Chloe
"hm. Ang charap talaga"
Ngumunguya kami ng Wiggles ngayon ni Cassy. She's still in the hospital. Hinihintay pa lang namin ang isang result. Pagkatapos ng klase ko kanina ay dumiretso agad ako dito.
"Oh. Ubusin natin to ah. I did my promise... 10 packs! Kahit talo ka"
Masigla kong sabi kay Cassy. Enjoy na enjoy naman siyang kumakain. This is our favorite actually! Heaven na heaven!
"Grabe, masisira ngipin natin nito. Haha"
"Baka nga tonsilitis labas."
Nagtawanan na naman kami.
"How are you? Anong sabi ng doctor?"
"Ilang weeks pa daw maayos tong paa ko. But I can walk naman in due time. Yun nga lang with crutches."
"Are you okay with that? I mean... magiging comfortable ka ba?"
"Sis, do you think I have a choice? Okay na rin with crutches kahit na mabawasan ang poise ko."
Natawa naman ako. Alam na alam ko kasi na minimaintain talaga niya ang poise niya.
"Naku. Feeling ko nga kahit na naka crutches ka with poise pa rin! Just like the way you walk in the hallway, feeling mo siguro nasa runway ka!"
"Walangya ka talaga! Loka loka ka Chloe! Hahahaha!" Hinampas din naman niya ako sa braso at nagtawanan.
Bigla din namang tumahimik si Cassy kaya napalingon ako sa kanya.
"Sis? Wala pa bang balita kung sino ang may gawa?"
Napatitig naman ako sa kanya.
"Honestly, di pa namin alam. The video was really all black. Sobrang dilim. Tapos naka hood pa yung lalaki."
I saw sadness in Cassy's face. "Hey, are you okay??"
"Masama ba akong tao?"
Napataas naman ako ng kilay. Seryoso ba siya?
"Hindi! Kahit ang bully mo. Hindi ka masamang tao."
"Eh bakit may gumawa sa akin nito?"
"Hmm. That I don't know. Baka naman binasted mo yung lalaki dati, sis!" I said. Just to lighten up the atmosphere. Nagbago kasi ang ihip ng hangin.
Binatukan naman niya ako. Aray! Ang bigat ng kamay!
"Anong binasted! Walang nag attempt na manligaw noh! Takot lang nila kay Liam!"
I mentally laugh. Wala naman talagang nag attempt sa amin manligaw since high school. Takot talaga sila kay Liam. Alam niyo naman ang appeal ng kapatid kong yun! Daig pa si Lolo Alvin sa pagka strikto.
"Speaking of Liam, may training yun di ba?"
"Yep."
"Hm. Ikaw? Sa pagkaka alam ko bumalik na si Coach from Italy."
"Yeah but I excused. Alam naman niya ang nangyari sayo and besides we're still not doing spectacular during training. Ang layo layo pa ng season natin!"
" Tama ka nga rin naman. Makakalaro pa ako this season."
"Dapat lang noh! Kailangan namin ng swags mo! Namimiss na rin yan ng fandom mo. They were rattled nga when they heard the news."
"Hmp. Yung swag ko lang pala ang kailangan niyo hindi yung blocks and quick hits ko. Tse!"
Nagtatampo pa siya kaya kiniliti ko sa tagiliran.