Nagbiseklita lang ako papunta kina Yazmin dahil hindi naman masyadong malayo ang sa kanila mula sa amin. Nang makarating na ako sa kanila ay gusto ko na kaagad ibigay sa kaniya ang regalo ko. Kanina pa ako naghahanap ng pagkakataon para maibigay sa kaniya ang binili kong regalo ngunit tuwing lalapitan ko na sana siya ay nauunahan na ako ng mga taong kumakausap sa kaniya.
Napabuntong hininga na lamang ako. Nakaupo lang ako ngayon sa gilid habang kumakain ng cake. Tahimik lang akong kumakain nang biglang sumulpot sa harap ko si Yazmin.
Tumagilid ang aking ulo at binigyan siya ng nagtatanong na tingin. "Ano?"
"Ha!?" Malakas na sagot niya.Masyadong malakas yung sound system kaya sinenyasan ko siyang lumabas na lang kami. Nahirapan pa kaming lumabas dahil sa dami ng tao at kada tao na nadadaanan namin ay binabati at kinakausap pa siya.
"Ang dami mo namang bisita," saad ko nang makalabas na kami ng tuluyan.
"Ngayon ko nga lang napagtanto na ang dami ko palang bisita."
Binalot kaagad kami ng katahimikan. Parehas lamang kaming nakatingin sa magandang kalangitan.
"Ang ganda talaga ng buwan, noh?"Natigilan ako sa kaniyang sinabi ngunit kaagad kong winakli sa isipan ang hindi ko dapat iniisip.
I'm just assuming too much.
"Oo. Sobrang ganda niya..." Saad ko at tumingin sa kaniya.
"Ang ganda ng buwan," dagdag ko at kaagad iniwas sa kaniya ang tingin habang nakangiti.
"Yazmin..." unti-unti akong humarap sa kaniya.
"Happy birthday," saad ko sa kaniya at niyakap siya. Niyakap niya rin ako pabalik.
Ako ang unang humiwalay dahil natatakot akong marinig niya kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko. Natatakot akong masira ang pagkakaibigan namin dahil sa may nararamdaman na akong kakaiba na hindi ko maipahayag ng maayos. A weird feeling that I don't want to risk to tell her because I'm too scared to lose us.
"Pumikit ka tapos ibukas mo ang mga palad mo." Hindi na siya nagtanong pa at sinunod kaagad ang sinabi ko.
"Kapag talaga kalokohan 'yang binigay mo sa'kin mawawalan ka ng kaibigan." Tinawanan ko lang siya.
I won't lose you... I don't want to lose my bestfriend.
Kinuha ko mula sa aking bulsa ang regalo at ibinigay ko sa kaniya, "Pwede mo na buksan mga mata mo."
Dahan-dahan niyang minulat ang kaniyang mga mata. Nang tuluyan niya nang makita kung ano ang nasa kamay niya ay sobrang saya niya nang makita niya kung ano ang ibinili ko para sa kaniya. Nakikita ko sa mga mata niya ang sobrang tuwa. Tumalon-talon siya sa sobrang saya.
"Ang ganda, Cosmos!" Saad niya at niyakap ako ng sobrang higpit. Nanggigigil.
Kumalas siya. "Ikaw magsuot sa'kin," saad niya at ibinigay sa akin ang necklace.
"Talikod ka."
Siya na ang nag-ayos sa kaniyang buhok upang hindi na ako masyadong mahirapan isuot sa kaniya ang necklace.
"Ayan. Tapos na."
"Bagay ba?" Tanong niya sa akin nang humarap siya.
"Bagay na bagay sa'yo, Yazmin..."
"Mas bagay ako sa'yo," nabulunan ako sa sarili kong laway sa kaniyang sinabi.
Sigurado akong sobrang pula ko ngayon! Ano ba kasi itong pinagsasabi ng babaeng 'to? Hindi man lang nag-iisip. Parang wala lang 'yung sinabi niya. Parang gano'n lang. Siguro para sa kaniya iyong sinabi niya ay biro lang ngunit para sa akin parang daplis na pagkakataon.
"U-umayos ka nga d'yan! Kung ano-ano na pinagsasabi mo. Baka inaantok ka na," saad ko sa kaniya ngunit tinawanan lamang ako.
"Syempre joke lang 'yun! Ayaw kaya kita maging boyfriend. Ang sungit mo!"
"Hoy babae! Hindi ako masungit!"
"Sige. Kwento mo yan, eh." Saad niya.
"Sige," tanging sagot ko.
Nagtiningnan kami at sabay kaming tumawa sa isa't isa.
"Baliw ka talaga," saad ko sa kaniya.Kaagad niya akong binatukan, "Hindi ako baliw!"
"Crazy birthday girl."
"Mukha mo crazy," mataray niyang sagot.
Tumawa lamang ako sa kaniya. "Happy birthday again, Yazmin. I hope... you enjoyed this day." Saad ko sa kaniya.
"I did," nakangiti niya sagot.
BINABASA MO ANG
I Love Yesterday
RomanceIn a small town, two childhood best friends had shared a deep yet unspoken love, more than friends. Both thought it was an unrequited love and chose to keep it as a secret. They keep their feelings hidden and navigate the complexities of young love...