"Ma, sasama nga po ako po."
Napailing nalang ako sa kakulitan ng anak ko. Sinabihan ko naman ito kanina pa na bawal ang bata sa palingke lalo na ngayon na araw ng sabado at paniguradong madaming tao dahil ngayon ang bagsakan ng mga gulay sa iba't ibang baryo.
"Bawal nga po kasi baka mawala ka pa po."Pagsasabi ko dito.
"Ngayon po sama ako po ha."sunod ito ng sunod sa akin para lang maisama ko siya.
"Hindi po talaga anak, e."
Sinabihan ko kasi si Nanay Kuring kanina na ako na bahala mamalingke at umu-Oo, naman ito sa akin. Tapos itong batang ito naman gustong sumama.
"Ma, Sige na po kasi!"nagpapadyak pa ito sa kaniyang mga paa.
Tinignan ko lang ito, kanina pa ito nakaligo, nakakain, at nakabihis ng malinis na damit. Ayaw ko talagang isama siya pero parang iiyak na talaga siya sa harapan ko.
"Tara na, isama kana ni Mama, pero sa isang kondisyon kailangan nasa tabi ka lang ni Mama, ha."tumatango naman ito sa akin at malaking ngiting nagpaalam kay Nanay. "Aalis na kami, 'Nay."pagpaalam ko, at hinalikan ko pa muna yung tuktuk ng ulo ng bunso ko.
Sumakay na kami ngayon sa tricycle papuntang palingke, napahinto naman ito ng may pumaparang babae at sumakay naman ito at umupo sa tabi ko.
Pinagmasdan ko ito at sobrang nagandahan ako sa taglay ng gandang meron siya, sobrang puti, ang kinis ng katawan, at kitang-kita talaga dito na iniingatan ang katawan niya. Masamang tingin ang pinukol dito sa kalsada.
Nahihiya yung balat ko para tumabi sa kaniya parang mamahalin ang lahat ng gamit para sa katawan. Sa'kin, walang-wala ako sa katawan niya para ikompara ang mga bagay na alam kong mamahalin ang mga ginagamit niya sa katawan.
Pagkarating namin sa palingke, bumaba kaagad ako dahil paniguradong mahihirapan akong bibili ngayon dahil daming tao, lalo nang may kasama akong bata. Ayaw kasing magpaiwan, kaya wala akong nagawa, minsan naiipit pa kami dahil sa daming taong nagsiksikan para lang makabili binalingan ko yung anak ko at kita ko sa kaniyang mukha na nahihirapan siya at naiinitan.
"Manong, magkano ang isang kilo?"turo ko sa baboy at tumingin naman ito sa akin.
"One hundred fifty lang, Hija."napaismid ako sa sobrang mahal ng karne.
Pero gusto ko talagang magluto ng adobong baboy mamayang tanghalian. Binili ko nalang yun at nagsimula na naman akong bumili ng mga kailangan na putahi at mga bagay na kailangan din sa bahay.
"Mama, bili po tayo gulaman."turo nito sa nakalinyang nagtitinda ng mga meryenda at mga juice, kahit anong juice.
"Mamaya, anak ha."Pagsasabi ko dito at bumaling ulit ako sa pagpili ng mga gulay para mamayang gabi.
Pili ako pili, hindi ko man lang napansin na wala na akong katabing bata. Nataranta ako dahil wala na sa tabi ko yung anak ko.
"Ali, nakita mo ba ang batang ganito ka liit."tinatansiya ko pa sa kamay ko.
Kinakabahan na ako, at naalala ko naman yung gusto niyang ipabili sa akin.
"Manang, pwede po bang iiwan ko muna sa inyo ang mga binili ko."
"Sige lang, Hija. Hanapin mo muna ang anak mo, baka mapano pa iyon."
."Salamat po."
Nagmamadali akong pumunta sa bilihan ng mga gulaman at buko juice.
"Ate, may nakita po ba kayo ditong Bata?"pagtatanong ko sa dalagang nagtitinda ng gulaman.
"Oo, pero umalis iyon kasi wala naman siyang pambili ng gulaman."Sabi nito at mas lalo naman akong kinabahan.
Halos nalibot ko na siguro ang buong palingke para lang mahanap ang anak ko. Natagpuan ko nalang ang sarili kong napaupo sa gilid ng kalsada dahil sa paghihina. Ito nanga ang sinasabi ko e.
