CHAPTER 3 : CHEF JILL

1 0 0
                                    

THIRD PERSON P.O.V.

ANG lahat ng mga estudyante na kasalukuyang nasa Cafeteria ay puno ng pagtataka, at pandidirí na nakatingin sa natapon na ulam na may nakahalong mga màta.

Mula sa kusina ng Cafeteria ay lumabas ang isang mid 30's na lalaki na nakasuot ng apron. Gwapo, at maganda ang pangangatawan nito.

"Magandang araw mga estudyante. Ako nga pala ang bagong cook. Tawagin nyo na lang akong chef Jill," pakilala ng lalaki, at sinenyasan nito ang janitor na linisin ang kalat.

"Pasensya na nga pala kung nagulat kayo sa mga màta na nakahalo sa adobong baboy. Ang totoo nyan ay isa lamang 'yang pampalasa, parang candy na ang disenyo ay mata. Medyo kakaiba kasi ang paraan ko ng pagluluto," mahabang paliwanag ni chef Jill na hindi inaalis ang ngiti sa mga labi.

Ang mga babaeng estudyante naman ay halatang kinikilig dahil sa kagwapuhan ng nagpakilalang chef, dahilan kaya mabilis din nilang nakalimutan ang tungkol sa pandidirî sa pagkain.

Ngunit iba si Zairen. Hindi kilig ang nararamdaman nya sa mga ngiti ng chef kundi kilàbøt. Hindi nya maipaliwanag ngunit nababahala sya sa ipinapakitang ngiti ng chef, at ganoon rin naman si Ruiz.

Sa katunayan ay parehas silang hindi kumbinsido sa paliwanag ng chef.

"He look suspicious," bigkas ni Zairen.

"Mga babae nga naman, makakita lang ng gwapo, kinikilig na," biglang sabi ni Ruiz na hindi nakatakas sa pandinig ng dalaga.

"Sila lang ang kinikilig sa weird na chef na 'yan. Hindi ako kasali," giit ni Zairen.

Nilingon naman sya ng binata. "Alam ko, kasi sa'kin ka lang naman kinikilig," kumindat pa sa kanya si Ruiz, sabay ngisi nito.

Hindi na rin sya binigyan pa ng binata ng pagkakataon na makapagsalita dahil umalis na ito sa Cafeteria.

Halos mamula na ang mukha nya dahil sa sobrang inis. "Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking 'yon!" huminga sya ng malalim upang pakalmahin ang sarili.

Nang masigurong mas maayos na ang pakiramdam ay nilapitan na nya ang kaibigan na si Vy, isa rin sa natulala sa gwapong Chef.

"Akala ko ba loyal ka sa kuya ko?" pukaw nya sa kaibigan.

Lumingon naman ito sa kanya. "Loyal naman talaga ako sa kuya mo, kahit na hopia ako sa kanya," sagot ni Vy.

Ngunit tila hindi na iyon narinig ni Zairen, dahil ang atensyon nya ay muling napunta sa natapon na ulam na ngayon ay nililinis ng janitor.

Hindi talaga sya kumbinsido sa paliwanag ng Chef tungkol sa mga matàng nakahalo sa pagkain. Para bang napakababaw ng paliwanag nito.

"Zai Omg! Mukhang nainlove sya sa'kin, papalapit sya."

Kunot-noo na sinundan ni Zairen ng tingin ang tinutukoy ni Vy, at gano'n na lamang ang kabog sa dibdib nya nang makitang papunta sa direksyon nila ang Chef. Nakangiti pa ito, at halatang ang mga mata ay nakatingin mismo sa kanya.

"Naku Zai, ikaw yata ang type ni Fafa Chef, sa'yo nakatingin eh," sabi ni Vy. "Iba talaga ang karisma mo gurl," dagdag pa nito.

Habang palapit nang palapit ang nasabing chef ay mas lalo lamang na bumibilis ang kabog sa dibdib ni Zairen. Hindi nya maunawaan kung bakit nga ba sya nakararamdam ng kaba sa ipinapakitang ngiti ng chef.

"Ay ba't sya huminto?" dismayadong sabi ni Vy nang biglang huminto sa paghakbang ang Chef.

Nagtataka rin si Zairen kung bakit hindi tumuloy ang chef sa paglapit sa kanila. Napapitlag naman sya nang maramdaman ang isang kamay na biglang umakbay sa balikat nya.

A. B. M. -Alert! Breathe! Move! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon