"Ayoko na, magpasama sa isa ka nila, Nay. Kasi baka sabihin naman nila sa tumutulong sa kanila na ama nila ito."
Napabuntong hininga ako dahil naalala ko pa'rin yung sinabi ng anak ko yung sinabi niya sa taong yun na hanggang ngayon hindi ko pa'rin alam kong ano man ang pangalan niya. Lagi ko lang siya nakikita pero hindi ko man lang alam kung sino siya.
"Alam kong nasabi lang iyon ng anak ko dahil wala silang nakagisnang ama simula no'ng nailuwal sila ng Nanay nila."biglang kumirot ang puso ko naawa ako sa mga anak ko.
Ilang buwan na'din kaming napalagi dito sa probinsya. At hanggang ngayon hindi ko pa alam kong saan ako kukuha ng gaanon kalaking pera para pangbayad.
"Naawa na'rin ako sa mga apo ko, anak."napangiti ako doon dahil sa sinabi niya sa akin.
Kasi hanggang ngayon naninibago pa'rin ako sa pagtawag niya sa akin ng Anak. Masarap kasi sa pakiramdam na may tumatawag sa iyo ng ganoon.
"Maiba nga tayo, kailan mo ipa- enroll yung panganay mo?"tanong nito sa akin at ngayon ko lang din naman naalala.
"Nagsimula na ba ang enrollment ng mga bata, Nay?"tanong ko din pabalik sa kaniya.
"Hindi ko pa alam magtatanong nalang ako sa kumare ko kapag nagkikita kami."simpleng tango lang naman yung tinugon ko dito.
Kasalukuyan kaming nakaupo sa veranda ni Nanay na gawa lamang sa kawayan ang lahat. Maganda kasi ang bahay ni Nanay kahit purong kahoy ito ginawa, sobrang sariwa din ang hangin kaya simula pa no'ng pumunta kami dito nagustohan ko na ang prisko ng hangin dito. Yung walang halong-usok kapag sisinghutin mo ito.
Nakatulala lang akong pinagmasdan ang magandang bakuran na meron si Nanay dito. Kakatapos ko lang din kasing manglaba dahil baka wala ng maisuot ang mga bata kung sakali man.
Napaiktad ako dahil sa biglang may nagsalita. Napatingin ako sa baba ng veranda at dumagundong naman iyong kaba ko sa dibdib kapag nakikita ko siya.
"Pasensya na sa abala hindi mo ata ako narinig dahil nakatulala ka ."nakita pala niyang nakatulala ako, napadungaw ako lalo sa kaniya ang gwapo niya kasi.
Napatikhim ako. " Anong kailangan mo? Hinahanap mo ba ang, Nanay?"magsunod kong tanong.
"Oo, sana kung nan diyan man siya."
Napatingin ako sa gilid ko at wala na roon si Nanay hindi ko man lang napansin na iniwan na pala ako ditong nakatulala mag-isa. Baka isipin ng taong ito na problemado akong tao pero ang totoo ay totoo naman talaga na problemado ako.
"Tatawagin ko lang muna si Nanay."tatayo na sana ako pero pinigilan naman ako nito.
"Ayy, huwag na! Paki sabi nalang na may salo-salo sa bahay, sabihin mo na inimbita kayo ni Mommy. Alam na niya kung sino ang taong yan." Mahabang sabi nito sa akin.
Napatanga lang ako dahil alam kong kapag Mommy na tawagan ay mayaman na iyan. Talagang mayaman siya.
Tumango lang ako no'ng nagpaalam na ito sa akin. Napabalik lang ako sa sarili ko nang may yumakap sa akin.
"Mama, dede ako."napatingin ako sa bunso ko. Naglalambing na naman ang bata dahil may kailangan ito.
Tumayo ako upang pagtimplahan siya ng gatas, nagpakarga naman ito sa akin kaya natatawa akong pinatong siya sa lamesa no'ng magsisimula na akong magtimpla.
Napapaisip din ako, kapag wala ba itong mga batang ito at si Nanay Kuring, ano kaya yung magiging landas ng buhay ko. Hindi kaya nakakabagot kasi wala akong pinaglaanan nang ibang bagay bukod sa sarili ko. Masaya ba ako ngayon kung sakaling walang mga bata. Dahil para sa akin hindi e, naiisip ko parang araw-araw din namang may kulang ang buhay ko dahil doon nakatuon ang sarili ko sa mga bagay na alam kong yun lang ang kailangan kong gawin.
