CHAPTER 3

21 4 26
                                    

"Beth, pahinga ka muna. Nabawasan na yang timbang mo dahil kulang ka sa tulog. Halos hindi ka na din kumakain," sabi ng matanda. Nakatulala lang ako sa kabaong ng dalawang taong mahalaga sa akin.

"Walang mag-aalaga sa mga bata kong magpapahinga ako, Nay Kuring," sagot ko. Gusto ko mang matulog pero hindi pwede dahil kailangan ko pang bantayan ang dalawa.

Hindi pa naman sila gaano magaling. Hindi pa nga nakaligo dahil may kunting sinat pa.

"Ako na muna bahala sa mga bata, magpapahinga ka muna."

"Salamat po talaga Nay Kuring." Tumango lang ito sa akin at hinayaan akong pumasok sa loob ng bahay para magpahinga.

Gusto ko munang kalimutan ang sakit na dinadala ko ngayon. Gusto kong maramdamang wala akong problema.

Ilang minuto lang naman ang tulog ko dahil mas pinili ng katawan ko na bumangon at asikasuhin ang dapat asikasuhin.

"Nay Kuring, ang mga bata?" tanong ko dito.

"Pinapahinga ko muna sa amin kasi mas makakatulog sila ng maayos doon dahil hindi naman maingay kisa dito," sagot nito. Tumango nalang ako sa sinabi niya.

Mas maayos nga doon sa kanila kisa dito puro nagmamajung at naglaro ng baraha.

Ayokong patagalin ang lahat kaya planado na ang lahat na bukas libing na nilang dalawa. Masakit tignan sa tuwing ang dalawang taong mahalaga sayo nando'n sa kabaong nakahiga akala mo tulog lang. Tulog na hindi magigising.

Paulit-ulit akong nasasaktan sa tuwing nakikita kong wala na akong isang kaibigan na maaasahan sa ibang bagay na alam kong kakayanin niyang gumawa ng paraan para lang matulongan ako.

"Ed, mamiss ko yung katigasan ng ulo mo," pag-uusap ko dito kahit alam kong wala ng sasagot sa akin. "Araw-araw ko namang pinagdarasal sa panginoon na sana maayos ka, pero no'ng araw na yun patalaga, Ed. Kailangan ka nang mga anak mo." Hindi ko man lang namalayan tumulo na naman ulit ang luha ko.

Ang ganda mo pala kapag tulog pero basagulera ka kapag gising. Umalis ako sa harapan ng kaniyang kabaong at lumapit sa kabaong ng baby bunso ko. Kahit hindi ako ang nagluwal sa kaniya mahal na mahal ko pa 'din ang batang ito. Ayoko ngang madadapuan ito ng kahit ano pero ngayon wala na akong maririnig na salitang masakit galing sa kaniya.

"Hi, baby Edmund ko. Sana masaya kana ngayon kasi kasama mo si Mama Edna mo."

Si Edna na kasi ang nagpapangalan sa kaniya kaya ginawa niya itong Edmund. Kasi nga daw kapariho ng mukha niya pagkabata. Hindi ko din alam pero yung dalawang anak niya ngayon may pagkahawig na talaga sa akin. Palibhasa kapag nabubuntis yun palagi akong pinaglihian. Hindi naman ako yung umiri pero na sa akin pa'din ang hawig ng mga bata.

Kaya hindi na ako magtataka kung madaming nagtatanong sa akin kong anak ko ba talaga ang dalawa. Hindi ko din sila masisisi. Ako din yung gumawa ng pangalan ng dalawa kasi yun ang gusto ni Edna.

"Bantayan niyo kami ni Mama Edna mo ha, alam kong hindi kana nahihirapan diyan baby ko. Mahal na mahal ka ni Mama Beth mo." Pinunasan ko yung mga luha kong nagdadalaytay na sa pisngi ko.

"Beth, kumain ka muna," lumingon ako kay Nanay Kuring.

