Chapter 3: Parallel World

15 1 0
                                        

"Thank you for coming with me, Liz," Joe said while holding his cup of coffee.

"Wala na akong utang sa 'yo, huh?" I jokingly responded. He nodded and took a deep breath.

Joe mentioned earlier that we are officemates, but we are in different departments. I am an agent, while he is in the IT department. He also mentioned he sometimes saw me in the office; that's why he's familiar with me.

"Can I ask something?" He suddenly broke the ice between us.

"Sure!"

"Do you believe in the parallel world?" natawa ako sa naging tanong ni Joe.

Hindi pa ako gano'n katiwala sa taong ito, pero pakiramdam ko ang komportable ko. On the other hand, I will not let my guard down, dahil hindi ko pa siya kabisado at ang hirap magtiwala ngayon. Huling beses na nagtiwala ako, naloko ako.

"Maybe?" Natatawa kong sagot. "Bakit ikaw?" balik kong tanong sa kanya.

"Yes, a parallel world really exists."

"Paano mo naman nasabi? Baka kakanood mo nang anime 'yan, huh?" Natatawa kong tugon sa kanya, pero umiling siya.

"Bahala ka, paniniwala mo 'yan e, basta ako kapag namatay tayo, it's either langit or lupa lang tayo at wala nang ibang mundo," argumento ko sa kanya. Nagkibit balikat lang ito at saka uminom ulit ng kape.

"I will be glad if a parallel world really exists.". Naramdam ko ang mga mata ni Joe na nakatingin sa 'kin.

After a long night we had spent together, we decided to go home. Joe offered na ihatid ako sa apartment, pero hindi ako pumayag dahil ayaw kong malaman niya ang address ko. Isa pa, hindi pa ako gano'n katiwala sa kanya.

"Thank you for tonight, and see you around," were the last words he said before we parted ways.

After a few days, I didn't see Joe's face around. Hindi ko siya hinahanap, nagbabakasali lang ako na baka makita ko siya at makapag pasalamat ulit dahil sa pagbalik niya ng bracelet sa akin.

"Uy, Lizzy, balita ko magkasama kayo ni Joe last night, huh?" laking gulat ko nang sabihin ni Micha iyon sa akin. Wala akong pinagsabihan na kasama ko siya dahil alam ko ang mangyayari, at ito nangyari na nga.

"Paano mo nalaman?" nagtataka kong tanong.

"'nu ka ba te, kalat na sa buong prod no!" pahampas nitong tugon sa akin. "Sinasabi ko sa 'yo te ha, mag ingat ka sa sinasamahan mo, you know, IT department pa man din 'yon." may pagbabantang dugtong nito.

"Nagkape lang kami. Siya kasi nakapulot no'ng bracelet na hinahanap ko."

"Ow. Basta ha, ingat ka lang. Huwag ka sasama kung kani-kanino." Paalala nito sa akin bago umalis.

Ilang linggo na ang lumipas, pero walang Joe akong nakita.

Papunta na sana ako sa canteen nang may biglang kumalabit sa akin.

"Kumain ka na?" halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko si Joe habang nakangiting nakatingin sa akin. "Kain tayo, libre ko." magsasalita pa sana ako nang bigla niya akong hilahin papuntang canteen.

"Ako na o-order, wait mo ako d'yan." aniya at saka umalis.

Pinanood kong maglakad si Joe papunta sa bibilhan niya ng pagkain.

Ngayon ko lang napagtanto na kulay brown pala ang mga mata niya at matangos ang ilong. Medyo magulo rin ang buhok, hindi naman kapayatan, sakto lang yung katawan niya. Maputi rin siya.

Halos sumabog ang dibdib ko nang mapansin kong sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Hindi ko namalayan na nandito na pala siya.

"Okay ka lang? Tulala ka yata." Aniya habang natatawang nilagay ang pagkain sa akin.

"Ako? Okay lang ako." tugon ko at umiwas ng tingin sa kanya.

Tinignan ko ang pagkain na binili ni Joe sa akin. Hindi niya nga pala ako tinanong kung ano ba ang gusto kong kainin, pero pwede na 'tong binili niya.

"Babayaran nalang kita." sambit ko at nag uumpisa nang kumain.

"May libre bang may bayad?" pabiro nitong tanong.

"Nga pala, bakit wala ka nitong mga nakaraang linggo?" palihis kong tanong sa kanya. Nilapag niya ang kanyang kubyertos saka ako tinignan nang diretso sa mata.

