Chapter 8: Nightmare

11 0 0
                                    

Hinahabol ako ni Joe habang tumatakbo sa tabing dagat.

I didn't hear anything aside from the waves and our laughter.

Nang maabutan ako ni Joe ay binuhat niya ako at hinalikan sa pisngi.

"I love you." Aniya habang nakatingin sa 'kin.

"Mahal din kita, Joe."

Gusto kong umiyak sa sobrang saya. Hindi ko akalain na ganito ang mararamdaman ko ngayon.

Ngayon, naiintindihan ko na si Kat kung bakit sobrang importante sa kanyang bracelet na 'to dahil ito rin ang dahilan bakit nakilala niya ang kaniyang boyfriend.

"Did you know what Hiraya means?" tanong ni sa akin at umiling naman ako dahil wala akong ideya sa Hiraya kahit pangalan ko ito.

"Hiraya means imagination and hope." Huminto siya at tumingin sa aking mga mata. "Your name really fits in with you. You're my hope, Liz."

Parang sasabog ang puso ko dahil sa tuwa.

"Nang makilala kita nagkaroon ng pag-asa ang buhay ko," nakita ko ang pangingilid ng luha niya. "Akala ko, hindi ko na matutupad ang pangarap ko."

"Bakit ako? Wala naman akong ginawa e." nagtataka kong tanong.

Umiling ito at sumagot ng, "malaki Liz, sobrang laki ng tulong mo sa buhay."

"Salamat, kasi ako ang nakapulot nang bracelet mo."

Niyakap ko ng mahigpit si Joe at naguumpisa ng umiyak.

"Ayaw kong mawala ka sa kin, Liz. Gusto ko isama ka sa mga pangarap ko sa buhay." Humagulgol ako lalo dahil sa kaniyang sinabi. "Sabay nating abutin ang pangarap nating magkasama."

Hinaplos niya ang aking pisngi habang nakangiti. "Mahal kita, aking Lizzilia Hiraya."

Joe is slowly kissing me under the full moon. He slowly laid me down on the white sand as the waves kept waving peacefully.

I took off my dress as he continued kissing me passionately.

The next morning, I saw Joe preparing for our breakfast, and I couldn't help but stare at him from my bed.

"Baka matunaw ako ha." Natatawang sabi nito habang nilalapag ang kape sa table.

Nandito kami ngayon ni Joe sa boracay nang hindi alam ng kaibigan ko. Biglaan lang ito, kaya hindi ko na nabanggit sa kanila.

Isa pa, gusto ni Joe i-celebrate nang mas maaga ang birthday ko kahit sa ikalawang araw pa 'yon mula ngayon. Aalis na kasi siya at matatagalan pa bago bumalik. Pumayag na rin ako dahil gusto ko siyang makasama.

"Good morning, babe." Joe gave me a kiss on the forehead. "How's your sleep?" He then sat beside me while caressing my back.

"Okay naman. Ikaw ba, nakatulog ka ba ng maayos?" balik kong tanong sa kanya.

"Mas maayos pa sa good." nag thumbs up pa ito at saka tumawa.

Inalalayan ako ni Joe pumuntang mesa para kumain.

Mula rito ay tanaw na tanaw namin ang kumikinang na dagat na nasisikatan ng araw.

"Thank you." Pasasalamata ko nang makaupo na.

"Nag enjoy ka ba kagabi?" napaubo ako dahil sa tanong niya. Hindi ko alam kung ano doon ang tinutukoy niya.

"Okay ka lang? pag aalala niyang tanong habang inaabutan ako ng tubig. "Iba yata naisip mo, pero pwede naman 'yang iniisip mo." tumawa siya ng malakas.

"Baliw ka." Hinampas ko siya umiwas ng tingin.

"Alin do'n ang mas nag enjoy ka?" pagbibiro pa ulit nito kaya 'di ko nalang mapigilang sabayan siya.

"Lahat," sagot ko. Nakita ko ang pagkinang sa mga mata niya na para bang natutuwa sa sagot ko.

Hinawakan ni Joe ang mga kamay ko, at hinalikan ito habang marating niya ang braso ko.

"I love you, Liz." halos pabulong niyang sabi at inaayos ang hibla ng buhok ko na nililipad ng hangin.

Tumayo si Joe at pumunta sa likod ko. May nilabas ito sa bulsa niya at kinumpol ang buhok ko.

"Mahal na mahal kita, Lizzilia." sinuot niya sa akin ang kwintas na may pendant na shell.

Hinawakan ko ito at malapad na ngumiti.

Naramdaman ko ang labi ni Joe sa aking batok, kaya hindi ko maiwasang mapapikit.

"Meeting you is the best thing that ever happened to me. You're my unexpected person that I will never lose."

Hinalikan niya ang aking leeg pababa.

Ano 'to breakfast?

Hindi ko maiwasang matawa sa aking iniisip.

"Kung dumating man ang araw na mawala tayo, ipagdadasal ko na sana magkita tayo sa kabilang mundo, Liz."

Pumipikit ako ng madiin at hinayaan si Joe sa kanyang ginagawa.

"Mahal kita, Joe."

Natapos ang bakasyon namin ni Joe at ngayon ay pabalik na kami sa Manila.

Hindi ko pa nababasa ang mga text sa akin ng mga kaibigan ko dahil for sure ay galit na sila sa akin. At sinadya ko talaga na 'wag gumamit ng cellphone dahil gusto ko mag enjoy kasama si Joe.

Tinignan ko si Joe na mahimbing ang tulog. Kahit tulog siya ay hindi ko pa rin maiwasang maakita sa kanya.

Sumandal ako sa braso niya para matulog rin.

Ilang minuto pa lang akong nakapikit ay nagising din ako agad dahil may narinig akong nagkakagulo ang mga tao.

Hindi ko alam ang nangyayari pero lahat ng sakay ng eroplano ay nag pa-panic at hindi alam ang gagawin.

Tinignan ko si Joe na nakatingin sa akin habang nakangiti kaya mas lalo akong naguguluhan.

Hindi ko alam kung panaginip lang ba 'to o totoo 'tong nangyayari sa paligid ko.

Ang mga flight attendant ay pilit pinapakalma ang mga tao, habang kami ni Joe ay hawak kamay na parang walang nangyayari sa paligid namin.

Kung panaginip man 'to, sana ay 'wag magkatotoo.

"Nakatulog ka ba?" tanong niya sa akin.

"Hindi nga e. Ikaw ba, mahimbing ba tulog mo?" balik kong tanong sa kanya. Bago pa man niya ako sagutin ay hinalikan niya ako sa noo.

"Sakto lang."

Magtatanong pa sana ako nang biglang umalog ang eroplano dahilan para kaming lahat ay magpanic na.

Nakita ko rin ang usok ng eroplano mula sa kabilang upuan. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya niyakap ako ni Joe.

"Panaginip..." paulit-ulit kong sambit habang umiiyak. "Joe..." natatangkot kong sambit sa pangalan niya ngunit wala akong narinig mula sa kanya. Sa halip ay mas lalo pang humigpit ang yakap niya sa akin.

Mas lalo pang tumindi ang pag-alog nang eroplano. Until-unti na akong nawawalan ng malay. Ngunit bago pa ako tuluyang pumikit at hinaplos ko ang mukha ni Joe.

"Mahal kita, Lizzy." ang huling narinig ko sa kanya.

Bangungot. Isang bangungot

DEAR JOE Where stories live. Discover now