Dapat hindi ako mawalan ng lakas ng loob para makita lang siya, nagpatuloy ako sa paghahanap sa kaniya at nakita ko nalang ang anak kong kumakain ng ice cream at may hawak na gulaman, patakbo akong lumapit sa kaniya.
Niyakap ko ito at pinagalitan dahil sa sobrang kaba ko kung anong nangyari sa kaniya.
"Anak, naman! Pinakaba mo lalo si Mama e."pinunasan ko naman ang noo nitong puno ng pawis.
Napalingon ako bigla sa may nagsalita galing sa likod ko. Nanlaki ang matang tumingin ako dito sa pamilyar na mukha.
"I saw your child here, so I decided to buy him some ice cream and I will find here mother."napatulala ako dito sa maamong mukha pero kita talaga doon ang karisma. "At siguro ikaw na'yung Mama niya."
Wala sa sariling tumango ako. "Pasensya na sa abala at salamat po."nagbigay ako dito ng galang dahil sa tulong niya sa anak ko.
"Walang ano man. Bantayan mo nalang yung anak mo ng maigi."umalis na agad ito at pinuntahan ko naman yung pinag-iwanan ng pinamili ko.
Nagmamadali akong bumili ng mga kailangan ko pa sa pagluluto at uuwi na kami agad para doon ko pagsabihan ng maayos ang anak ko, baka hindi ko na talaga siya masama sa susunod na mamalingke ako kung sakaling ako ang uutosan ni Nanay.
Pagkarating namin sa bahay ay pinapaupo ko ito sa mahabang upuan na gawa sa kawayan.
"Anak, sa susunod ha! Huwag mo na iyong gagawin pa, napraning na ako kakahanap sa'yo anak e."niyakap ko ito ng mahigpit.
Hindi ko siguro kayang mawala ang anak ko kung may mangyaring hindi maganda dito.
"Opo, Mama."
Pinagsabihan din siya ng maayos ni Nanay dahil hindi talaga tama ang ginawa niyang iyon, paano kung may mga taong hindi pala maganda ang intensyon sa ibang tao lalo na sa mga bata. Puro nalang talaga negatibo ang tumatakbo sa loob ng utak ko, parang wala na akong tiwala sa sarili kong magdala ng bata kapag may bibilhin.
Natatakot ako na mapaano ang batang kasama ko.
"Sino ang nagbigay sa'yo ng ice cream anak?"nagtatakang tanong ko sa kaniya.
"Siya po, Mama."napatingin ako sa tinuturo nito. Nanlaki ang aking mga mata no'ng nahawigan ko ang mukha ng taong nagbigay ng ice cream sa anak ko.
Nanginginig ako sa kaba pero hindi ko naman alam kung ano ang dahilan ng kabang dinadala ko ngayon.
"You're the mother of this kid's?"
Hindi ko maintindihan pero kinaya kong makasagot ng matuwid sa kaniya." Oo, ako. Maraming salamat sa pagbigay ng ice cream ng anak ko."
"Nakita ko kasi siyang umiiyak kaya binilhan ko siya ng ice cream."napatitig ako sa mukha nito dahil sa pagsasalita niya ng tagalog.
Namangha ako lalo, dahil sa bigkas niya ng tagalog ay napaka gwapo na.
Napatikhim ako at. "Maraming salamat po. Pasensya na sa abala."tumango naman ito sa akin.
Nagpapaalam akong aalis na kami pero tinawag naman niya kami.
"May binili pa akong laruan sa kaniya!"tawag nito no'ng nagsimula na kaming maglakad.
Patakbo naman itong lumapit sa amin ng anak ko at binigay niya sa bata ang mamahaling laruang binili niya.
"Maraming salamat po, Papa."
Nanlaki ang mata kong napatingin sa anak ko, hindi ko alam ano gagawin kaya tinalikuran ko nalang siya at nagmamadali kaming naglakad ng anak ko.
Pero nilingon ko ito at bumigkas ako ng salitang salamat sa kaniya at nagpapatuloy na kami.
Yun yung bagay na hindi ko maibigay na sa anak ko.
Wala akong amang ibigay sa kanila ng kapatid niya.
Dahil ang alam nila ay iniwan lang ako ng lalaki na may anak. Pero yung totoo hindi naman.
YOU ARE READING
HACIENDA NOCHE SERIES: ELIEL
RomanceThe Noches, a distinguished lineage, stands as a beacon of prosperity and prestige in their tight-knit barangay community. With their opulence consolidated, their sole male offspring is destined to assume the weighty responsibility of preserving and...