Hindi ko alam kung ako ang mararamdaman ko. Tila ba parang kabayong tumatakbo ang puso ko sa sobrang bilis nang kabog nito.

"Bakit, hinahanap mo ba ako?"

"Ako? Hinahanap ka? Hindi ah!"

Biglang tumawa nang malakas si Joe dahilan para pagtinginan kami.

"Ay, sorry." Napa peace sign ito habang nakatingin sa mga tao sa paligid namin, kaya hindi ko na rin mapigilan matawa.

"Eh, bakit alam mong wala ako? "Balik niyang tanong sa akin.

Umayos ako ng upo. "Ang ibig kong sabihin..." napabuntong hininga na lamang ako dahil, 'di ko na rin alam isasagot ko.

Hinahanap ko ba talaga siya, or curious lang ako bakit hindi ko siya nakikita?

"Ah basta, kumain nalang tayo, nagugutom na ako e."

Parang may isang malaking pader sa pagitan namin ni Joe, na niisa sa amin ay walang nagsasalita.

"Bakit pala nila nalaman na magkasama tayo no'ng nakaraang araw? "Tanong ko nang mapansin kong tapos na rin siya kumain.

"Baka chismoso sila? "Pabiro nitong sagot sa akin sabay tawa.

Ngayon ko lang napansin ang pink-lips at puting ngipin nito.

"Joke! May nakakita sa atin na ka-department ko, tapos tinanong niya ako. Hindi na ako nagsinungaling, nakita niya tayo eh.".

Tanging, "ah," lamang ang naging sagot ko sa kaniya.

"Bakit, naniniwala ka ba sa mga sinasabi ng mga tao rito na dapat iwasan kaming mga nasa IT department? "

"Hindi ko rin alam."

"Siguro totoo sinabi nila," pakiramdam ko ay bumagsak ang balikat ko dahil sa sinabi ni Joe. "...pero hindi kasali ang poging kagaya ko." dugtonb pa nito, kaya napailing na lamang ako.

"Malakas din loob mo e no? "Pabiro kong tanong sa kanya. Sa halip na makakuha ako ng sagot ay kinindatan niya lamang ako.

"Oh, s'ya, malapit na ako mag-in." Tumayo siya at kinuha ang gamit niya. "ingat pag uwi mamaya." magsasalita pa sana ako para pasalamatan siya, pero nakalayo kaagad ito.

Napabuntong hininga na lamang ako at tumayo pagkatapos iligpit ang pinagkainan namin.

Mayroon pa akong 20 minutes bago mag in ulit kaya pumunta muna akong banyo, pero bago pa man ako makarating doon ay nakita ko si Joe na nakatayo sa pader habang ang mga kamay ay nasa bulsa ng pantalon niya.

"Oh, akala ko papasok ka na? "Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Ah, oo, papasok na ako. Bye! "Saka ito umalis.

Nang papasok na ako sa cr ay bigla naman itong bumalik at hinablot ako sa braso.

"Coffee? "Nagtataka ko siyang tinignan.

"Coffee, treat ko," kinagat nito ang ibabang labi. Hindi ko mapigilan ang sarili ko, kundi kagatin din ang ibabang labi ko.

I feel like he was trying to seduce me with his pink lips.

Lizzy, stop it!

"Give me your number so I can call you and pick you up to your apartment." sa halip na ibigay ko sa kanya ay tinignan ko lamang siya.

"Sige, mukhang ayaw mo naman. Ibibigay ko nalang number ko sa 'yo, then call me kung saan kita pwede pick up-in." kumuha siya ng ballpen at papel sa bag n'ya saka nagsulat.

Inabot niya ito sa akin pagkatapos.

"See you, Liz." aniya saka tuluyang umalis.

Pinanood kong maglakad palayo si Joe at nang mawala ito sa paningin ko ay saka ako pumasok ng cr.

"Pumayag ba ako? "Tanong ko sa aking sarili, habang nakatingin sa salamin. "Hindi naman, 'di ba? "

"Hoy, sino kausap mo Lizzy? "Halos mapatalon ako sa gulat nang lumabas si Micha sa kabilang cubicle.

"Ako, may kausap? Wala! "Sagot at nagmamadaling lumagas.

"Weird." ang huling narinig ko sa kanya bago ako tuluyang makaalis.

DEAR JOE Where stories live. Discover now