"Mamaya po Nay. Ang mga bata po?" Namumugto na din yung mata nito dahil napamahal na'din siya sa mag-ina.

"Natutulog pa mamaya magigising yun." Ngitian naman ako nito.

"Sasabayan ko nalang silang kumain, busog pa'din naman ako."

Nagpaalam ito sa aking may gagawin pa siya kalinderya niya at babalik siya mamayang gabi dahil huling tulog na nang mag-ina dito sa lugar na'to.

Wala akong nagawa buong maghapon dahil mga kapitbahay ko naman ang nag aasikasu sa mga taong nakiramay sa amin. Mapait akong napangiti. Mabuti nalang ngayon may tumutulong na sa amin kasi no'ng na sa kalagitnaan na ako ng kabagsakan ng mundo ko. Halos ako lahat ang gumawa no'ng nawala si Tatay sa buhay ko. Nagpapasalamat din naman ako mga taong totoo sa amin ni Tatay. Sila yung tumulong sa akin para maasikasu ang burol ni Tatay.

Inaantuk man ay pinilit kong kalabanin ang antok ko. Bukas na ang libing ng dalawa kaya kailangan akong gising dito. Gusto ko silang bantayan sa huling pagkakataon.

"Mama," tumingin ako sa dalawang batang papalapit sa akin.

Pilit na ngiting binigay ko sa kanila. Kailangan ko ding patatagin ang sarili ko dahil may mga anak pa akong pakainin kahit hindi ko naman kadugo pero walang basihan ang pagiging kadugo kong alam mong mahal mo ang mga ito.

May mga kadugo ka ngang mga tao pero hindi ka naman tinuring nitong kadugo dahil tingin nila sayo mababang uri lang. Walang maabot na pangarap kaya wala ka lang sa kanila. Kahit masakit kasi sariling kadugo mo ang unang nagpapabagsak sa'yo. At dahil doon mas lalo akong naganahang mag pursige dahil may pinapangako pa ako kay Tatay.

"Gutom na ba kayo? Ang tagal ng tulog niyo," ginulo ko isa-isa ang kanilang mga buhok.

Yumakap ito sa akin ng mahigpit at ganon naman ako sa kanila.

"Kakain tayo Mama," tumango naman ako sa panganay kong si Nickel.

"Ikaw baby Copper ko?" tanong ko naman dito na nanatiling nakatingin sa kabaong ng Mama Edna niya.

Nawala yung ngiti ko dahil hindi ko kakayaning makikita silang ganito.

"Kain na tayo," hinila ko sila papasok ng bahay.

"Mama, ayoko po ditong tumira gusto ko pong sa probinsya," napatingin ako sa limang taong gulang kong anak na panganay.

Naiisip ko din yun pero wala naman akong naipatayong bahay sa probinsya.

Sinubuan ko naman ang nakakandong kong anak na si Copper. Siyaka ako bumaling sa panganay ko. Parang magiging bunso ko na ang pangalawang anak ko ngayon.

"Wala pa kasing pera si Mama anak e," napatingin ito sa akin ng malungkot.

"Dibali makakahanap din ako. Magtatanong ako kung saan ba ako makakahanap ng matutuluyan sa probinsya," napangiti naman ito ulit sa akin at ganadong kumakain.

"Talaga po Mama!" sigaw nito at may malaking ngisi sa labi.

Nakikita ko sa kaniyang mga mata ang kasiyahan niya at nabawasan naman yung bigat ng dibdib ko dahil doon.

"Oo, kaya dapat kumain kayong dalawa ng marami para makakapunta na tayo doon."

Mas lalo ata silang naging interesado sa pagiging anak probinsyano nito. Kailan man hindi ko kayo kayang biguin ng ganito.

Kinabukasan halos hindi ko kayang ihiwalay sa akin ang kabaong nang dalawa. Nagsisiiyakan na yung nakikiramay sa amin. Kinuha na kasi ito ng polinarya dahil sila din naman ang maghahatid sa sementeryo.

