CHAPTER 10 : BUHÂY, AT KAMÀTÀYÀN

3 0 0
                                    

ZAIREN P. O. V.

NANG wala naman akong maramdaman ay iminulat ko na ang mga mata ko. Nakita ko na lamang na kinakalabàn na nina Ruiz, at Hanz ang nilalang na papalapit sa'kin kanina.

Hindi na din kami nagulat nang bigla itong mag-anyong tao. Nakilala ko ang itsura nito. Ang tila higanteng aswang ay si sir Pab—ang teacher na nakausap ko noon sa roof top.

"Mga bata huwag na kayong lumabán pa, at hayaan nyo na si ma'm Al nyo na tangayin ang kaklase nyong bakla," nakangiti na sabi ni sir Pab—Ngiting demonyø!

"The f*ck! Si ma'm Al pala ang pangit na manananggal na 'yan?" sabay baling ni Hanz sa manananggal.

"Peke lang pala ang kagandahan nya, tama nga ang sabi ni lolo mapanlinlang talaga ang mga aswang," sabi naman ni Aeron na patuloy sa pagbato sa manananggal.

Napunta naman ang tingin ko sa isa pang papalapit na guro. "Tila yata nilalait nyo ang aking kapatid?" sabi ni sir El nang makalapit na ito sa amin.

Alam kong hindi lang ako ang nagulat sa mga sinabi nya.

Humalakhak  habang pumapalakpak pa si sir El. "Oo nga pala, hindi nyo pa alam na magkapatid kami ng inyong ma'm Al. Hindi ba obvious sa mga pangalan namin? Gusto nyo pa ba ng resibo? Oh sige, ito oh."

Kasabay ng paghalakhak ni sir El ay ang pagkahati ng katawan nito hanggang baywang. Nagtubuan din ang mala-paniki nitong mga pakpak, at nag-uunahan sa haba ang matutulis na mga kuko sa mga kamay nito.

Kung kanina ay napakagwapo ng mukha nito, ngayon naman ay pawang kilabot ang hatid ng mabagsik nitong mukha. Mabilog ang bibig na makikita ang mahahaba at nagtutulisang mga pangil habang ang tila nag-aapoy na mga mata ay nanlilisik.

Ang mga nagpakilalang bagong guro namin na sina ma'm Al, at sir El ay magkapatid pala na mga manananggal.

Kaya pala nadulas si sir El noong una nyang pakilala sa'min, at nasabi nya na traffic sa himpapawid, iyon pala ay dahil isa syang manananggal.

Napasigaw si Clyde nang bigla na lamang syang dagitin ng manananggal na si sir El.

Samantalang si sir Pab naman ay muling nag-anyong aswang. Nakipaglaban sina Hanz, at Ruiz gamit lamang ang mga bato, o 'di kaya kahoy na nadadampot nila sa paligid.

Hawak hawak naman nina Hermenia, at Aeron ang mga paa ni Clyde, at pilit din na nakikipaglaban sa manananggal.

Habang si Cindy naman ay tinulungan ako sa pagkapit sa mga paa ni Vy.

"Bwisét kang pangit na manananggal ka bitawan mo 'ko!" Vy shouted.

Kahit na nagtutulungan na kami ni Cindy ay hindi pa din namin kinakaya ang lakas ng manananggal, idagdag pa na panay ang sipa namin sa ilang malilit na nilalang na umaatake sa'min—may hubog ng pusa, pero ang wangis ay parang mabagsik na lobo. Maliliit lamang sila ngunit maliliksi.

Napasigaw sa pagdaing si Vy nang bahagyang bumaón na sa brasó nya ang mga kukó ng manananggal. Paglingon ko naman kina Hermenia ay hirap na din sila sa pagligtas kay Clyde. Mas malala naman ang nakita ko sa direksyon nina Hanz at Ruiz dahil parehas na silang sinasakâl ni sir Pab gamit ang magkabilaang naglalakihang mga kamay nito.

Narinig ko ang paghikbi ni Cindy, maging ako ay hindi ko na din maiwasan ang maluha lalo, na at nasa panganib ngayon ang isang importanteng tao sa buhay ko—si Vy.

Nasa ganoong kalagayan pa din kami nang marinig ang sunod-sunod na putok ng bârîl, kasabay no'n ay ang pagdaing ng mga manananggal. Sabay-sabay pa kami na natumba nang bitawan ng manananggal si Vy, at ganoon din ang nanyari kina Aeron, Hermenia at Clyde.

A. B. M. -Alert! Breathe! Move! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon