Cassy
I woke up and tried recognizing the room.
Oh no. I hate hospitals! I just don't like the smell.
Naramdaman ko rin naman ang sakit sa right leg ko. My leg is really aching. Nung nahulog kasi ako kagabi, ang right leg ko ang unang nabagsak.
Huhu. Ang sakit. Goodbye modeling na ba ako???
Wag naman sana Lord.
Magpapakabait na talaga ako. Di na ako mangungulit. Promise!
Naramdaman ko namang bumukas ang pinto at pumasok ang isang admin ng DLSU and Mom who shows concern while listening and my Dad who is fuming mad.
"You need to move fast! I want that student to be expelled! Whoever he is! "
"Sir, we are really doing our best! I assure you that all the necessary actions will be taken to clarify the situation"
"Expulsion! That's all I want. He hurt my daughter and I will not be considerate! I want him expelled!"
Nyiii. Galit na galit si Daddy. Kinomfort tuloy ni Mommy. Katakot talaga! Kaya nga ayokong ginagalit si Dad. I'm doing all my best not to disappoint him. Oh yeah Cassy, you did a great job... note the sarcasm. And here I am, at the hospital lying with my injured leg... Kumusta naman ang beauty ko? Huhu
I looked at Dad and he looked at me also. Medyo natakot naman ako. Brace yourself Cassy!
Dad gave a deep sigh. Ako din. Kala ko pagagalitan ako, ever since he doesn't want me to join pageants. Dinadaan ko nalang nga sa charm eh. Buti at napapayag ko lagi. Well, supportive naman si Dad kaya kahit ayaw niya, hinayaan nalang niya ako. Basta daw at masaya ako.
At eto ako ngayon... huhu.
"Sorry Dad, Mom."
Agad din naman akong niyakap ni Mom. "No baby... wala kang kasalanan. Aksidente lang yun."
"It was not an accident, Miks."sabi ni Dad pero pinandilatan naman siya ni Mom. Hihi Ang cute talaga ng parents ko.
"We're doing our best to catch whoever did that to you. At kung mahuli namin, he's dead meat!"
"Hoy Jeron, anong dead meat pinagsasabi mo!" ayan pinagalitan tuloy. Haha
"I was just joking anak. " Napatawa naman kami kay Dad. Kung kanina galit siya ngayon naman he's fooling around. And it's good. Akala ko matutusta na ako ngayon!
"But Dad, kawawa naman siya kung ma eexpel siya" I seriously said to them.
I know naman na its unfair if he'll be expelled. Maybe he has his reasons kaya niya ginawa sa akin. Pero wala naman akong binubully sa campus eh. I'm trying to be matured now. Kaya nag lie low na ang pranks ko. Hindi ko talaga maisip kung bakit may taong kayang gawin to sa akin. Ganyan ba kalaki ang galit niya sa akin?? Ugh. Good girl ako. Behave na. Haist!
"Anak, kulang pa nga ang expulsion. Dapat nga sa kanya bitayin-Aray!" Binato lang naman siya ni Mom ng panyo.
"nagiging OA ka na. ikaw kaya bitayin ko patiwarik mamaya!"
"Hahaha. Pero Mom, Dad... I know you understand me."
"Anak, do you see yourself now? Ako ang nasasaktan sayo. I did not think of a situation na malalagay ka dito. I don't want to see my children hurting."
"Dad I know.. pero ayoko na kasi ng gulo. Gagaling din yung paa ko. At tsaka buhay pa naman ako "
"Ang tigas talaga ng ulo mo. Manang mana ka sa nagluwal sayo."
Kinurot naman siya sa tagiliran ni Mom.
"Pero baby... are you really sure sa desisyon mo?' Tanong sa akin ni Mommy. Tumango ako.
"Aww. You are really matured na. Parang kailan lang nagkakalat ka ng flour sa kwarto ni Liam at kinukunan mo ng unan si Chloe tuwing natutulog."
Napahagikhik naman ako sa sinabi ng Mommy ko. Naalala ko tuloy ang mga kalokohan ko sa mga kapatid ko.
"Mom, ayoko na kasing may ma expel. Education is really important. Naniniwala naman po ako na magbabago ang isang tao. This is just a mistake. Lahat ng tao natututo sa mga mali nila."
Napalingon naman ako kay Dad na parang ayaw pa rin tanggapin ang offer ko. Masama bang concern lang siya sa princess I niya? Hehe princess II kasi si Chloe.
"Dad please... ayoko na ring maistress ka. Tingnan mo kumukunot na ang noo mo."
Nagtawanan ulit kaming tatlo.
"Okay. Pero if mauulit pa to. Expulsion na talaga ang hihingin ko."
Tumango nalang ako. Buti naman at naayos rin.
Pero deep inside. I really want to know who did this to me.
Sino nga kaya siya????
At bakit niya to ginawa?