Halos buong linggo kaming nagkikita ni Joe sa office. Sabay kumain at sabay rin umuwi.
Nalaman kong sa Antipolo rin siya nakatira, at kagaya ko ay sa apartment din siya nakatira mag-isa. Nai-kwento niya sa akin na matagal na siyang nakabukod sa kaniyang pamilya dahil gusto niya mamuhay mag-isa.
"Ang dami ko nang na kwento sa 'yo, ikaw naman mag kwento." Sabi nito habang nakatingin sa malayo. "May tanong pala ako sa 'yo." nagkatinginan kaming dalawa at hinintay ko siyang itanong ang tanong niya.
"Bakit ka umiyak no'ng makita mo 'yong bracelet? Hindi ako chismoso, huh, curious lang." natatawa nitong sabi.
Mapait akong ngumiti saka uminom nang kape.
"Importante kasi sa 'kin 'yon."
"Gaano ka importante? 'Yong tipong kapalit no'n buhay mo? "Pabiro nitong tanong at tumango naman ako bilang sagot. "Joke lang! "
"Ipapalit ko ang buhay ko para sa bracelet na 'to," tinuro ko ang bracelet na suot ko.
"Bakit naman? "
"Sobrang halaga sa akin nito," umayos ako ng upo at tumingin sa kanya. "Best friend ko ang may ari nito. Binigay niya ito sa akin bago siya mawala."
"Mawala? As in, wala na? "Tanong ni Joe sa akin.
"Namatay siya sa sakit sa puso. Mahalaga sa kanya ang bracelet na ito, kaya sobrang halaga rin nito sa akin." Nararamdaman kong bumabagsak na ang mga luha ko.
"Sorry." halos pabulong nitong sambit. "Hindi ko na dapat tinanong."
Hinila ako ni Joe at niyakap.
Kagaya nang naramdaman ko no'ng una ko siyang niyakap ay ang pakiramdam na buong sistema ko ay nabuhay.
I feel safe and secured.
"What if a parallel universe really exists? "I asked.
"I would be happy if it really existed. May mga taong wala na sa buhay ko ang gusto kong mabuhay dahil deserve nila iyon." naramdaman ko ang pagkalungkot sa boses niya. "Kahit hindi na kami magkakakilala sa mundong 'yon, magiging masaya akong makikita silang masaya."
I want Kat to live again, kahit pa ang kapalit no'n ay hindi ako makilala at hindi kami maging magkakilala. She deserves to have a life that makes her worth living.
After a couple of minutes, I separated from Joe. I wiped my tears and started to drink my coffee.
"Anyways, I didn't thank you for all your treats, Joe; I think this is the best time to thank you." I started a conversation.
"Welcome," matipid nitong sagot sa akin.
"And thank you sa coffee." Tinaas ko ang hawak kong baso at ngumiti nang malapad.
"Actually, there's a message on your cup. You read it, didn't you? "Nagtataka ko siyang tignan bago ko tignan ang aking baso.
Doon ko lang napansin na may nakasulat ito."I want to be friends with you, Liz, so can we be friends?"
Ilang linggo ko na ring nakakasama si Joe, at mukha naman siyang mabait. Wala akong nakikitang red flag sa kanya bukod sa mga sabi-sabi sa paligid ko na iwasan siya, pero walang matibay na ibidensya sa mga paratang nila sa kanya.
"Tagal sumagot, parang ayaw akong maging kaibigan." Nakanguso nitong dagdag, kaya mas lalo akong natawa.
"Sure, bakit hindi? Isa pa..." napahinto ako at tumingin sa mga mata niya. "Nakikita ko namang sincere ka."
"Oo naman, suntukin ko nagsabi na hindi ako sincere." Pabiro nitong sabi, kaya pareho kaming natawa.
Joe mentioned that he never had a girlfriend, but he has one that got away. I didn't bother to ask why, dahil hindi ko rin alam kung bakit umuurong ang dila ko sa pagtanong.
Hindi ko namalayan na halos isang buwan na kaming magkakilala ni Joe. Marami na akong nalaman sa buhay niya at gano'n din siya sa akin.
Na kwento ko na siya sa mga kaibigan ko at kita ko naman ang kasiyahan nila.
"Te, nangliligaw na ba? "Tanong ni Rose Jeane sa akin.
Doon ako natigilan nang itanong niya iyon.
"Ay hindi pa? "Nakanguso nitong dagdag.
Parang may kurot sa puso ko dahil nagpaparamdam naman si Joe sa akin, pero hindi niya sinasabi na ligawan ako.
"'wag mo madaliin, te! Malay mo humahanap lang ng perfect timing," said Crisalyn.
"True! "Pang sang ayon ni Zhandra at Paula.
Hindi rin naman ako umaasa na umabot kami ni Joe sa gano'n dahil ang huling tanong niya lamang sa akin ay kung pwede ba kami maging magkaibigan."'wag mo na isipin 'yan Lizzy, kumain nalang tayo." sabi ni Roselynne na kakarating lang.
"Wow, ang disney princess nandito na." pabiro naming sabi sa kanya kaya natawa siya. Umupo siya sa tabi ko at tinapik ako sa balikat.
"Malapit na birthday mo, huh, anong plano mo?"
Ngayon ko lang napagtanto na ilang linggo na nga lang pala ay birthday ko na. Kung hindi niya pa ipapaalala ay hindi ko na maaalala dahil sa sobrang busy sa trabaho.
"Oo nga, no! What if mag bora naman tayo?" suhestyon ni Rose Jeane.
"Bora? Coron nalang!" suhestyon naman ni Zhandra.
"Coron? Out of the country nalang kayo?" masayang suhestyon ni Roselynne sa amin kaya ngumiwi kami sa kanya.
"Sige te, una ka na!" pabalang na sagot ni Crisalyn sa kanya. "Mga gusto mo e no, 'yong gagastos tayo ng todo." mas lalo kaming nagtawanan dahil sa sinabi niya.
Hindi pa rin talaga sila nagbabago. Mula no'ng college kami ay mahilig na sila mag sagutan.
"Iingay n'yo!" iretableng sambit ni Paula habang busy sa kanyang cellphone.
Halos sumabog na ang apartment ko dahil sa sobrang ingay namin mabuti nalang at sound proof ang pader nito't hindi rinig sakabilang bahay at sa tenant. Kung nagkataon ay matagal na akong napalayas dahil sa mga 'to.
"Lord, please, ilayo mo ako mga demonyong maiingay na 'to." kunyareng umiiyak na sabi ni Zhandra kaya mas lalo kaming natawa.
"Nonchalant ka pa rin talaga hanggang ngayon." pabirong sagot ni Roselynne sa kanya.
YOU ARE READING
DEAR JOE
Roman d'amour"Dear Joe, how are you there? I am writing this letter to let you know that you've been part of my life since the day we met. Meeting you was indeed like a fairytale. I could imagine my life with you: spending time with you, watching the sunset, lis...