"Hayop ang laki no'n ilang sako na nang bigas yung mabibili ko do'n."bulaslas ko nalang at napahilot nalang ako sa sarili kong noo dahil sa sakit ng ulo.
"Saan ako kukuha no'n?"tanong ko pa sa sarili ko.
Ayan kasi pa sagasa ka pa hindi mo pa naman nabayaran yung utang mo.
Gusto ko tuloy manghiram ng pakpak sa manananggal dahil wala na akong matinong maisip. Tumakbo papalit si Nanay Kuring sa akin at napakunot noo akong napatingin sa kasunod niya.
"Kayo na naman! Ilang ulit ko bang sasabihin sa inyo na wala pa akong perang pambayad ng utang ng kaibigan ko!"sigaw ko sa mga armadung lalaking huminto sa harapan ko.
"Two hundred thousand kapag ibinta mo yung sarili mo sa akin."natatawang sabi no'ng malaking tiyan.
Ang kapal ng mukha, anong akala niya sa akin paninda. Putang inang baboy yan.
"Mas mabuting mamatay nalang ako ng maaga kisa makipagtalik sayo! Hayop to!"galit kong sigaw dito.
"Umalis nga kayo dito!"palagi ko talaga silang pinagtataboy dahil ayokong makita ang pagmumukha nilang lahat.
"Paano ba yan, Beth. Lagi ka talaga nilang pupuntahan dito kapag hindi ka pa makabayad ng utang."namomoblemang sabi sa akin ni Nanay.
"Nay, saan kaya makahanap ng bahay sa probinsya?"biglang tanong ko sa kaniya dahil bigla din namang pumasok sa isip ko yung sinabi ng anak ko.
Napaisip naman ito at nanlaking matang tumingin sa akin. "Sakto! Uuwi ako ng probinsya at isasama ko kayo ngayon may kunting handaan kasi doon sa magaganap na fiesta."nakangiting baling nito sa akin.
Masaya akong tumingin dito." Tagala po, Nay?"hindi makapaniwala kong tanong.
"Oo, kaya ngayon mag-impaki na kayo at luluwas na tayo."tumango naman ako dito nagpaalam na sa kaniya.
Mabilisan lang talaga akong nag-impaki halos sa mga bata nalang yung inuna ko. Bago ang sa akin.
"Mga anak luluwas na tayo ng probinsya kaya ngayon magbihis na kayo."Sabi ko sa kanilang dalawa.
"Talaga po Mama."masayang nagtatalon ang panganay ko dahil ito talaga ang isa sa pinangarap niya.
Pinabihis ko naman ito." Oo, kaya nga nagmamadali si Mama kasi kasama natin si Nanay Kuring dahil doon tayo sa probinsya nila pupunta."
Sunod ko namang binihisan yung bunso ko. Halos pinagpawisan na ako dahil sa pagmamadali.
"Beth, hali na kayo."tawag sa amin ni Nanay. " Baka maiiwan tayo ng bus."mabilis naman akong sumunod sa kaniya at naghihintay pa kami ng tricycle para magpahatid patungong bus terminal.
Ilang minuto lang naman ang tinagal ang paghihintay namin dahil may biglang dumaang tricycle kaya nagpahatid na kami.
Halos punoan ang bus kaya nagmamadali kaming pumasok ni Nanay para makaupo na kami ng maayos. Sa akin naka kandong ang panganay ko at sa kaniya naman si ang bunso kong si Copper. Gusto ko nga sanang kunin sa kaniya ang bata pero ayaw naman niyang ibigay.
Tuwang-tuwa pa ang mga anak ko no'ng biglang umandar ang sasakyan. Nasa may bintana ako naka pwesto kaya kitang kita dito ang dinadaan namin. Ngayon nalang ulit ako nakasakay ng bus dahil no'ng una lumipat kami ni Tatay dito sa bulacan kasi akala namin dito ang lugar kong saan kami makahanap ng matinong trabaho pero bigo kami pariho dahil walang kahit sinong kompanya ang tumatanggap kay Tatay.
Walang natapos kahit elementarya man lang ay hindi niya magawang taposin dahil sa hirap ng buhay. Tanging pangalan ko lang at sa kaniya ang kaya niyang isulat sa papel. Nahihiya din si Tatay kapag may kailangang pepermahan dahil hindi naman siya marunong bumasa baka daw kasi mabudol pa siya.
YOU ARE READING
HACIENDA NOCHE SERIES: ELIEL
RomanceThe Noches, a distinguished lineage, stands as a beacon of prosperity and prestige in their tight-knit barangay community. With their opulence consolidated, their sole male offspring is destined to assume the weighty responsibility of preserving and...