"Ano ba yan! Beth, ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo na bawal ka nang magtrabaho dito!" sigaw ng amo kong pinapasukan."Ma'am, bakit po kasi bawal na akong magtrabaho dito?" takang tanong ko, na napaismid siya.
"Dahil ipapakasal ko yung anak ko sa pamangkin ng Noche de Pamilya ngayong buwan," pag-iingit niya sa akin. Akala mo naman nainggit ako.
Mapakla akong natawa dahil sa sinabi nito. Akalain mo naman, magkagusto ang isa sa pamangkin ng pamilyang mayayaman sa anak niyang kulang na lang maging porn star ng bar.
"Talaga po, sana hindi makasal." Tinasaan ko siya ng kilay at nilayasan.
Buti na lang at nakuha ko yung sahod ko bago ako umalis doon. Dahil kung wala, baka susunod agad ako kay Tatay at Nanay dahil wala na akong makain. Parang babalik na naman ako sa pagtitinda ng kung ano-ano ngayon.
"Beth!" sigaw sa akin ng kaibigan kong may dala-dalang bata.
Alam ko na naman ang dahilan nito sa akin kaya inunahan ko na bago pa siya makapagsalita.
"Edna, sinasabi ko sa'yo, may kailangan pa akong asikasuhin na mas importante diyan sa ipagpapagawa mo." Minsan, hindi ko na rin alam kung kaibigan pa ba ang pakikitungo ni Edna sa akin.
Halos dinideny lang naman ako nito kapag may makuhang malaking pera, at ngayon ipabantay na naman niya sa akin ang anak niya dahil hindi niya ito maisama sa maduming trabahong meron siya.
Bahala nang maging kuba sa kakatrabaho ng marangal, 'wag lang kakapit sa patalim.
"Ngayon lang naman, Beth. Eh, kasi malalate na ako sa kliyente ko ngayon." Tinarayan ko ito at hindi na muling lumingon.
"Alam mo, Edna, maghanap ka na lang kaya ng matinong trabaho at huwag yang ibinibinta yang katawan mo." Pagsasabi ko sa kanya dahil sa kabutihan lang naman iyon eh.
"Kahit pilitin ko, may mga anak akong papakainin, Beth. Buti nga ikaw, kasi sarili mo lang iniisip mo." Pinagtaasan ko ito ng kilay at mapaklang natawa.
"Talaga, sarili ko lang iniisip ko? Edna, alalahanin mo, binigyan mo ako ng malaking responsibilidad na dapat sayo!" Nasigawan ko siya dahil sa sobrang init ng ulo ko ngayon dahil wala na akong trabaho. "At huwag na huwag mo siyang subukang bawiin sa akin dahil una pa lang, binigay mo na sa akin."
"Beth, ito na lang kasi kaya kong gawin dahil baka isang araw yayaman ako at mabigyan ko na ng magandang buhay ang mga anak ko."
"Nangarap nga, gising pa." Bulong ko sa sarili ko at nilayasan na naman siya sa harapan.
Bahala siya sa buhay niya, tutal malaki na siya at may tatlong anak na eh.
Sa trabaho ba naman niya, yayaman siya? Halatang hindi. Kakapit na sa patalim ang mga tao ngayon dahil sa sobrang mahal ng bilihin, isama pa yung may mga anak pang papakainin at papaaralin.
Umuwi ako sa bahay namin, hindi pa rin nagbago simula nang nawala si Tatay sa buhay ko.
Walong taon na akong namumuhay na mag-isa. Pero biglang dumating si Edna sa buhay ko at naging kaibigan kami. Dahil sa kanya, hindi naging malungkot ang buhay ko. Binigyan naman niya ako ng malaking responsibilidad sa buhay.
Kahit minsan nagagalit na ako sa kanya dahil sa tigas ng ulo niya, lagi akong nakukunsiyensya dahil sa binibigay niyang sakit sa ulo at sa buhay ko.
"Mama!" napantig ang tenga ko dahil sa sigaw na yun.
Kumaripas ako ng takbo papasok ng kwarto kung saan siya nakahiga.
"Bakit, anong nangyari? May masakit ba sa'yo?" sunod-sunod kong tanong sa batang sobrang payat na nakahiga sa maliit na kama.
YOU ARE READING
HACIENDA NOCHE SERIES: ELIEL
RomanceThe Noches, a distinguished lineage, stands as a beacon of prosperity and prestige in their tight-knit barangay community. With their opulence consolidated, their sole male offspring is destined to assume the weighty responsibility of preserving and...