CHAPTER 2

21 4 28
                                    

"Kumain kanang madami, para maging malakas kana."nginitian ko naman yung anak kong nanghihina padin.

Limang araw na sila sa hospital, mas lumala naman yung kalagayan ng bunso namin dahil mas lalo itong nahihirapang huminga. Yung dalawa naman nagkadengue hindi namin alam kong saan nagsimula ang sakit ng dalawa.

"Mama, uwi nalang tayo mas gusto  ko sa bahay nalang tayo."pumapayat lalo ang anak ko.

Diyos ko. Huwag naman sana mga bata ang papahirapin mo nang ganito.

"Okay lang yan gagawa naman ng paraan si mama Ed at naghahanap naman siya ng trabaho para sa hospital ninyong tatlo."may dextrose panga ito at mask oxygen nakalagay sa kaniya dahil nahihirapan itong makahinga. Binalik ko naman ito sa kung saan nilagay pagkatapos ko siyang pakainin.

"Tulog ka muna, papakainin ko muna mga Kuya mo ha."hinalikan ko ito sa noo bago ako lumipat sa panganay namin dito.

"Kuya kain kana."

"Ma, si Copper muna pakainin mo." Sabi nito. " Gusto kong sumuka 'Ma."nilapag ko naman kaagad ang platong dala-dala ko para alalayan siyang makatayo at dalhin sa c.r.

Limang taon lamang ang panganay namin. Yung pangalawa tatlong taon naman. At ang bunso dalawang taon. Sunod-sunod kasi itong pinanganak ni Edna. Dahil iba-iba naman ito ng mga ama. Hindi pa kasi nadala ang Gaga. Hindi nag-control kaya ayun.

"Okay kana ba Kuya?"tanong ko dito. Nakaupo lang ito sa malapit sa ineduro para sumuka.

Maya-maya lang ay susuka na naman siya.

"Hindi kapa nagsimulang kumain nagsusuka kana."hinagud ko yung likod dahil nahihirapan itong sumuka. Tumayo na ito at sinimulan ko namang linisin ang bibig niya pagkatapos nagpakarga sa akin.

Sinasayaw ko nalang muna ito para makatulog, ayaw naman niyang kumain kaya hindi ko nalang pinilit. Ako lang kasi ngayon ang nagbabantay sa kanila dahil nagtitinda pa kasi si Nanay Kuring sa maliit nitong kalinderya.

Si Copper naman yung inasikasu ko para makain na naman ito ng matino. Naawa ako sa mga bata dahil nabawasan yung normal nilang timbang dahil sa sakit nila. Maliban nalang sa bunso namin may sakit sa puso kaya payat.

"Kain ka ng mabuti anak ha. Para makalabas kana dito."tumango lang ito.

Lugaw lang yung pinapakain ng doktor sa kanila dahil kapag kanin daw ang ipapakain sa kanila baka isuka lang.

"Ma, busog na ako."pinainom ko naman ito ng tubig at ilalayang makahiga.

Biglang tumunog ang nokia kong cellphone. Hindi naman touch screen ang cellphone ko kundi keypad lang.

"Napatawag ka?"tanong ko Kay Edna.

"Pupunta ako diyan may nagpapahiram sa'kin ng pera para sa kanilang tatlo."

Napabuntong hininga nalang ako." Nanghiram ka na naman...saan ka naman kukuha ng pambayad sa kanila?"

"Hays, ako na bahala. Basta huwag ka munang hahanap ng trabaho ako na muna bahala sa inyo."

"May magagawa paba ako sa tigas ba naman ng ulo mo hindi ko na'yan mababago kong anong laman diyan."

"May ipabili kaba?"

"Bilhan mo nga ako ng pandesal at kape, dalhin mo nalang dito lagi kasi akong inaantuk baka may sasabihin ang mga bata hindi nila masabi dahil tulog ako."

"Maraming salamat talaga ha, hulog kanang langit sa aming mag-ina. Hayaan mo makabawi din ako sayo."napangiti nalang ako dahil sa sinabi nito.

"Ayy sus, magtino ka muna at umalis ka sa pinagtrabahoan mo...baka diyan masasabi kong nakabawi kana."natatawa naman itong pinatay ang tawag.

Hindi nga ako nagkakamali at nakatulog ako kakabantay sa mga bata. Ilang araw na'din akong walang maayos na tulog dahil sa pagbabantay sa kanila.

Nagising nalang ako ng tumunog bigla ang cellphone ko.

"Ed, ang tagal mo naman..."napahinto ako sa sasabihin ko ng iba ang boses ang sumagot.

