CHAPTER 4 : PATIBONG

1 0 0
                                    

Zairen P.O.V.

WE are all shocked from what we saw! Lahat kami ng mga classmates ko ay narito na sa labas. Well, except Aira na palaging tulog, walang kamay-malay sa mga nangyayari sa paligid.

"What the—" napatakip si Enzo ng bibig.

Halos mabingi naman kami sa pagtili ni Klea. "Omg! Scary!"

"Tao pa ba ang may gawa nyan?" Clyde asked, sounded worried.

"Well I think, this can't explain by scientific studies."

Napailing na lang ako sa sinabi ni Axtron.

"Sabi na eh may aswang talaga dito guys, inaaswang talaga tayo! Sabi ng lolo ko kahit saan daw may aswang, kahit sa syudad pa. Tingnan nyo naman ganyan ang gawain ng aswang."

Lahat kami ay napatingin kay Aeron na may makahulugang mga tingin.

"Oh? Ba't ganyan kayo makatingin sa'kin? Hindi ako aswang ah! Kwento lang sa'kin ni lolo!" depensa nya sa sarili.

Muling bumalik ang atensyon namin sa harapan, habang si Kyla at ang mga alipores nito ay panay ang sukà sa gilid. Ganoon din si Vy, pati na ang iba pa naming mga kaklase, lalaki man o babae, kahit ako ay parang babaliktad na rin ang sikmurà.

Sino ba namang hindi? Isang pugøt na ulø ng lalaki ang bumagsak mula sa taas ng building na kinabibilangan ng room namin.

Nasa first floor kami kaya eksakto rin na sa harapan ng room namin bumagsak ang pugøt na ulø.

Mulat na mulat pa ang isang matà habang ang kabila ay wala na. Tâgpàs din ang dalawang tainga. Nagkaroon ito ng pagitàn sa gitna, nabiyàk pero hindi tuluyang nahàti. Mula roon, at sa napugøt na bahagi ay umaagos ang sariwang dugø na parang kumukuló pa. Ang ilan sa nakausling utàk ay pumipntig-pintig pa. Umaalingasaw din ang nàpakalansàng amoy.

Nakakikilabót! Nakàdidiri!

Napunta naman ang mga mata ko sa rooftop ng building. May napansin ako doon na parang may malaking ibon na lumipad. Siguro ako lang ang nakapansin no'n, dahil ang atensyon ng lahat ay nasa pugôt na ulô,  habang ang iba ay patuloy pa rin sa pagsuka,  gaya na lamang ni Vy.

My curiousity push me to go in the said rooftop. I silently walked away from my classmates. Tinungo  ko ang hagdan papunta sa rooftop.  I did my best not to make a noise. I'm sure there is really something weird, that I must find out.

WALANG problema na narating ko ang rooftop. Agad na sumalubong sa'kin ang paghampas ng malamig na hangin. Napangiwi ako sabay takip ng ilong nang malanghap ang isang malànsang amoy.

Bukod sa tunog ng paghàmpas ng hangin ay may naririnig din akong mga kaluskos.

Makailang beses din akong napalunok, at kahit kinakabahan ay mas nangibabaw pa rin ang pagkamausisa ko.

I step closer from where the noise was coming.

I almost lost my balance when I sudden heard a man's deep voice.

"Mukhang isang estudyante nanaman ang nag cutting class."

Mabilis akong lumingon sa pinanggalingan ng boses. Isang matangkad na lalaki na may malaking pangangatawan.  Nakasuot ito ng teacher's uniform, kaya malamang ay isa rin sya sa mga bagong teacher dito. Bumaba ang tingin ko sa may gilid ng uniform nya kung saan nakalagay ang salitang 'Pab'—he's name for sure.

"No I'm not,  hindi ako nagcutting class, " I said.

He then flashed a weird smile. "Kung gano'n, anong ginagawa mo rito? Hindi ba't oras na ng klase?"

A. B. M. -Alert! Breathe! Move! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon