ZAIREN P. O. V.
KITANG-KITA ko kung paano humagod ang lalamunan ni sir Vin habang nakatingin sa nagdurugò kong mga daliri.
Bakit parang natatakam sya?
"Sir can you, help me clean this bløods?" muli kong tanong.
"You should..be careful..." sabi nito habang kumukuha ng kapiraso ng bulak, pero hindi nakatakas sa paningin ko ang panginginig ng mga kamay nito.
Akmang hahawakan na nya ang kamay ko nang biglang may isang lalaking estudyante ang umagaw ng atensyon namin.
"Sir pinapatawag daw po kayo sa faculty," sabi ng estudyante na nakatayo sa pinto ng room namin.
Tumango naman si sir Vin bilang tugon, at binalingan ako ng tingin.
"Magpatulong ka na lang sa mga classmates mo na linisin ang sugat mo. I need to go, " sabi ni sir Vin, at namamadali na itong umalis.
Talagang timing pa ang pag-alis ni sir Vin. Mas kaduda-duda tuloy!
"Mukhang hindi ka nagtagumpay sa paglàndî kay sir, gaya gaya ka pa ng Style ko ah, " sabi ni Kyla na biglang lumapit sa'kin.
"H'wag mo 'kong itulad sa'yo Kyla. We're not in the same level," sagot ko.
Hindi ko na sya hinintay pa na magsalita. Bumalik na ako sa upuan ko tangay ang bulak.
Bago ako umupo ay napansin ko pa ang matalim na tingin sa'kin ni Ruiz. Nasa dulong upuan sya, at nakadekwatrong nakaupo.
Ano naman kayang problema ng lamôk na 'yon?!
"Uy Zai, bilis umupo ka na at lilinisin ko 'yang mga sugat mo," pag-agaw ni Vy ng atensyon ko.
Naupo na 'ko, at agad na kinuha ni Vy ang mga kamay ko. "Bakit ka ba kasi nasugatân Zai. Naku ang tangâ talaga ng gunting eh," sabi nito habang nililinis ang dugô sa mga daliri ko.
"Guys nakita nyo ba 'yong pugôt na ulo kanina? Siguradong aswang ang may gawa no'n, " nasa harapan si Aeron at nagkukwento nanaman ng tungkol sa mga aswang.
"Naku Aeron you wanna takot us nanaman," reklamo ni Kyla.
Habang panay ang bangayan ng mga classmates ko ay bigla namang tumunog ang speaker, at mula roon ay narinig namin ang boses ng Principal.
"TO ALL STUDENTS OF SILVERIAN UNIVERSITY. PINAPAYUHAN ANG LAHAT NA UMUWI NG MAAGA NGAYON, UPANG MAS MAAYOS NA MAKAPAG IMBISTIGA ANG ATING MGA KAPULISAN! MAG-INGAT ANG LAHAT, AT SIGURADUHIN NA UMUWI SA INYONG MGA TAHANAN!"
"Buti na lang talaga maaga tayo ngayon pinauwi. Nakakatakot na kasi ang mga nangyayari dito sa campus," komento ni Vy. "Zai, siguro sasabay na lang ako kay Lea. Hindi rin kasi ako masusundo ngayon ni daddy," dagdag pa nito, at simpleng tumango lang ako.
May mga naglalaro sa isipan ko.
Bakit kasabay ng pagdatingan ng mga bagong teachers namin ay ang mga kababalaghan na nagaganap sa campus?
Posible kaya ang mga hinala ni Aeron na aswang ang nasa likod ng mga nakadidirîng bângkay?
If that so, then sino ang mga aswang? Is it our new teachers?
******
DAHIL nga sa mga nangyari ay maagang pinauwi ang mga estudyante. Kanya-kanyang tawag sa mga sundo, habang ang iba naman ay magkakasabay na nagcomute. Walang gustong mapag-isa dahil sa takot sa mga nasaksihan na may banta ng panganib.
"Uy Zai! Alis na kami ni Lea ah. Ingat ka, make sure na uuwi ka," paalam ni Vy.
"Ingat din kayo Vy. Inaantay ko lang si Dennis," tugon ko. Kumaway pa sa akin si Vy bago tuluyang makalayo.
BINABASA MO ANG
A. B. M. -Alert! Breathe! Move!
HorrorANG istoryang ito ay patungkol sa mga mga mag-aaral na ikinuløng sa loob ng kanilang campus upang maging hapunàn sa pagkagat ng dilim. Kabilang ang grade-12 ABM students sa mga naharap sa ibat-ibang mukha ng kàtatakutan. Magagawa nga ba nilang luma...