"MAMA!"

"BABY EDMUND! EDNA!"

Hagulgol dito, hagulgol doon. Ang sakit sobrang sakit na maririnig mo iyon sa mga batang naiwan. Alam kong bata pa sila at wala pang muwang sa mundo pero sa ngayon pati ako nanghihina na.

Pagkatapos naming dalhin sa simbahan ang dalawa dahil may basbas pa ito ng pari dahil sa huling pagkakataon nila dito sa mundo.

Umiiyak na naman ako dahil kailangan na nilang ilibing dalawa. Magkatabi lang sila sa libingan dahil yun ang gusto ko.

Lumuhod na ako sa lupa para pigilan ang paglibing ng dalawa.

"Beth, kailangan na nilang magpapahinga," paghihila sa akin ni Nanay Kuring.

"Sandali lang kasi!" sigaw ako ng sigaw.

"Beth, tama na yan nasasaktan na kami sayo alam kong hindi mo pa kaya ang ganito. Pero kailangan na nilang pumunta sa huling hantungan nila." Sabi pa akin ng isa sa kapitbahay naming tumutulong sa amin.

Madaming pumigil sa akin, wala akong pinapansin sa kanila ni kahit isa man lang.

"Mahal na mahal ko kayong dalawa!" Wala na akong boses na sinabi ang katagang iyon kahit sinigaw ko naman yun.

Nakaluhod pa'din akong pinanood ang paglalagay ng lupa sa dalawa para matuban na sila. Muntikan na akong mabuwal sa lupa kong hindi lang ako nasalo ni Nanay Kuring.

"Uwi na tayo, Beth," umiiling ako dito dahil wala na akong lakas pa para sumagot.

Ganitong ganito ako kay Tatay dati halos ako nalang mag-isa sa sementeryo no'n dahil hindi ko pa gustong umuwi.

Nanlabo na yung paningin ko dahil sa kulang na tulog at pahinga. At nawalan na ako ng malay dahil hindi ko na kaya ang bigat ng dibdib ko. Naninikip ito sa sakit.

Ayoko ng ganitong sakit. Ayaw ko na itong maranasan pa ulit. Ayokong mag-isa, ayokong maiwan, ayokong makaranas ng ganitong sakit kasi nakakapanghina. Nakakawalang gana. Nakakaputang Ina.

Ayoko na! Sobrang sikip sa puso, sobrang nakakasal na!

Wala bang bago? Kasi gusto ko yung bago. Hindi yung masasaktan na naman ako. Hindi yung iiyak na naman ako ng ganito.

Pagkagising ko, wala pa'din akong lakas at mugto pa yung mata ko hindi ko pa kayang bumangon na walang mararamdamang sakit.

"Mama, kain kana po. Kanina na po kami pinapakain ni Nanay Kuring, pero gusto ko pong makasabay kang kumain," nilapitan naman ako ng panganay ko.

"Ang kapatid mo, na saan?" tanong ko pa kaniya bago ko ito hinalikan sa noo.

"Natutulog na po Mama," napangiti naman ako doon.

"Ikaw kumain kana ba?"

"Hindi pa po, hinintay kitang magising para sabay na po tayong kumain, Mama," natigilan ako doon.

Napaluha naman ako ulit dahil sa simpleng ganito lang ng anak ko. Randam na randam ko talaga ang pagmamahal nila sa akin.

"Dapat kumain kana sana anak, alam mo bang bawal malipasan ng gutom ang mga bata," pagtatakot ko pa dito at dedma lang naman ako sa kaniya.

"Nah, limang taon na ako Mama. Pwede na nga akong magtrabaho e," nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Paalala lang po five years old ka palang at hindi ka pa binata. Tigas ng ulo mo yan patalaga yung namana mo sa Mama Edna mo."

Nilagyan ko naman ito ng pagkain ang platong nakalagay sa harapan niya.

"Pagkabusog ka ha," pagsasabi ko pa.

