Chapter Ten

985 17 0
                                    

CHAPTER TEN

“JERAH, Incorporated, good morning,” wala sa loob na bati ni Jess nang sagutin ang telepono.

Nakatutok pa rin ang atensiyon niya sa pinapasadahang mga papeles.

“Good morning din po,” anang matinis na boses ng batang babae sa kabilang linya.

Bigla siyang natigilan at itinuon ang atensiyon sa kausap. “Ano ang maipaglilingkod ko sa’ yo, hija?” Nilambingan niya ang kanyang boses at ginaya ang tono ng kausap. Nagtataka siya kung paano nalaman ng isang bata ang numero ng kanilang opisina at kung bakit napatawag ito.

“Puwede po bang kausapin ang mommy ko?”

“Si mommy mo? Ano ang pangalan ng mommy mo?” Binitawan niya ang mga papeles na hawak.

“Ay! Hindi mo po kilala ang mommy ko? Siya po ang pinakamagandang nagwo-work sa office n’yo,” may pagmamalaking sabi nito.

Natawa siya. “Iisa lang ang magandang nagta-trabaho rito sa office ko, hija. Ang sekretarya ko,” aniya, saka sinulyapan si Maybelle. “Tawagan mo na lang uli ang Mommy mo, ha? I-dial mo ang tamang number niya.”

“Hindi po siya sumasagot, eh.”

“Subukan mo uli.” Nang magpaalam ang bata ay ibinaba na niya ang telepono.

Pinagmasdan muna niya si Maybelle bago niya ito nilapitan. Tila hindi ito makapag-concentrate sa ipinagagawa niya rito. Hindi niya maipaliwanag kung bakit parang gusto na naman niyang marinig ang boses ng batang babae nang bigla na namang tumunog ang telepono sa desk niya. Hindi nga siya nagkamali dahil ang batang babae na naman ang nasa kabilang linya.

“Hindi ko po talaga makontak ang mommy ko, eh. Puwede pong pakisuyo o kaya pakisabi na lang po na siya ang tumawag sa akin? Please, Lolo,” paglalambing nito.

“Sweetheart, ‘Tito’ na lang ang itawag mo sa akin, okay? Huwag naman ‘Lolo’ dahil bata pa ako,” natatawang sabi niya.

“Ay, sorry po, Tito,” hinging-paumanhin nito.

“It’s all right. What is your name, hija?”

“My name is ‘Andrea Jessamine’ and my nickname is ‘Yna,’” bibong sagot nito.

Natawa siya dahil kung ano ang inihaba ng pangalan nito ay siya namang iksi ng palayaw nito.

“Hello, Yna. I’m your Tito Jess.”

“Hello po.”

“What is your mother’s name, hija?” Subalit mahinang “click” na ng telepono ang narinig niya. “Hello? Yna?”

KAHIT kinakabahan ay hindi napigilan ni Maybelle ang matawa. Tinawag na “Lolo” ni Yna si Jess. Nasanay kasi ang kanyang anak na si Mr. Corpuz ang nakakasagot dito. At si Mr. Corpuz din ang tinatawag nitong “Lolo.” Kasalukuyan siyang nasa private office nito nang tumunog ang telepono sa pangalawang pagkakataon. Kinabahan siya dahil baka si Yna na naman ang tumatawag. Malamang na nalingat ang kanyang ina sa pagbabantay kay Yna kaya nakatawag ang kanyang anak. Binilinan niya ang kanyang ina na huwag hayaang makatawag si Yna dahil ipinagbabawal na ang mga personal calls sa kanilang opisina kapag oras ng trabaho. Hindi naman niya magamit ang kanyang cellphone para siya na lang sana ang tatawag sa anak dahil hindi pa niya breaktime. Ganoon na lang ang sasal ng dibdib niya nang marinig na tinatanong nito si Yna tungkol sa pangalan ng ina ng kanyang anak. Nakahinga lamang siya nang maluwag nang makitang napailing ito nang ibaba ang telepono.

“MAYBELLE, cancel all my appointments. Magro-roving ako and I want you to come with me,” pukaw ni Jess sa kanya.

“Ngayon na, Sir?” gulat na tanong niya.

Limutin Man Kita by Isabela BallesterosWhere stories live. Discover now