Chapter Six

498 9 0
                                    

CHAPTER SIX

“SALAMAT sa Diyos at buhay ka, Maybelle. Akala ko’y talagang nawala ka na sa amin,” anang Ate Marriane niya. Napaiyak ito nang yakapin siya.

Tila noon pa lamang nasiguro ni Maybelle na nakaligtas at nakauwi na siya sa Maynila. Namalisbis ang luha niya nang gumanti siya ng yakap dito. Sa mahigit isang linggong pagkawala niya ay buo ang paniniwala nitong namatay na siya sa.trahedyang naganap.

“I missed you, Maybelle. Akala ko’y hindi na kita makikita pa.”

“I missed you, too, Ate, kayo nina Mama at Papa.”

“Welcome back, sweetheart.” Bahagya siyang tinapik sa balikat ng nagmamay-ari ng tinig na pamilyar sa kanya. Hindi na nito napigil ang sariling makiyakap sa kanilang magkapatid.

“R-Rey.” Noon lang niya napansin ito kaya kaagad siyang yumakap dito.

“I missed you, sweetheart.” Tila ayaw na siyang pakawalan sa mahigpit na pagkakayakap nito. May luha ito sa mga mata nang halikan siya sa mga labi.

Napapikit siya. Tapos na ang bangungot sa kanyang buhay. Nang dumilat siya ay nakita pa niya si Jess na naglalakad palayo sa kanila. Parang may kumurot sa puso niya sa kaalamang iyon na marahil ang huli nilang pagkikita. Nagpahatid sila sa ospital nang malaman niya ang nangyari sa kanyang ina.

“Sa palagay ko’y mapapadali ang paggaling ni Mama kapag nalaman niyang nakaligtas ka sa trahedya,” sabi ng Ate Marriane niya.

“Ate, bakit gano’n? Nakaligtas nga ako pero sinawimpalad naman si Papa.” Halos namaos siya sa kakaiyak.

“May dahilan ang lahat kaya nangyayari ito sa atin. Ang mahalaga’y nakaligtas ka’t nakabalik na sa piling namin. Magpakatatag tayo alang-alang sa Mama.” Lumapit ito at niyakap siya.

“Sige na, kumain ka na para maka-recover ka agad. Huwag mong alalahanin si Mama. Stable na ang kalagayan niya. Ilang araw na lang ay puwede na siyang lumabas dito.” Iniabot nito sa kanya ang mga nabalatang prutas. “Sa bahay ka na lang magpahinga. Ako na muna ang magbabantay kay Mama.”

“Maraming salamat, Ate.” Marahan niyang pinisil ang palad nito.

Pagkalipas ng ilang araw ay nailabas na rin ang kanilang ina sa ospital. Kahit maayos na ang kalagayan nito ay madalas pa rin itong tulala.

NAKABALIK na sa trabaho si Maybelle ngunit hindi pa rin mawaglit sa isipan niya ang nangyari sa isla. Pinilit niyang maging normal ang kanyang buhay dahil malaki na ang nabago sa kanya, lalo na sa relasyon nila ni Rey.

“Kumusta ka na?” tanong ni Rey habang matamang nakatitig sa kanya nang minsang dalawin siya nito. Tila nagdadalawang-isip pa ito kung tatabihan siya sa sofa. Kibuin-dili kasi niya ito mula noon.

“Mabuti naman,” salat sa emosyong tugon niya.

“Gusto mo bang lumabas tayo? Kumain tayo sa paborito nating restaurant o kaya’y manood tayo ng sine. Maganda ang palabas ngayon sa Robinsons.”

“Salamat. Wala ako sa mood lumabas. Next time na lang siguro.”

“Are you sure?” paniniyak nito.

Napayuko siya. Ayaw niyang iparamdam na hindi niya gustong humarap muna rito pero talagang hindi niya kayang magkunwari.

“I think there’s something wrong,” pagkuwa’y sabi nito. Tumayo ito mula sa kinauupuan at nagpalakad-lakad sa harap niya. “I don’t know what’s going on with you, Maybelle. I want you to know na nasasaktan ako sa ginagawa mo. Nang unang maramdaman ko ang panlalamig mo, hindi ko pinansin. Inakala ko’y epekto lang iyon ng nangyari sa’ yo at sa pagkamatay ng papa mo. Pero halos isang buwan na ang nakalipas, hindi mo pa rin ako napapansin,” garalgal ang tinig na saad nito. “Lagi kong ipinaparamdam na nandito lang ako sa tabi mo pero parang inilalayo mo ang sarili mo sa akin. Why, Maybelle?”

Limutin Man Kita by Isabela BallesterosWhere stories live. Discover now