Chapter 7: Hiraya

8 0 0
                                    

"Just like Joe said, he resigned and enrolled in art class, pero hindi pa rin napuputol ang koneksyon naming dalawa dahil halos araw-araw kaming magkasama. Minsan pa nga doon ako natutulog sa kanila.

"The moon is beautiful tonight, isn't it?" tanong niya sa akin habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri niya.

Nakatambay kami ngayon dito rooftop habang umiinom nang kape at nagpapalipas ng oras.

Halos ayaw ko na umalis sa tabi Joe dahil ayoko mawala siya sa paningin ko.

"Mas maganda pa sa 'kin?" pabirong tanong ko, kaya napatingin siya sa akin. "Joke lang..." sabay tawa.

Alam ko na ang sasabihin ni Joe sa akin, na 'wag ko ikumpara ang sarili ko sa iba dahil iba ako sa kanila.

Lumipas ang mga araw na halos, hindi kami naghihiwalay ni Joe. Tuwing may lakad siya ay nagmamadali itong umuwi para ihatid at sunduin ako sa trabaho.

Habang nasa sasakyan niya ako ay binasag ko ang katahimikan naming dalawa.

"Joe, can I ask something?" pagbasag ko ng katahimikan. Saglit na tumingin siya sa akin bago ibalik ang tingin sa kalsada.

"Sure."

"Ano ba tayo?" halos pabulong kong tanong habang nakatingin sa kanya. "I mean... don't get me wrong. Hindi ko lang talaga maintindihan kung anong meron tayo. Friends ba tayo? O ano?" matipid na ngumiti si Joe ngunit hindi ako nakakuha ng sagot mula sa kanya.

"Never mind. You don't need to answer it." parang kumirot ang puso ko.

Alam ko na ang sagot sa tanong ko. Alam kong hanggang dito lang kami ni Joe.

Nang makarating kami sa building ko ay agad din akong bumaba na hindi nagsasalita. Isasarado ko na sana ang pinto nang bigla siyang nagsalita.

"Baka hindi kita masundo mamaya, may kailangan lang akong asikasuhin." aniya at matipid na ngumiti.

Pinilit ko ang sarili ko na ngumiti at tipid na tumango bilang pag sang-ayon sa sinabi n'ya.

"And regarding sa question mo kanina..." huminto siya at kumamot sa noo, "Actually, I'm not sure."

Gusto kong umiyak sa harap niya at sampalin siya, pero wala akong lakas ng loob gawin iyon.

"But believe me, Liz, you are more than friends to me."

Hindi na ako sumagot at pabagsak na sinara ang pinto ng sasakyan, saka nagmadaling maglakad papasok ng building.

Hindi ko na kayang marinig pa ang sasabihin niya dahil alam kong masasaktan lang ako.

Natapos ang buong araw ko na wala akong lakas at umuwing malungkot. Hanggang ngayon ay hindi ko pa nabubuksan ang aking cellphone, kaya hindi na rin alam kung may text ba sa akin si Joe o wala.

Nang makauwi ako sa bahay ay naligo muna ako at nagluto nang makakain nang may biglang kumatok sa pinto.

Hindi ko agad ito binuksan dahil may ginagawa ako. Nang papunta na ako sa pinto, biglang bumungad sa akin ang mukha ni Joe na nakangiti. Hindi ko tuloy maiwasang mainis sa kanya.

"Anong ginagawa mo rito? "Walang ganang tanong ko sa kanya.

"Binibisita ka." tugon nito saka lumapit sa akin, pero umatras naman ako. "Bakit? "

"Wala. Umalis ka na, hindi ako tumatanggap ng bisita ngayon." Sagot ko saka ako pumuntang kusina, pero naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin.

"Are you mad, babe? "

babe?

Tinignan ko siya. "Babe? "Nagtataka kong tanong.

Kailanga pa babe tawag nito sa akin?

"Nagkamali ka yata ng tawag sa 'kin? Baka sa babae mo 'yan." mapakla akong ngumiti.

"Ayaw mo ba? "Ngumuso ito at lumapit sa akin. "Baby nalang? Love? Mahal? Honeybunch? "Mas lalo akong nagtatakang nakatingin sa kanya.

"Anong pinagsasabi mo dyan, Joe? "Nakataas ang mga kilay kong tanong sa kanya.

Hinila niya ang isang upuan at umupo sa harap ko.

"Tungkol sa tanong mo kanina," biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"'wag mo na ituloy, alam ko na ang sagot." sabi ko.

Nagulat ako nang hilahin ako ni Joe at pinaupo sa hita niya.

"Anong sagot ko? "Pabulong niyang tanong. Hindi ko naman maiwasang makiliti dahil sa ginawa niya.

"Na, we're just friends? "Sagot ko at ngumisi naman siya.

"Hindi nakikinig, Liz. Sabi ko nga sa 'yo, you're more than friends to me. Ibig sabihin no'n—"huminto siya at nilapit ang kanyang bibig sa aking tainga.

Play: Hiraya by Paham

"Mahal kita, Liz." parang nag slow motion ang buong paligid ko. Maging ang paghinga ko ay parang bilang lang sa mga daliri ko dahil sa kaba.

"Matagal ko rin pinag isipan kung ano ba talaga tayo. I realize Liz na sobrang importante ka sa akin, higit pa sa kaibigan."

Gusto kong umiyak sa tuwa at kilig. Ngayon ko lang ulit naramdaman na 'to.

"Ilang gabi ako 'di makatulog kakaisip. Humahanap ako ng tyempo para sabihin sa 'yo 'to." humigpit ang hawak ni Joe sa mga kamay ko. "Ayaw kong hanggang dito lang tayo, Liz."

Hinawakan niya ang pisngi ko. Binigyan ko siya ng matamis na ngiti habang nagbabadya ang mga luha na bumagsak.

"Ikaw ba, ganito rin ba nararamdaman mo?" tanong niya sakin at agad naman akong tumango bilang sagot.

"Oo, pero natatakot akong magsabi sa 'yo dahil baka hindi tayo pareho ng nararamdaman."

Hinalikan niya ako sa noo. "I love you, Lizy... my Hiraya."

DEAR JOE Where stories live. Discover now