Paggising ko ay alas sais na pa lang gabi. Sobrang haba pala ng naging tulog ko. Umupo ako sa higaan at sakto namang lumabas si Yazmin galing sa banyo.
Nakabihis ito ng pangligo. Pinasadahan ko ng tingin ang kaniyang suot. Napangiwi ako.
"Maliligo ka? Anong oras na, ah? May bukas pa naman." Pwede namang bukas na siya maligo sa dagat kahit doon na rin siya mag-agahan, magtanghalian at maghapunan sa dagat.
"Ano naman? Gusto ko maligo. May ngayon naman kaya bakit hindi ngayon?" Pagtataray nito sa akin.Lumabas ito ng walang pasabi na aalis na. Napabuntong hininga na lamang ako.
Tumayo ako at naglakad papunta sa kusina. Pagbukas ko sa refrigerator ay ang daming laman. Halos magsuntukan na ang mga pagkain sa laman ng refrigerator.
Kumuha na lang ako roon ng slice bread at nutella. Pagkatapos ay binalik ko rin agad at lumabas na ako sa kwarto namin habang kumakain. Saktong paglabas ko ay iyon din ang paglabas ni Tita."Oh, Cosmos. Magandang gabi! Si Yazmin?"
"Magandang gabi rin po Tita. Nasa dagat na po naliligo." Nakangiwi kong saad. Natawa lanang si Tita.
"Hay nakong batang iyon! May bukas naman at hindi naman mawawala iyang tubig sa dagat." Natatawang saad ni Tita.
"Iyan nga rin ang sabi ko kay Yazmin, Tita. Na may bukas pa naman. Tapos sinagot ako ng ‘May ngayon naman kaya bakit hindi ngayon?’"
Mas lalong natawa si Tita. "Hay nakung batang yun."
Nagpaalam na ako kay Tita para sundan at hanapin ko na si Yazmin. Pagkalabas ko ay sinalubong ako ng malamig na hangin. Kahit malamig ay masarap pa rin ito sa pakiramdam. Lalo na sa mga hampas ng mga alon. Masarap sa tainga. Medyo unti na lamang ang mga tao na nasa dagat.
Hinanap ng mga mata ko si Yazmin. Hindi naman ako natagalan sa paghanap sa kaniya. Kaagad ko itong nakitang nakaupo lamang sa buhangin. Naglakad ako papunta sa gawi niya ay umupo sa tabi niya. Hindi na ito nagulat sa pagdating ko dahil alam niyang susundan ko siya.
"Ganda ng buwan noh?" Saad ni Yazmin habang nakatingin sa kalangitan kung nasaan andoon ang buwan na pinapalibutan ng mga bituin.
Kaagad akong nagulat sa kaniyang sinabi.
Alam niya ba kung ano ang pinagsasabi niya!? Pero baka hindi niya naman talaga alam.
Mabuti na lang at madilim ngayon at hindi niya makikita kung gaano ako kapula ngayon. "Oo... sobrang ganda." Saad ko bago siya tinignan. Tinignan niya rin ako pabalik. May kung ano akong nakikita sa kaniya mga mata.Sakit? Pagmamahal? Kasiyahan? Hindi ko alam. Pero iyon ang nababasa ko sa kaniyang mga mata. Pero baka guni-guni ko lamang lahat ng iyon. Bakit naman makakaramdamn siya ng gano'n ngayon? Baka nasobrahan lang talaga ako sa mga librong binabasa ko.
Si Yazmin ang unang bumitaw sa pagtitigan namin. Nakatingin na ulit ito sa kalangitan. Habang ako ay nakatingin pa rin sa kaniya.
"Tigil-tigilan mo ang pagtitig sa'kin. Baka iisipin kong may nararamdaman ka na sa'kin niyan." Pagbibiro niya.
Tumawa ako ng mahina, "Paano nga kung meron?" Panghahamon ko.Napatingin siya sa akin. Kumunot ang kaniyang noo.
"Pinagsasabi mo diyan?"
"Paano nga kung meron? Paano kung meron nga akong nararamdaman sa'yo... Ano gagawin mo?" Tanong ko habang diretsong nakatingin sa kaniyang mga mata. Inaabangan ko ang kaniyang magiging sagot.
