"Nay Kuring!"
Nagising ako dahil sa sobrang ingay sa labas, napakahimbing pa nang tulog ng dalawa no'ng binalingan ko sila. Napangiti ako dahil magkayakap din silang natutulog.
Mabuti nalang hindi sila nagising sa ingay sa labas. Pagod pa naman ito sa biyahe. Hinalikan ko muna yung kanilang mga ulo bago ako umalis sa kama at lumabas ng kwarto para makita kung sino ang mga taong nagsisitawanan sa labas.
"Mare, kumusta ka naman doon sa bulacan?"naabotan ko pang nagtatanong ang isang mapayat na babae kay Nanay.
Nanatili lang ako sa may pinto at nakikinig sa kanilang usapan. Chismossa na talaga ako kaya hindi na ako magtataka sa sarili ko kung bakit nandito pa'din ako sa pwesto ko.
"Okay, lang naman."sagot sa kaniya ni Nanay.
Hindi ko man lang napansin may nakakita na pala sa akin.
"Kay gandang dalaga naman yang nakatayo sa may pintuan, Kuring." Namamanghang sabi naman ng isa sa kausap ni Nanay.
Wala akong nagawa kundi lumabas nalang sa pinagtaguan ko. Mapakla akong napangiti dahil sa hiya. Baka isipin nila na grabe ako ka chismossa. Pinapakilala ako sa mga kumare ni Nanay kahit papaano maagan ang loob ko sa kanila.
"Parang magkakasundo ito sa isa sa mga anak ko, ang anak mo Kuring."napangiti nalang si Nanay sa sinabi nito.
"Papuntahin mo nalang iyong inaanak ko dito, na miss ko din yung pagiging madaldal no'n."
Nagpaalam na sa amin si Aling Martha. Kaya pumasok na'din kami ni Nanay sa loob ng bahay para maghanda na mamaya sa darating na fiesta. Sinabihan ko naman si Nanay na ayokong dumalo sa fiesta kasi hanggang ngayon tulog pa'din ang dalawa at kailangan ko pa silang bantayan.
At isa pa pagod din ako gusto ko pang bumawi ng tulog para sa sarili ko.
"Pwede namang hintayin natin ang mga bata, paniguradong matutuwa yun kasi hindi pa naman yun nakaranas ng ganitong kasiyahan."
"Ikaw bahala, Nay. Gusto ko po munang matulog ulit baka kasi may ipapagawa ka sa akin."nahihiyang sabi ko sa kaniya.
"Matulog kana muna maglilinis na
lang naman ako sa likod ng bahay ang daming tuyong dahon kasi doon."Tumango nalang ako dito at natulog nalang ulit. Talagang inaantuk na ako nagising lang kasi sa sobrang ingay sa labas.
Tulog mantika talaga ako, hindi ko din namalayan na tumutulo na pala yung laway ko sa unan. Wala na akong nakitang dalawang bata sa tabi ko. Siguro sinama nalang ni Nanay.
Hindi ko kasi alam na napasarap yung tulog ko. Bumaba ako ng hagdan patungong kusina. Kahit kasi gawa sa kahoy ang bahay ni Nanay matibay pa naman yung inaapakan lalo na yung pangalawang palapag nila dito na kasalukuyan naming mag-inang tinutulogan.
Napatingin ako sa babaeng humahangos na pumasok ng bahay at sabay sigaw.
"Ninang Kuring!"nakangisi nitong sigaw hindi siguro nahalatang may nakatingin sa kaniya dahil nagpapatuloy pa'din itong sumisigaw.
"Wala si Nanay Kuring, nando'n sa fiesta."natigilan ito at napabaling ang tingin nito sa akin na nakakunot ang noo.
Nagpatuloy ako sa paglalakad patungong kusina. Hindi ko din naman siya kilala kaya hindi ko kayang kumausap sa kaniya.
"Sino ka? Magnanakaw ka ba?"pagtatanong nito sa akin.
Napairap naman ako sa sarili." Mukha ba akong magnanakaw." turo ko pa sa sarili ko.
"Aba'y malay ko ba kaya nga kita tinatanong di ba."napairap din naman ito at pumasok na nang bahay sabay lapit sa akin. " Ako pala si Marisol."pagpakilala nito sa sarili.
YOU ARE READING
HACIENDA NOCHE SERIES: ELIEL
RomanceThe Noches, a distinguished lineage, stands as a beacon of prosperity and prestige in their tight-knit barangay community. With their opulence consolidated, their sole male offspring is destined to assume the weighty responsibility of preserving and...