"Akin na yung susi ng motor mo," sabi bigla ni Cameron nang makarating kami sa parking area. Kinunutan ko sya ng noo.
"Why?" Tanong ko dito.
"Ako na ang magmamaneho. Baka mamatay na ako kapag ikaw ang nagmaneho ulit." Sabi nito.
Tinitigan ko ang kamay nyang nakalahad. I heaved a sigh bago ibigay sa kanya ang susi ng motor ko. Kinuha ko na lang ang helmet at sinuot ito. Umangkas na ako sa motor ng i-kick ni Cameron ang motor.
"Kumapit ka, Ally. Baka mahulog ka, masaktan ka pa," rinig kong sabi nya.
Ano na naman ba ang nakain ng lalaking 'to at ngayon para bang bumabanat na? May gayuma batang pagkaing binigay sa akin ni kuya Red kaninang umaga?
Aalis na sana kami ng may napansin ako sa side mirror ng motor ko.
"Sandali lang," sabi ko sabay kuha dun sa papel na naka-ipit s may side mirror.
"Ano yan?" Tanong nito Cameron.
Itinaas ko pa ito para makita nya.
"Papel," simple.kong sagot sabay angkas ulit.Nagmaneho na lang sya. Wala kaming imikan hanggang sa makauwi kami.
Ang bagal nyang magmaneho! Daig pa ang may patay sa sobrang bagal!
Dumiretsyo ako sa kwarto namin sabay lock ng pinto.
"Little dO yOu Know
that I'M breaking
While you FALL ASLEEP.Break me
Break them
Break everything that you hold
Blood will drip off
Blood will splatter on the floor
But this time
It wasn't mine!" Basa ko sa nakasulat sa papel.Dugo ang ginamit pang sulat.
Blood Spectre Gang...
Kinuha ko ang black notebook ko sabay lagay ng check sa pangalan ng gang nila.
May tatlo pa akong pinaghihinalaan...
Yellow Fire Gang
Roses Thorns Gang
Blue Flame GangSilang tatlo.pa ang.pinaghihinalaan namin ni kuya. At marahil, isa rin sa kanila ang nagpahirap sa buhay ni kuya!
*Knock knock knock*
Agad kong tinago ang notebook ko.
Pumunta ako sa may pinto at binuksan ito ng bahagya.
"Bakit?" Tanon ko dito.
"Dinner is ready." Sabi nya sabay alis.
Pumasok ulit ako at nagbihis.
Hayst...
Natatakot ako para kay Cameron. What if madamay sya? Kahit bully ko sya, may concern parin ako sa kanya dahil nga diba magiging asawa konna sya soon.
I heaved a sigh. Hindi naman siguro sya madadamay sa gulo namin ni kuya? Diba?
Monday
Hayst, natatamad akong pumasok! Medyo mataas na ang araw pero hindi pa rin ako bumabangon sa higaan ko. Ayaw kong pumasok.
"BUMANGON ka na dyan. May pasok pa tayo." Sabi ni Cameron. Galing sya sa cr na malamang ay naligo na.
Nagtalukbong ako ng kumot.
"Hindi ako papasok."
"At bakit?"
"Wag ng maraming tanong. Umalis ka na lang!" Singhal ko. Wala akon narinig na response.
Whew...umalis na siguro----
BINABASA MO ANG
Being His Property
RomansaP R O L O G U E "Bakit ngayon ka lang?" He asked me matapos kong pumasok sa bahay. Nilagpasan ko lang sya. Akmang hahakbang na ako paakyat sa kwarto ko ng hawakan nya ang braso ko. "Ang ayaw ko sa lahat ay yung tinatalikuran ako kapag kinakausap ko...