Paano kung sasabihin kong mahal kita higit pa sa kaibigan?
Umiwas ito ng tingin sa akin. Hindi ko maiwasang hindi masaktan. Alam ko alam niyang may ibang pinapahiwatig ako sa tanong ko. Alam niyang hindi na ito ‘Paano’. Alam na niyang meron na talaga. At hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para magtanong ng gano'n sa gitna ng pagbabakasyon pa talaga namin ngayon. Hindi ko naisip na baka iwasan niya ako pagkatapos nito. Baka imbis na magsiyahan kami ay ilangan lang ang meron sa amin.
Ang tanga mo talaga, Cosmos.
Hindi pa rin ito sumasagot sa tanong ko. Baka nag-iisip na ito kung paano ako hindi masyadong masaktan sa sagot niya. Kahit naman gamitan niya pa yan ng mga bulaklaking salita ay alam kong masasaktan pa rin ako sa huli. Sugarcoated words hurts the most and much more painful if you know when they were sugarcoated.
Ayaw kong mawala ang pagkakaibigan namin. Mas pipiliin ko pang ganito na lang. Tahimik na nagmamahal. Pero ito ako ngayon at napunta sa ganitong sitwasyon. Ang tanga ko talagang lalaki. Sana pala ay pinigilan ko na lamang ang sarili kong bibig upang hindi humantong sa ganito kaso wala na akong magagawa pa. Huli na ang lahat para bawiin lahat ng sasabihin ko.
Napabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang pagbunting hininga ni Yazmin. Tumingin ito sa akin at ngumiti. Diretso lamang ang tingin ko sa kaniyang mga mata. Hindi ko alam kung guni-guni ko lamang ba ito o tama ba itong nababasa ngayon sa kaniyang mga mata.Pagmamahal at... sakit?
Iyon ang nakikita ko. Pero hindi ko alam kung iyon nga ba talaga. Baka naman pinapaasa ko lang ang sarili ko tapos sa huli ay masasaktan ako ng sobra.
"Kung ano-ano lang talaga pinagsasabi mo," saad niya at mahinang tumawa.
Parang may kung anong kirot akong nararamdaman. Ang hirap ipaliwanag. Sa tingin kk ay mas mabuting ganito, na akala niya ay biro lamang pero hindi ko maiwasan na umasa na tatanungin niya ako tungkol doon.
I somehow feel disappointed. Gusto kong magsalita tungkol sa nararamdaman ko ngunit ayaw ko mawala ang pagkakaibigan namin. Nakakainis at nakakaiyak. Ang bigat sa pakiramdam na ganito.
One sided love really hurts. She's near but it feels like she is out of my reach. Ang sakit na palaging ganito na admiring from a far. Mag-isa mong titiisin lahat ng sakit na nararamdaman mo. You can't express and show your love to her because you should know your limits. There's an invisible wall– a boundary.Sana balang araw ay hindi na siya ang sinisigaw ng puso ko. Sana balang araw ay mawawala rin itong nararamdaman ko sa kaniya. Sana... dadating na ang araw kung saan ay hindi na siya ang mahal ko dahil ang sakit-sakit na. Ayaw ko ng ganitong klaseng pagmamahal. Masyadong mahirap at masakit sa dibdib.
"Ano naman?" I tried to act normal.
Act normal... I should act normal after everything and it hurts.
"May sasabihin ako..." biglang saad niya. Full of joy and excitement.
"Ano?"
"Huwag mong sabihin kina Mama at Papa, ha..." Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.
Parang alam ko na kung ano... Ayaw. Ayaw ko. I don't want to hear it.
"May nagugustuhan na ako!" Parang biglang naubos lahat ng lakas ko.Sobrang mapaglaro pala talaga ang mundo. I was actually hoping another thing. Umasa na naman ako at nasaktan na naman ako.
Is this a sign that the world gave me? A sign that I should let go already ang move on?
Sa una pa lang ay talo na talaga ako. I'd never win from the very beginning because... I am just a friend to her, I'm just her bestfriend and will always be like that.
BINABASA MO ANG
I Love Yesterday
RomantizmIn a small town, two childhood best friends had shared a deep yet unspoken love, more than friends. Both thought it was an unrequited love and chose to keep it as a secret. They keep their feelings hidden and navigate the complexities of young love...