Nanginig ako dahil sa sinabi niya, akala ko si Edna yun.

"Kaibigan po ba ito ni Eden Castro. Pasensya na po ma'am ngunit, nalaman naming mga pulis nabundol siya dahil sa kasalingan ng lalaki. Nakita po kasi naming ikaw lang yung nasa contact ng cellphone niya na matinong pangalan ang nakalagay."

Kung nasa mabuting kalagayan lang ako tumatawa na ako ngayon. Pero hindi yung nagpapahina ng mga tuhod ko kundi ang katagang iyon.

"Dead on arrival...po ang nabundol ma'am.Paki puntahan nalang po siya sa morgue. "

Gusto kong sumigaw dahil sa biglaang narinig ko. Hindi ko na alam kong anong uunahin kong gawin. Mga bata ba? Oh, yung kaibigan kong binawian ng buhay.

Biglang tumunog ang monitor ng bunso naming nahihirapang huminga kaya dali-dali naman akong tumawag ng doktor.

Nasa gilid lang ako nito at taimtim nagdarasal. Mas lalo akong nanghina dahil sa sinabi ng doktor.

"Hindi po, mabubuhay pa po ang anak ko!"sigaw ako ng sigaw dahil sa sinabi nila." Malakas ang baby ko! Lalaban pa siya!"

"Time of death, 3:45 p.m."nabingi ako sa sinabi ng doktor. " Sorry ma'am but we do our best to make your child alive. Condolences ma'am."

Napayuko ang doktor dahil hindi ibig sabihin namatay ang pasyente nila wala na silang paki. Ang iba nasasaktan din dahil hindi nila nagawang iligtas ang mga taong nangangailangan sa kanila.

Lumapit ako sa anak ko." Baby, bakit ka sumama sa mama mo. Iniwan mo na kami nila Kuya mo. Pati si mama Edna iniwan na'din kami."napahagulgol nalang ako.

"Diba, gusto mo pang makapasok sa school dahil gusto mo maging teacher. Diba pangarap mo yun na makatulong sa mga bata nang walang bayad sa pagtuturo."hinalikan ko ito sa noo. Halos nawalan na ako ng lakas dahil sa sunod-sunod na pangyayari sa buhay ko.

"Mama, iniwan na ba nila tayo?"inosenteng tanong ng panganay naming anak. Halos napayuko nalang ako dahil walang lumabas sa bibig ko.

Narinig ko nalang impit nitong iyak kasunod kay Copper. Nakabayad man kami sa hospital pero may kapalit naman. Saktong perang hiniram ni Edna ang pambayad namin sa hospital.

Pinuntahan ko siya sa morgue nong sinabi ng doktor sa akin na ililipat na muna sa morgue ang anak ko. Kaya may oras pa akong pumunta kay Edna. Mabilis lang naman ako doon dahil madami pa akong asikasuhin. Binigay sa akin ng pulis ang nakuha nilang gamit kay Edna, pagkatapos bumalik ako sa hospital para magbayad.

Umuwi nalang din kami sa maliit naming bahay nong nando'n na ang mag-ina. Ang sakit makita silang nakahiga sa kabaong.

Sabay-sabay pa talaga silang nawala sa akin, sa amin ng mga bata. Madaming nakiramay at tumulong sa akin.

Parang bumalik ako nong nawala din si Tatay sa buhay ko, halos Ako lang ang gumawa ng lahat.

Napahagulgol nalang ulit ako at lumapit sa kabaong ng kaibigan ko.

"Eden, tang Ina ka talaga! Iniwan mo akong mag-isang mag-alaga sa mga bata."

Nagpakarga sa akin ang Copper dahil gusto niya daw makita ang mama niya.

"Hindi kaba naawa sa mga anak mo? Hirap na hirap akong ipasok sa isip ko ang nangyari ngayon, alam mo ba yun."umiyak ako ng umiyak.

Sunod ko namang nilapitan ang baby bunso ko.

"Baby, hindi kana ba nakaramdam ng sakit? Hindi kana ba nahihirapan ngayon? Kasi kung ganon man ang mangyari tatangpin ni mama ang lahat maging maayos kalang. Hindi kana din mag-isa dahil kasama mo si mama Edna."

Alam kong nahihirapan na ang anak ko at wala kaming heart donor  kaya siguro mas pinili nalang ng panginoon na kunin siya sa mga kamay ko para maging maayos na siya.

Ang sakit lang kasi...kasi binigla mo ako. Panginoon naman.Ganito ba ako kasamang tao.

HACIENDA NOCHE SERIES: ELIELWhere stories live. Discover now