//Allison POV//
Natatakot akong pumasok sa paaralan na'to. Hayst...bakit ba kasi ang daming bully dito!!! I looked at my wrist watch, male-late na ako.
o__o
Dali-dali akong tumakbo papasok ng campus. As usual sa akin na naman ang atensyon ng halos karamihan ng estudyante dito.
*Boogsh*
Napapikit ako ng mariin ng may naramdaman akong bumato sa akin. Hindi ko na lang sana papansinin ng may humarang bigla sa dinaraanan ko. Napalunok ako at biglang nilukuban ng takot ang buo kong katawan. Ngumisi sya sa akin.
"Its good to see you again, Allison," turan nito sa akin."W-wala akong oras makipag laro sayo, Cameron," mahinahon kong sabi sa kanya. Lalagpasan ko na sana sya ng hawakan nya ang braso ko.
"Leave this school..." Malamig nyang bulong sa akin.
"What's going on here?" Tanong bigla ni Casper---kambal ni Cameron.
Nilapitan ako ni Casper at tinago sa likod nya. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan ng magkapatid.
"H-halika na, C-Casper." Mahina kong sabi sa kanya habang bahagya kong hinihila ang damit nya.
"Mag-uusap tayo mamaya, Cameron." Malamig na turan nito sa kapatid bago ako hilahin papuntang cr.
"Magbihis ka, may extra akong T-shirt dito---no I mean, mag shower ka ulit. Ang lansa ng itlog na binato sayo kanina. Hihintayin kita dito sa labas." Sabi nya sa akin.
Tumitig ako sa salamin para tignan ang itsura ko. Hayst...kapag talaga pangit, lapitin ng gulo. After ng ilang minuto, natapos na rin ako mag shower.
"Ano ba ang kasalanan ko sa lalaking yun at kung maka-bully sa akin parang may nagawa ako sa kanyang masama," kausap ko sa reflection ko.
"Are you done, Allison?" Tanong ni Casper sa labas ng Cr.
"O--oo..." Sabi ko sabay labas.
Bahagya syang natigilan ng makita ako. Eh? Anong nangyari sa lalaking 'to?
"Hoy, anong nangyari sayo? Bakit tulala ka?" Taka kong tanong dito.
"Y-you're not wearing your eye glasses..." Turan nya na tila ba manghang-mangha.
"Hindi ako nagsusuot ng salamin kapag bago akong ligo..." Saad ko at naglakad na.
Ramdam kong sumunod sya sa akin.
"Wag mo na lang kaya suotin ang eye glasses mo." Suhestyon nya."Why?" Taka kong tanong dito.
"Para hindi ka na i-bully ng mga estudyante dito... especially my twin."
Tumigil ako sa paglalakad.
"Salamat sa concern mo pero hindi pwedeng hindi ako mag suot ng eye glasses. Alam.mo naman na medyo malabo na ang mata ko.""Edi mag contact lenses ka na lang..."
Inilingan ko sya.
"Dito na ako...punta ka na rin sa room mo." Sabi ko.
Napakamot naman sya sa batok nya.
"Ok...i-ingat ka." Saad nya bago umalis.Pumasok ako ng room namin and thank god kasi wala pa ang first subject namin.
Nakayuko akong naglakad papunta sa upuan ko. I really hate attention.
"Si Allison ba yan?"
"Bagay pala sa kanya kapag walang eye glasses."
"She have the looks kaso hindi sya nag-aayos."Iilan lang yan sa mga narinig ko sa mga kaklase ko. Tss, dapat sinuot ko na lang ang ang eye glasses ko.
"Ang cute pala ni Allison."
BINABASA MO ANG
Being His Property
RomanceP R O L O G U E "Bakit ngayon ka lang?" He asked me matapos kong pumasok sa bahay. Nilagpasan ko lang sya. Akmang hahakbang na ako paakyat sa kwarto ko ng hawakan nya ang braso ko. "Ang ayaw ko sa lahat ay yung tinatalikuran ako kapag kinakausap ko...