Simula

46 6 18
                                    

Mahirap kami, inaamin ko pero sa tuwing pinilit kong intindihin kung bakit lagi ang ibang tao ang iniisip ko. Lagi ang ibang tao ang inuuna ko kahit walang-wala na kami, kahit paubos na kami, kahit wala na kaming maibigay gagawa kami ng paraan nila Tatay para lang may maibigay at higit sa lahat kahit wala na kaming makain ibang tao padin ang uunahin namin.

Pero ngayong kailangan namin ng tulong dahil nagkasakit si Tatay nagsisi na akong tinutulongan namin sila.

Awang-awa na ako kay Tatay naging cancer nadin ang sakit nito sa buto.

"Parang awa niyo na po, Aling Ledga. Kapag nakalako po ako ng kakanin mababayaran ko rin ang utang ninyo rito."pagmamakaawa ko kay Aling Ledga dahil wala na akong mahanap na pag-uutangan dahil lahat sila pinaalis ako.

"Neng walang-wala nadin ako ngayon kaya hindi ko magawang pautangin ka."

Napayuko ako sa pag-aakalang pautangin niya ako. 'Yong mga taong tinutulongan namin ni Tatay wala ding maibigay sa amin.

Umuwi akong kasing lanta ng gulay na patapon na. Nakikita ko si Tatay na nahihirapan at nasasaktan na sa sakit niya.

Nahihirapan na akong makiusap sa ibang tao na kahit kunting barya man lang pero wala. Saludo din ako kay Tatay dahil lumalaban padin siya kahit subrang sakit na.

Grade 5 lang ang tinapos ko dahil mas pipiliin ko nalang alagaan si Tatay kesa mag-aral, alam ko naman iyon na kapag wala kang matapos mahirap kang makahanap ng magandang trabaho. Ang Tatay nalang ang meron ako, umunang sumakabilang buhay ang Nanay ko no'ng pinanganak ako. Nahihirapan daw'ng umiri ang Nanay kaya namatay.

"Tay, kain na po tayo."Sabi ko dito. Nahalos hindi kuna alam kung balat o buto ba itong nahahawakan ko sa braso Niya." Sobrang payat na po ninyo itay kailangan niyo na pong kumain kahit kunti."

"Ikaw kailan ka magpapahinga?"napangiti ako ng pilit kahit may sakit ako padin ang inaalala.

"Mamaya kapag tapos na ako sa gawaing bahay."

"Anak huwag mong abusohin ang katawan mo tignan mo ang kondisyon ni Tatay." Napatitig ako sa mapupungay  nitong mga mata.

Nakuha ko kay Tatay ang malaabo nitong mata, kaya minsan magtatanong ako kay Tatay kung may lahi ba sila, dahil sa kaniyang mata. Pero ang sagot lang naman nito ay wala daw.

"Tay, huwag mo akong iwan ha." Naninikip yung dibdib ko nang sinabi ko iyong salitang iyon.

Ang hirap bitawan ni Tatay, kapag may madaanan akong simbahan lagi kong pinagdarasal na sana hahaba pa ang buhay ng aking Tatay.

"Anak ang buhay may hangganan yan lahat naman tayo kukunin talaga ng panginoon."humiga ako sa tabi niya at dahan-dahang niyakap ang manipis nitong bewang.

"Gusto mo ba akong iwan dito mag-isa."pinilit kong hindi humikbi dahil alam kong mag-alala ito sa akin kapag iiyak ako.

"Hindi, kasi alam kong walang mag-aalaga sa maganda kong anak."napangiti nalang ako kahit napupuno na nang sipon ang ilong ko.

Napatitig ako sa kisame naming pinaglumaan na nang panahon dahil sa subrang sira nito. Yakap-yakap ko padin ang bewang nitong kasing liit na nang akin.

"Beth anak, kung sakaling kukunin na ako ng panginoon lagi mong iisipin na mahal na mahal ka nang Tatay. Lagi mong tatandaan ang laging sinasabi ko sayo. Huwag kading magtiwala agad sa mga taong lalapit sayo baka ano gagawin sayo."

Iba na yung pakiramdam ko no'ng sinasabi na niya iyon sa akin. Kaya umiiyak na naman ako at hinigpitan ang pagyakap nito sa akin.

Naramdaman kong hinalikan niya ako sa ulo at mas lalong bumuhos yung emosyon ko.

"Anak, pagod na si Tatay mas lalong napapagod si Tatay kapag nakikita kang nahihirapan."pahina ng pahina ang boses nito.

Napaupo ako ng mabilis at tinigan ito. "Tay, diba gusto mo pang makita akong makapag-aral ulit at gusto mo panga dibang sasabitan ako ng medalya at iaabot sa akin ang deploma. Diba pangarap mo yun."nanlabo na yung mga mata ko dahil sa sunod-sunod na pakpatak na aking luha.

"Gusto mo pangang makitang magkaroon ng apo sa nag-iisa mong anak, tapos gusto mong pumunta ng ibang bansa. Bakit hindi ka lumaban 'Tay?"

Niyugyog ko pa ito at nagbabasakaling magising at binibiro lang ako nito dahil alam ko kasing palabiro itong Tatay ko.

Para akong sinakluban ng langit at lupa dahil sarili ko lang yung sinasaktan ko lalo. Wala na yung taong palaging nasatabi ko.

Wala na yung taong palaging sinasabi sa aking kaya ko kapag may tiwala ako sa sarili ko na kaya ko. Wala na yung taong halos ibigay na ang lahat sa ibang tao ang pera makatulong lang.

Bumuhos ang mabigat na dala-dala kong emosyon. Kahit balik-baliktarin man ang mundo wala na talaga ang nag-iisang taong tunay nagmamahal sa akin.

Sa huling pagkakataon gusto kong isigaw ang sakit  dahil masisiraan na ako sa sarili kapag hindi ko isigaw ito.

"TAY!!!"

Bakit hindi ka lumaban 'Tay? Halos inuulit kong ibulong sa sarili ko ang tanong nayan.

"Tay kaya ko po bang mag-isang mamuhay ngayong wala kana." Inaayos ko itong hiniga sa maliit naming higaan at binihisan ng malinis na damit.

Kahit hinang-hina na ako pinilit ko pading tumayo dahil alam kong sarili ko lang ang makakatulong sa'kin ngayon.

Manhid na siguro ako ngayon hindi ko alam na meron na palang mga taong lumapit sa amin kahit papaano may mga tao pading may malasakit sa Tatay ko.

Hindi ko man lang naririnig ang sinasabi ng mga tao sa paligid ko dahil siguro sobrang pagod ko na pala simula kanina sa paghihingi ng tulong at ngayon naman sa nangyari sa Tatay ko.

Hinawakan ko muna ang kamay nito bago kunin ng polinarya.

Hinalikan ko ang kamay at noo nito bago pinangako ang gusto nito.

"Gagawin ko ang pangarap natin 'Tay kahit wala kana gagawin ko pa din yun."

Bumuhos na naman yung luha ko na akala ko tapos na. Ayoko namang sumama papuntang polinarya dahil may asikasuhin pa akong mahalaga.

Nakakatawa lang dahil sa labinlimang taong gulang kong ito nakakaya ko ang lahat ng 'to.

Kaya mo yan Beth ikaw pa na pinalaki kang matapang ng Tatay mo.

HACIENDA NOCHE SERIES: ELIELWhere stories live. Discover now