"Opo."

"Matutulog ka mamaya may kailangan pa akong asikasuhin," tumango naman ito ulit sa akin.

Pagkatapos naming kumain hinugasan ko na yung pinagkainan namin. Bago ako lumabas ng bahay.

Wala nang ingay, wala na yung mga taong nagbabraha. Napa buntonghininga ako. Naninibago ako. May kulang kasi sa parti ng buhay ko ngayon.

Tatlong tao na ang nang-iwan sa akin, hindi ko na kakayanin kapag may dumagdag pag mawawala sa akin.

Napatingin ako sa kalangitan at naramdaman ko nalang yung mainit na likidong dumadaloy sa pisngi  ko. Hindi ko pa'din maiwasang umiyak.

"Beth," napalingon ako kay Nanay Kuring no'ng tinawag niya ako.

"Bakit po?"

"May naghahanap kay Edna parang mga armadung lalaki," kinakabahang sabi ni Nanay.

"Na saan po sila?"

Hindi na magawang sumagot ni Nanay Kuring dahil may biglang nagsalita sa likod niya at napatingin naman ako doon. Ang laki ng katawan kapag siguro labanan ko yan bali yung buto ko.

"Nandito ba si Eden Castro?" Makisig na tanong nito at nakakatakot.

"Hindi," totoo naman kasi.

"May nagsasabi sa amin na nandito siya nakatira," kunot noong sagot nito sa akin.

"Dati yun pero ngayon hindi na," pagtataray ko pa sa kaniya.

"Na saan ba siya at kailangan ko siyang makausap."

Malaki nga kasi, kasi nga ang laki ng tiyan. Madami pang bodyguard na nakabantay.

"Hindi mo na siya makakausap," simpleng sagot ko.
"Puntahan mo siya sa sementeryo baka sasagot yun sa'yo."

Nagalit ko ata." Miss, kung ayaw mo kaming kausapin ng matino umalis ka sa harapan namin at magtatanong kami sa iba."

Napangiwi ako doon, ang tanga. " Sir, na may malaking tiyan. Talagang nagsasabi ako ng totoo, wala na talaga dito si Eden Castro. Dahil nando'n na sa sementeryo."

Tinutukan ako ng baril pero hindi ako natakot kasi totoo talaga yung sinasabi ko.

"Ilabas mo siya!" sigaw pa nito.

"Gustohin ko mang ilabas siya pero hindi pwede."

"Bakit hindi pwede?" galit nitong tanong at kulang nalang ikalabit na yung gatilyo at tigi talaga ang labas ko dito.

"Aba'y kanina ngalang nailibing tapos ilabas ko. Siyaka na bumalik kayo ng ilang buwan at ilalabas ko at baka sasagot yun sa inyo." Napaatras ako dahil mas lalong tinutok pa nito ang baril sa akin.

"Hindi ako nagbibiro sa'yo babae ka!"

"Bakit naman ako magbibiro! Totoo naman kasi yung sinasabi ko tignan mo nga yung paligid may mga trapal na nakalagay dahil kanina palang nailibing ang babaeng hinahanap niyo!"

Napamiywang ako sa harapan nila at tinaasan ng kilay." Ano ba kailangan niyo sa kaniya at ibubulong ko nalang sa langit at baka sasagot yun."

"May utang siya sa akin," biglang sabi nito at natigilan naman ako.

"Magkano ba?"

"Three hundred—."

Pinigilan ko ito at." Three hundred lang pala. Oh ito—." Ibibigay ko na sana yung pera ko pero bigla itong nagsalita at nabitiwan ko yung pera dahil sa gulat.

"Three hundred thousand pesos ang utang niya sa akin."

Napamura nalang ako sa isip ko at saan naman ako hahanap ng ganiyan ka laking pera. Jusko naman.

Tang inang babae ka pautang-utang kapa tapos ganito pa talaga ka laki!

HACIENDA NOCHE SERIES: ELIELWhere stories live. Discover now