Chapter 04

1 0 0
                                    

//Allison Sapphire POV//


Hindi ako nakatulog dahil sa nangyari kagabi. Hindi ako makapaniwala na ikakasal ako sa lalaking dahilan ng paghihirap ko. Lutang akong naglalakad papasok ng campus ng biglang may tumulak sa akin.

A--ar--ayy ko...

Nasubsub sa sahig ang tuhod ko dahilan para bahagya itong magkaroon ng sugat.

"Tsk...tsk...tsk... Pangit na nga, lalampa-lampa pa!"

Napapikit ako ng mariin ng marinig ang nakakairitang boses ni Stacey. Malamang sa malamang sya ang tumulak sa akin.

Inangat ko ang ulo ko at nakita ko ang clown nyang mukha. Pinahid ko ang luha na pumatak sa mata ko.

"Such a crying baby..." Mapang-asar nyang sabi sa akin. Pinilit kong tumayo kahit kumikirot ang tuhod ko.

"Wala akong oras makipaglaro sayo, Stacey." Mahinahon kong sabi.

"I dont care!" Taas kilay nyang sabi.

"Me and my boyfriend has many time to play with you." Dagdag nya pa.

Boyfriend? Nagkakaroon rin pala ng boyfriend ang mga clown.

"Oh, speaking of my boyfriend...he's here." Sabi nya habang nakatingin sa likuran ko.

Dahan-dahan kong nilingon ang taong yun at nagulat ako ng makita kung sino sya.

C-Cameron?

Sinundan ko sya ng tingin habang lumalapit kay Stacey, agad naman pinulupot ni Stacey ang kamay nya sa braso ni Cameron. Nagtama ang paningin naming dalawa. Nginisihan nya ako. A bully will always be a bully.

"I have a present for you, Sapphire." Biglang sabi ni Cameron.

Humakbang ako paatras ng lumapit sya sa akin. Hindi maganda ang kutob ko dito.

May kinuha sya sa bag nya. It was a bottled of cold water. Napalunok ako bigla.

"Hahahahahahaha haha"
Tawanan ng mga nakakita sa ginawa ni Cameron.

Binuhos nya sa akin ang tubig!
Fvck...ang lamig.

Hindi pa naman maganda ang pakiramdam ko ngayon.

"Anong pakiramdam ang maligo?" Tanong ni Stacey sa akin.

Hindi ako sumagot. Kapag pinatulan ko pa sya, lalo lang ako nito ipapahiya.

Napaangat ang ulo ko ng may naramdaman akong nakayakap sa akin.

"Pasensya na... Wala akong dalang jacket eh." Mahinang sabi ni Timothy.

Oo, si Timothy ang taong yumakap sa akin.

"I have extra shirt, magpalit ka." Sabi pa nito.

"How romantic..." malamig na sabi ni Cameron.

Napatingin ako sa kanya pero kay Timothy lang sya nakatingin. Ang talim ng mga titig nya.

Hinawakan ko sa kamay si Timothy.
"Halika na, Timothy." Aya ko sa kanya.

Napatingin sa kamay ko si Timothy na nakahawak sa kanya. Bahagya syang napangiti sabay pisil sa kamay ko.

Iniwan na namin silang dalawa.
Nagtungo kami sa cr. Nagbihis ako dun habang sya ay nakabantay lang sa labas.

"Stay away from her." Napatigil ako sa akmang pagbukas ng pinto marinig ang boses ni Cameron.

What the hell is he doing here?

"Why would I? Ah, alam.ko na..para masaktan mo ulit sya." Mahihimigan ng pang-aasar ang tono ni Timothy.

Lumabas na ako ng Cr bago pa magkagulo.

Being His Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon