Chapter 11

322 15 0
                                    

Cassy


"wooo! tama lang talaga itong hot spring for this very cold morning!"

"yeah. at hindi ko alam kung paano mo ako napapayag sa kalokohang to" naghihikab pang sabi ni Chloe. Na excite ako sa hot spring eh. Eh panget namang tingnan kong hot spring kami tapos ang init init ng panahon! para namang niluluto namin sa kalan ang mga sarili namin!

"hey admit it Sis... ang sarap sa feeling"

"whatever Cassy... di pa lumalabas si Mr.Sun fyi. at mas masarap sa feeling kung nakahiga pa ako ngayon sa malambot na kama at yakap yakap ang malamboooot na unan"

"ikaw naman sis... hayaan mo na nga lang ako. andito na tayo oh"

"ano pa nga ba"

alam ko namang mabait si Chloe.As in super! pero ayaw lang talaga niyang nasisira ang tulog niya. Sabi nga nila, magbiro ka na sa lasing wag lang sa bagong gising.



We were enjoying ourselves here when i felt somebody is tickling my ears... Ano ba yan! nakakakiliti naman!

nang tingnan ko ang hampaslupang gumagawa sa akin nun ay napalaki tuloy ang mga mata ko.

"Tristan?!"

"sshh. baka magising mo ang kapatid mo"

napalingon tuloy ako kay Chloe and she is fast asleep. ay ano ba yan! nakatulog na pala kami.

"andito ka rin pala??" sabi ko pero mahina na ang boses ko. mahirap nang madisturb si Chloe baka makarating ako sa mars ng wala sa oras.

"hmm. actually, i didn't know you're here... and i heard also that you owned this pala"

tumango ako.

" anyways... kalalabas ko lang from my room at nag decide na mag jog... i was also roaming around the place. nagkataon lang dito ako napadpad and I saw you..."

Lumapit naman siya sa akin, we are now both sitting on the pool side.

"how is your leg??"

"its fine. pwede na daw akong tumalon ng building " siyempre joke lang yun at napatawa siya. i really dont know pero feeling ko ang gaan ng loob ko sa kanya... i dont sense any bad aura from him.

"cassy, i'm really sorry...for what ive done."

Baliw na siguro ako kung di ko siya paniniwalaan. Nakikita ko sa mga mata niya na sincere siya. I wanted to ask him kung bakit? pero bakit may pumipigil sa akin???

Ayoko lang munang marinig ang tungkol diyan at ang importante ay nag sorry na siya. Damage has been done pero okay na naman ako. Pwede na nga akong magtatakbo ngayon.

Past is past. Tapos na so di na dapat balikan. Move forward.

Ang alam ko lang, Tristan is sincere.

"nakikita mo naman ang paa ko diba? okay na siya oh... pwede na ulit akong bumalik sa modeling. kaya okay na ang lahat. napatawad na rin kita."

Nagbago naman ang reaksyon niya sa sinabi ko. Did i say something horrible?? tama naman ako ah.

"you know i just don't understand why you forgive people that easily.. i mean you almost bid goodbye to modeling... almost one month kang naka cast and crutches. i just don't understand why"

" i don't hold grudges. Sabi ni Mommy dati, masama daw ang magtanim ng galit sa kapwa tao. Walang patutunguhan. Life is too short, so forgive, love people and enjoy life"

The Heart Never Forgets (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon