Nagtataka kong tinignan si Cameron ng pumasok ito sa room na hindi inaalis ang tingin sa akin. Ano na naman kaya ang mangyayari sa akin mamayang uwian?
After how many minutes, pumasok rin sa room si Timothy, isa ring nerd na tulad ko. Pero nakakapagtaka....nerd rin naman si Timohy pero bakit hindi sya nakakatanggap ng pambu-bully?
Sinundan ko ng tingin si Timothy hanggang sa marating na nya ang upuan nya. Cute si Timothy kahit na may eye glasses sya, kahit may brace ang ngipin nya...hayst...napaka perpekto naman ng lalaking 'to.
"Tulo laway ka na..."
Nabalik ako sa realidad ng may bumulong sa akin. Nang lingunin ko kung sino ito, halos mapigtas na ang hininga ko. Its Cameron...at sa sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko.
Napalunok ako bigla at bahagya kong nilayo ang mukha ko sa mukha nya. I saw him smirk na syang ikinainis ko.
"Hindi kita hahalikan, wag kang assuming..."
Nakangising sabi nya sa akin sabay talikod sa akin."Hindi kita hahalikan, wag kang assuming..." Panggagaya ko sa sinabi nya kanina, "Makasabing wag akong assuming...eh hindi nga sumagi sa isip ko yun...baka kako ikaw lang ang nag-a-assume." Pagpapatuloy ko pa.
"May sinasabi ka, pangit?" Tanong nito ulit sa akin.
"W-wala..." Sagot ko.
Tsk, makasabing pangit sa akin grabe. Eh hindi naman sya gwapo. Mukha syang unggoy!
*Bzzt*
Kinuha ko ang phone ko habang wala pa si ma'am. Nag text si mom sa akin.
___
From Mom,
Diretsyo sa bahay agad hone ah? Ingat ka sa pag-uwi. I love you.
___Napangiti ako sa nabasa ko. Napaka sweet talaga ni mom.
"Guys, wala daw si ma'am Sheena." Balita ng class president namin.
Naghiyawan naman ang lahat. Inayos ko ang gamit ko at napagpasyahang lisanin na yun.
Uuwi na lang ako kesa magbulakbol. Nakakatamad gumala...
"Hey you, bitch!"
Sigaw ni Stacey sa akin sabay hila sa buhok ko.Naman oh, akala ko pa naman wala ng mambubully sa akin kapag wala na akong suot na eye glasses.
Nagkamali ata ako...
"A--ar--ayy bitawan mo'ko---"
*Pak*
Tinitigan ko sya matapos akong sampalin pero hawak nya pa rin ang buhok ko.
Ang talim nyang tumitig...parang handa ng pumatay."How dare you to flirt with my Cameron!" Galit na ani nito sa akin.
This is enough! Wala silang karapatang i-bully ako!
Marahas kong hinawi ang kamay nya na nakahawak sa buhok ko. Batid kong hindi nya yun inaasahan dahil bakas ang gulat sa mukha nya matapos ko yun gawin.
"I am not flirting with YOUR Cameron! Hindi ako pumapatol sa taong mahina!!!" Ani ko.
"Mahina?" Malamig na tanong ng taong nasa likuran ko ngayon.
Cameron...
Kita ko ang pag ngisi ni Stacey sa akin.
Hinarap ko si Cameron."Isa kang mahina!" Seryoso kong sabi sa pagmumukha nya.
Napasinghap ang mga estudyanteng nakakakita sa akin ngayon.
"What! Ako, mahina? How can you say so that I am wea---"
BINABASA MO ANG
Being His Property
RomanceP R O L O G U E "Bakit ngayon ka lang?" He asked me matapos kong pumasok sa bahay. Nilagpasan ko lang sya. Akmang hahakbang na ako paakyat sa kwarto ko ng hawakan nya ang braso ko. "Ang ayaw ko sa lahat ay yung tinatalikuran ako kapag kinakausap ko...