"So, kailan ang kasalan?"
Napa-ubo ubo ako sa tanong ni tita.Nandito kami sa hapag kainan. Kasama sina mom and dad at kaharap naman namin ang mga bisita nila.
"A-anong kasal po? Mom?" Baling ko kay mom.
"Oh yes, I forgot to tell you. You will marry their son, Cameron Louise Tan." Halos buhusan ako ng malamig na tubig ng marinig ko ang sinabi ni mom.
Nananaginip ba ako? Of all people, bakit kay Cameron pa? Bakit sa bully ko pa?
Tinitigan ko si Cameron ngunit parang wala lang sa kanya ang magaganap na kasalan.
Ibinaba ko ang mga kubyertos at tinitigan si Cameron.
"Kung ipapakasal nyo lang naman po ako sa lalaking yan," turo ko kay Cameron, "I must prefer to die right now... Excuse me." Sabi ko at agad umalis sa harapan nila.
My dad keeps on calling my name pero binalewala ko lang ito. Tumakbo ako papunta sa gate.
Pagkalabas ko ng gate pumunta ako sa park. Iilan na lang ang tao dito dahil magdidilim na.
Habol ang hiningang umupo ako sa isang swing.
"Hindi bagay sa isang prinsesa'ng tulad mo ang umiyak," biglang sabi ng tao na nasa gilid ko.
Tinitigan ko sya habang unti-unti syang lumuluhod. He wipe my tears using his handkerchief. Nang iangat nya ang ulo nya, dun ko lang nalaman kung sino ito.
Umupo sya sa katabing swing at tinulak ito ng bahagya.
"Bakit nasa labas ka pa? Gabi na at delikado ito para sayo lalo na't babae ka pa naman," may halong concern na sabi nya sa akin.
"Eh ikaw, bakit nasa labas ka pa? At isa pa, bakit mo ba ako kinakausap? Usually hindi mo ako pinapansin kahit nasa school tayo," sabi ko sa kanya.
"Gusto mo pa lang mapansin kita...crush moko noh," asar nito sa akin.
Mabilis akong umiling sa kanya.
"Over my dead gorgeous body...Hindi kita crush, Timothy. Wag ding assuming."
"Pero ako, crush kita..." Napatingin ako bigla sa kanya.
C-crush nya ako?
"Ang pangit pala ng taste mo." Sabi ko na lang.
"You're not ugly---"
"Dahil iba ang itsura ko ngayon sa itsurang palagi mong nakikita sa school." Sabi ko sa kanya.
"I have a secret crush on you since high school..." Pag-aamin nito.
Nakatingin na sya ngayon sa langit.
"S-seryoso?" Hindi makapaniwalang tanong ko.Tumingin sya sa akin sabay tango.
"Kung ayaw mong maniwala, edi wag. Hindi kita pinipilit na maniwala sa sinasabi ko..." Sabi nya sabay tayo.Nilahad nya ang kamay nya sa harapan ko. Tinitigan ko lang ito.
"Let's go. Nag-aalala na siguro sila sa iyo. Ihahatid na kita sa inyo..." Nakangiting sabi nya sa akin.Ewan pero ang cute nya pa lang ngumiti. Palagi kasi syang seryoso sa school eh. Ni hindi ko nga alam na marunong pala syang ngumiti...
Inabot ko amg kamay nya at tumayo na rin mula sa pagkakaupo.
Maglalakad na sana kami ngunit pagharap namin, I saw Cameron looking at us...or me.
Ewan, hindi ko alam kung kanino ba sya nakatingin.
"Ako na ang maghahatid sa kanya, umuwi ka na Tim." Malamig na sabi ni Cameron ngunit sa akin lang nakatuon ang paningin nya.
Ohh..scary....
BINABASA MO ANG
Being His Property
RomansaP R O L O G U E "Bakit ngayon ka lang?" He asked me matapos kong pumasok sa bahay. Nilagpasan ko lang sya. Akmang hahakbang na ako paakyat sa kwarto ko ng hawakan nya ang braso ko. "Ang ayaw ko sa lahat ay yung tinatalikuran ako kapag kinakausap ko...