado akong masasaktan at mahihirapan lang ako sa pag-alis. Sarili ko na lang muna ngayon ang iisipin ko. Mahihirapan lamang ako sa pag-alis kung magpapaalam pa ako sa kaniya. Panigurado akong tatanungin niya ako kung ano ang dahilan at hindi ako titigilan. Ayaw kong sabihin sa kaniya. Lalo na ngayon. Wala na akong dahilan para sabihin pa sa kaniya. Wala naman ring patutunguhan kung sasabihin ko pa sa kaniya. Masisira lang ang friendship namin. Siguro sa ngayon hindi ko pa kayang sabihin. But I will tell her... I will tell her once the right time has come, I will tell her when I already moved on from her.
BINABASA MO ANG
I Love Yesterday
RomanceIn a small town, two childhood best friends had shared a deep yet unspoken love, more than friends. Both thought it was an unrequited love and chose to keep it as a secret. They keep their feelings hidden and navigate the complexities of young love...