Cassy
When the door finally opened... we bowed down our heads. Muntik pang mahulog ang eyeglasses ni Chloe.
huhuhu. kung bibitayin kami ni Liam, okay lang! bakit ba naman bigla bigla nalang nandoon si Patty???
di man lang nagtext na papunta siya. Tsaka nalang tumatawag na andun na siya. kaloka! ayan tuloy namomroblema kami ni Chloe.
We suddenly noticed that there is no beast mode Liam.
huh?
"ano naman ang drama niyong dalawa diyan?"
napatayo kami ng maayos. He's not mad??
"di ka galit?" chloe asked.
"huhu sorry Liam kung natalo kayo... you know there are things that we cant control we really dont know that P----"
"anong talo??? we won guys!" at yun napangiti siya!
they won??? but. how?? di ba andun si Patty? anong nangyayari?? kala ko ba distracted siya? bakit? ugh!!!!
"how?" i said in air. napakunot naman siya ng noo.
"anong how??? siyempre we just did what our coaches told us"
ha? ugh!!! ewan! naguguluhan na ako. bahala na nga sila diyan!
"since you did something good, may binili ako para sa inyo... " sabay pakita ng pack na nilabas niya mula sa bag niya.
"WIGGLES!!!"
"thats your prize for being so behave and obedient"
Patty
i was walking in the hallway when i saw Cassy... Nang makita niya ako bigla niya akong niyakap.
"bestfriend! huhu sorryyyyyy"
hay nako. alam ko naman ang kasalanan niya eh. ikaw ba naman di sisiputin? sino ba di magagalit?? isang oras akong naghintay, naririnig ko na nga ang sigawan sa gym pero di ako nagpatukso. Talagang hinintay ko sila ni Chloe pero anong nangyari? naghintay ako sa wala. Pero kahit galit ako, something good naman ang nangyari. hihi kaya pinapatawad ko na ang magkapatid.
"muntanga ka dyan Cassy. okay lang noh"
"o.m.g. youre not mad??"
ngumiti ako. "hindi."
"awwww. ang bait bait mo talaga! nagpatulong kasi si dad sa pagbake ng cookies. eh alam mo naman na mahilig kami ni Chloe gumawa ng cookies... nagtampo kasi daw si mom kaya pambawi niya"
aww. kilig naman yun. ang sweet pa rin talaga nina ninong at ninang.
"promise di ka na galit??"
Umiling ako at ngumiti.
"it was really God's plan na hindi kayo sumipot dahil may nakilala ako!" kilig na kilig kong sabi... awiiieeee... ang gwapo kasi eh!!!!
"huh? may nakilala ka? sino?"
"hmm. si Matt. hihi" nahihiya ko pang sabi. para namang nainis si Cassy sa naging reaksyon ko.
"who's Matt??"
"Matthew Intal"
mas lalo namang naguluhan si Cassy at napakunot lalo ang noo. ano ba naman tong bestfriend ko, parang nahulog kanina sa hallway ang IQ at di man lang maka intindi sa mga sinasabi ko ngayon.