CHAPTER 6

20 4 13
                                    

"Mama, saan po si Nanay?"tanong ng panganay ko.

Nakatingin lang din ako kay Nanay dahil hindi ko din alam kung saan siya pupunta.

"Hindi ko alam anak e."sagot ko nalang sa kaniya.

Biglang may kumatok sa may pinto kaya napatingin kami lahat doon. Inutosan ko din naman yung anak ko na buksan yung pinto.

"Ninang!"tawag nito kay Nanay.

"Sol, naparito ka?"tanong ko sa kaniya wala pa kasi si Nanay may ginawa pa sa kusina.

"Saan si Ninang?"

"May ginawa lang. Bakit ba?''

"Hindi mo ba naalala na may kunting handaan sa amin at imbitado naman kayong dalawa ni Ninang."tumango-tango nalang ako dito dahil ngayon ko lang din naalala.

Biglang pumasok si Nanay." Marisol, anak kumusta ka na?"tanong nito kay Sol at lumapit naman ito para magmano.

"Maayos naman po, Ninang."

"Naparito ka."tumingin ito si Nanay sa'kin." Kilala mo na ba anak ko?"tanong nito kay Sol.

"Ahh,opo Ninang. Nagkakilala kami no'ng pumunta ako dito kanina at sinama ko nga siya sa bayan para naman malibang."napangiti naman si Nanay doon. "Punta po daw kayo sa bahay 'Nang, may kunting salo-salo lang kasi doon."

"Nasabi nga sa akin ng, Nanay mo."

Inutosan naman ako ni Nanay patayin ang ibang ilaw sa loob ng bahay dahil sa makatipid sa kuryente at inutosan din akong isira ang mga bintana.

"Susunod nalang po kami ni, Beth , Ninang."sabi ni Sol, kay Nanay.

Tinulongan naman ako ni Sol na isira ang mga bintana dahil sasamahan nadaw niya akong pumunta sa kanila. Umuna na'din kasi sila Nanay kasi ilang kilometro lang din naman ang layo.

"Madami bang mga bisita sa inyo?"pagtatanong ko dito no'ng sinara ko na ang pinto.

"Mga kaibigan ko lang at yung ibang mga dayu, hindi ko alam kong may iba pa bang inimbita si Nanay."

Naglalakad na kami patungo sa kanilang bahay. Namataan ko naman yung isang malaking gate dahil sa sobrang lakas ng tugtugan sa loob. Siguro ang saya nila ngayon.

"Alam mo mga mamayaman ang mga Noche." Siguro napansin niya yung pagtitingin ko sa may malaking gate sa harapan namin ngayon.

Dadaanan pa pala namin ito bago kami makarating sa kanila.

"Syempre hindi ko alam kakarating ko ngalang dito kahapon."inirapan naman ako nito.

"Madaming nagtangkang magpakasal sa mga Noche pero hindi sila nagtagumpay."

Nangunot ang aking noo dahil sa sinabi nito. " Bakit naman mahirap?''

"Kasi ayaw ng mga lalaki. Sa atin lang ito ha, may isa kasi akong hinahangaan diyan kaso mahirap ako kaya hindi niya nakikitang nag exist pala ako dito sa mundo."malungkot itong natawa sa sarili.

"May narinig ako dati na, kapag may gusto ka huwag mong ipahalata na gustong-gusto mo talaga siya."

"Tara na nga baka mapagalitan na naman ako ni Nanay."Sabi pa nito dahil baka daw kailangan ng tulong ang Nanay niya at wala siya doon.

Nakarating naman kami ng maayos sa bahay nila madami din talaga yung mga bisita pumunta at isa na ako do'n.

"Tara na."

Dinala naman ako nito sa loob ng bahay nila at nakita ko naman si Nanay sa loob ng kanilang kusina pinapakain ang dalawang bata.

"Marisol, bakit ang tagal mo?"galit na turan ng kaniyang Nanay pero inirapan lang niya ito. Grabe naman Sol.

HACIENDA NOCHE SERIES: ELIELWhere stories live. Discover now