Hindi ako perpekto at gagawin ko ang lahat maging masaya lang ang mga anak ko, kahit hindi ko maibigay ang gusto nilang magkaroon ng ama, gagawin ko ang lahat para lang hindi nila maramdaman ang pagkukulang ko sa kanila. Ayokong mangako sa kanila ng mga bagay o salita kasi alam ko mismo sa sarili ko kapag hindi ito natupad para kana din sinaksak ng matulis na punyal sa dibdib mo kasi umasa ka. Umaasa ka na magagawa at makukuha nila ang bagay na pinapangako mo sa kanila.
Ayoko din namang makikita silang umiiyak dahil sa akin. Hindi man ako ang nagluwal sa kanila pero para ko na'din dugo ang dumadaloy sa katawan nila. Nagpapasalamat ako sa kaibigan ko kasi kung walang mga bata, baka ngayon sumusuko na ako sa buhay na meron ako dati. Umiikot lang sa isang bagay ang buhay ko no'ng wala akong nakilalang ibang tao bukod sa sarili ko, wala akong pinagkatiwalaan at wala akong ginagastosan na iba. Sa ngayon meron na, meron nang dalawang mga bata na kailangan kong paglaanan ng malaking pera para sa kanila, para sa kinabukasan nila. Mahirap pero nangako ako sa Ina nila.
"Mama!"napalingon ako sa humahangos na batang lumapit sa akin, umiiyak ito at puno ng sipon ang ilong nito na tumutulo.
Iniwan ko muna ang bunso niyang humiga sa sofa na gawa sa kawayan.
"Bakit? Anong nangyari sa'yo?"nagtataka kong tanong dito.
Umiiyak pa'din ito at kaya kumuha ako ng tubig upang ipainom sa kaniya. Nang huminahon na ito, tinanong ko ulit kung bakit.
"Mama, inaasar nila ako doon na wala daw akong, Papa."namumula ang mga mata at ilong nito dahil sa kakaiyak.
Bigla naman akong natigilan dahil sa sinabi niya. Wala akong maibigay na ganon sa kaniya lalo na ngayon na walang taong magkagusto sa akin dahil akala nilang may sabit na ako.
Pinunasan ko naman ang mukha nito. "Hayaan mo na sila anak."kahit pati naman ako ay nasasaktan dahil sa sinasabi ng ibang bata sa kaniya.
Lubos akong napaisip kong buo kaya ang pamilya niya ngayon, kung wala atang namamatay paniguradong masaya na siya ngayon, paniguradong masaya na ang mga anak ko ngayon.
"Anong gusto mong kainin?"para naman maibsan ang sakit na dinadala ng anak ko gusto kong lutoan siya ng meryenda ngayon.
"Turon, Mama."ngumuguso ito at pula pa'rin yung ilong dahil kakaiyak kanina.
"Hintayin mo nalang si Mama ha."
Naghanda ako ng mga rekados upang maluotan sila ng kapatid niya at pati na'rin si Nanay.
Dumating ang hapon ay sinabihan ko si Nanay na may handaan daw sa may hacienda, hindi ko alam na sinabihan na pala siya doon.
"Ayokong sumama, Nay."pagtatanggi ko dito niligpit ko naman yung damit na sinuot ng mga bata kanina dahil gusto ni Nanay na isama sila.
"Bakit ayaw mo?"takang tanong nito.
"Kumain na ako, Nay. Busog na ako at gusto ko na'rin magpahinga, Nay. "Pagsasabi ko sa kaniya ng totoo. "Bukas maghahanap din ako ng trabaho para panggastos natin dito sa bahay."
"Ohh, kung ganon isirado mo nalang maayos ang bahay may susi naman ako para hindi na kita maistorbo sa pagtulog mo."
Hinatid ko pa sila sa gate naming gawa sa kawayan. Naglalakad lang itong akay-akay ang dalawang bata sa magkabilang kamay nito.
Hindi balang ay araw-araw akong matutulongan ni Nanay Kuring, may araw din na hindi na niya ako kayang matulongan, hindi laging sa ibang tao ako aasa.
Kailangan kong maghanap ng trabaho para sa mga anak ko.
Walang tutulong sa amin kung nakatunganga lang ako.
YOU ARE READING
HACIENDA NOCHE SERIES: ELIEL
RomanceThe Noches, a distinguished lineage, stands as a beacon of prosperity and prestige in their tight-knit barangay community. With their opulence consolidated, their sole male offspring is destined to assume the weighty responsibility of preserving and...