Patty
"That's all for today girls! See you tomorrow!"
"Bye Coach!"
"KIMMYYYYYYY!!!!"
We were blown away when we heard a very loud voice! Parang nag echo sa buong gym. Kahit na si Coach napatingin sa sumigaw.
It's Ninang Mika.
"Ay sorry... Coach Kimmy pala. Hehe"
I looked back to Coach and she was irritated. Hehe. Ang cute pa rin talaga ng friendship nila.
"Hoy Mrs Teng! Nakalunok ka ba ng mega phone at ginagambala mo ang training namin?"
Tinapunan pa si Ninang Mika ng face towel na hawak hawak ni Coach. Nasalo din naman ito agad ni Ninang at tinapon pabalik kay Coach.
"Tapos na kaya training niyo... di ba babies?"
Napangiti naman kami at napatango. Lumapit si Chloe at Rian at ako kay Ninang at nagbeso.
"Naku Kimmy... wag mong masyadong pinapahirapan itong babies namin, lagot ka sa mga bungangerang nanay ng mga ito"
Natawa naman kaming lahat kahit yung ibang teammates namin. Kilala din naman nila si Ninang. She was a superstar in this team.
"Eh di sana di niyo pinag try out!"
"Ano ka ba Kimmy... less gasto. Free tuition eh. He.he.."
"Kuripot niyo... Leche."
Bigla din namang nagsalita si Chloe.
"Mom, are you alone? I thought you were with Liam."
"Yes baby... Sinundo lang niya si Cassy... Papunta na rin sila dito. Cassy wants to see your teammates and siyempre si Coach Dora...ops. Coach Kimmy pala"
Aakma na sanang batukan ni Coach si Ninang kaso di natuloy.
"Hayy Kimmy! Namiss talaga kita!"
Hinug hug pa ni Ninang si Coach... hehe ang cute talaga nila! Si Coach naman parang poste lang at pinapa roll nalang ang mga mata niya.
"Yiiie... ihuhug na ni Coach si Ninang" I teased Coach.
"AYIIIEEEE!"
My teammates cheered. Minsan lang namin maganito si Coah noh. Kapag training kasi, sobrang intense!
"Patricia, baka gusto mong mag 100 push ups bukas?"
Napatahimik naman ako bigla. Nyeee. 100? Di kaya ng beauty ko yan noh... Hinampas din naman siya ni Ninang sa braso.
"Huwag mo ngang pahirapan masyado si Patty... pakakasalan pa yan ni Liam!"
Muntik pang malaglag ang panga ko sa sinabi ni Ninang. Ayan tuloy, tinutukso ako ng mga teammates ko.
Ninang naman eh!!!!
Pero infairness naman dahil sa sinabi ni Ninang nabuhay ang katawang lupa ko!
"hoy bruha! Kung makapagsalita ng asawa ka naman! Buti at wala ang eskandalosang nanay ni Patty, kung hindi nag ala-Maricel Soriano na yun sa kakaiyak. Alam mo namang tnitreasure to ng mga Torres! Tingnan lang natin kung agree dyan si Victonara, lalo na si Thomas!"
"excuse me, napag usapan na namin ni bes yan... at alam na alam ko sa sarili ko na unti unti na niyang natatanggap. Hahaha"
ANO??? Si Mommy unti unti nang tinatanggap? Eh kahit nga siguro katext lang na lalaki sobrang higpit na. Eto talagang si Ninang.