CHAPTER 2 : NGITI NG MGA BAGONG GURO.

3 1 0
                                    

THIRD PERSON P.O.V.

NAKATUON ang atensyon ng lahat ng ABM students sa bagong teacher na nagsasalita sa harapan.

"Omg! Ang gwapo!"

"At ang hot pa."

"Okay lang kahit araw-araw pa syang magpa-long quiz."

"Gàgà ka girl, wala pa tayong review, long quiz agad? Babagsak tayo nyan."

"At least sa poging teacher tayo babagsak 'di ba?"

Nasa unahan lang ni Zairen ang upuan ni Kyla, at ng mga alipores nito kaya rinig na rinig nya ang usapan ng mga kaklaseng babae.

"Puro kalàndian ang inaatupag, kunsabagay halata naman sa mga mukha nila na parang sinàmpal ng mga kolorete," sa isip isip ni Zairen.

Hindi nya rin maunawaan ang takbo ng utak ng bagong may ari ng university, at ng bagong principal nila. Bakit kaya pinapayagan nila sa mga babae ang makapal na make-up?

"No smøking in my class," mariin na sabi ng nasa harapan na lalaking guro, habang nakatingin sa bandang dulong upuan.

Sinundan naman ni Zairen ang tinitingnan ng mga mata ng guro, at hindi na sya nagtaka nang makita kung sino ang tinutukoy nito.

"It should be no class, while I'm smøking," pabalang na sagot ni Ruiz—ang pasaway nilang kaklase.

Si Ruiz Leigh Hernandez ay kilala rin bilang bully ng campus. Madalas itong magcutting class. Hindi rin ito nagsusuot ng uniform. Nakasuot sya lagi ng black t-shirt, at ripped pants. Mayroon din syang bandana sa noo. Hindi naman maitatanggi ang magandang itsura nito.

Gwapo, pero bad boy ang datingan.

"Mukhang kailangan mong matutunan ang Good manners and right—" hindi natapos ng guro ang sinasabi nang biglang padabóg na tumayo si Ruiz, isinukbit nya ang bag nya, at kalmadong naglakad patungo sa pinto, ngunit bago pa sya makalapit sa pinto ay muling nagsalita ang guro.

"At saan ka naman pupunta?" kalmado ngunit may diin na tanong ni sir El.

Huminto si Ruiz sa mismong tapat ng kanyang guro. "Lalabas ako para manigárilyø," prangkang sagot nito.
" Wanna join me?" dugtong nya na bakas ang pagkasarkatisko, ngumisi pa ito na tila hindi alintana ang matalim na tingin ng guro.

Ang ilan naman nyang mga kaklase na loko loko rin ay hindi napigilan na magpakawala ng malulutong na mga tawa.

"Lakas talaga ng loob nitong si Ruiz eh," tila bumibilib na sabi ni Hanz.

"Actually ang cool ni Ruiz," komento naman ni Kyla na malagkît ang ipinupukol na tingin sa hinahangaan na binata.

"Pasaway talaga," si Clyde ay napapailing na lamang.

Muling inihakbang ni Ruiz ang mga paa, ngunit agad din syang natigilan nang biglang malakas na sumara ang pinto. Maging ang mga tawanan ng kaklase nya ay nahinto.

"Walang lalabas sa klase ko," puno ng awtoridad ang boses ng guro. "Masyado talagang malakas ang hangin sa labas, napakadaling hampâsin ng hangin ang pinto," ngiting wika pa nito nang mapansin ang pagtataka sa reaksyon ng mga estudyante.

Samantalang si Ruiz ay nagpatuloy lang sa paglapit sa pinto. Hawak na nya ang doorknob ngunit isang boses ng babae ang dahilan naman ng muli nyang pagtigil.

"Hoy Ruiz! Hindi ka pwedeng basta basta na lumabas!" inis na bulyaw ni Zairen. Nakatayo na ito ngayon at naniningkit ang mga mata na nakatitig sa binata.

"Why? Miss mo ba 'ko agad baby?" ngising sagot ni Ruiz na mas lalo lamang ikinainis ng dalaga.

Ang mga kaklase naman nila ay mapanuksong naghiyawan.

A. B. M. -Alert! Breathe! Move! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon