CHAPTER 10
NAPAATRAS AKO habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanilang dalawa. Nasa likod ng babae ang malapad at malaking lamesa. Ang kanan niyang kamay ay nakahawak sa palapulsuhan at ang kaliwa naman ay nasa panga ni Steven. Nakita ko ang mahinang pagtulak ni Steven palayo sa babae at awtomatikong napatingin sa aking gawi, nanlalaki ang kanyang mata dahil nakita ko silang dalawa.
Hindi ko kaya ang aking nakita kaya tumalikod agad ako at umalis na. Habang papalayo ako sa silid aklatan ay palabo naman ng palabo ang aking mata dahil sa mga luha na namumuo.
"Lili!" malakas na sigaw ni Steven, alam kong hinahabol niya ako dahil dinig ko ang mga yabag ng kanyang paa para makalapit sa akin. Ang kanyang malakas na boses ay bumalot sa buong pasilyo na tinatakbuhan ko.
Kinuyom ko ang aking kamao at hindi siya nilingon. Ang kaninang mabilis na lakad na aking ginawa ay nauwi na sa takbo. Hindi ko na napigilan na lumuha habang tumatakbo palabas sa mahabang pasilyo, gusto ko ng umuwi. Ayaw ko ng magtagal dito.
"Lilianna Sia!" muling sigaw ni Steven, narinig ko ang sunod sunod nitong paghabol ng kanyang hininga.
Nang makalabas sa pasilyo ay dumiretso agad ako sa main door nitong mansyon nila. Napaatras pa ng makita si Ate Pia sa aking harapan. Hindi ko na napunasan ang aking luha at sunod sunod na hikbi ang kumawala sa aking labi.
"Lili, bakit ka umiiyak? Kanina ka pa namin hinahanap ni Mae 'tsaka Rica. Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Ate Pia sa akin.
Umiling lang ako at hindi makasalita dahil parang may nakabara sa aking lalamunan. Kung susubukan kong magsalita alam kong mapipiyok ako. Puro pawis ang aking noo dahil sa pagtakbo, magulo na rin ang aking buhok at hindi ko na 'yon nagawang ayusin pa.
"Lilianna, come back here."
Sabay kaming napalingon ni Ate Pia ng makita si Steven na naghuhumangos papunta sa aming puwesto. Wala na ang sout nitong suit kaya naka polo longsleeve na puti ito habang ang necktie ay nakakabit pa rin at naka-tuck in ang polo niya sa itim na slacks nito. Nasa labas na kami ng main door ng kanilang mansyon. Muling kumuyom ang aking kamao at isang matalim na titig lang ang ibinagay ko kay Steven.
Tinalikuran ko sila at hindi na nakapagpaalam kay Ate Pia. Kumaripas ako ng takbo hanggang sa makarating sa kalsada. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Ate Pia pero hindi ko na siya binalikan pa dahil alam ko mahuhuli na ako ni Steven.
"Lilianna!" dinig kong sigaw ni Steven.
Napalabi ako ng muli ko na namang naalala ang nakita ko sa silid aklatan. Nanikip na naman ang aking dibdib at panibagong luha ang tumulo pababa sa aking pisngi. Sunod sunod na hikbi ang lumabas sa aking bibig habang patuloy pa rin sa pag takbo. Mabilis ko siyang sinilip at nakita ko na hinahabol niya pa rin ako.
Nang makita ko ang dating bahay namin ni papa ay dumiretso ako sa gilid no'n at kumaripas ng takbo patungong treehouse. Mabilis lang ang aking pagkilos, hindi ko na pinansin ang pagkati ng aking braso dahil sa naglalaking talahiban na dinaanan ko.
Para na akong kakapusin ng hininga ng makarating sa treehouse. Pinunasan ko ang aking luha at umakyat sa hagdanan habang hinahabol ang aking hininga. Walang epekto ang pagpunas ko sa aking luha dahil napapalitan na naman 'yon ng panibago. Basang basa na ang aking pisngi at nahihirapan na huminga dahil sa sunod sunod na hikbing kumawala sa aking labi.
Nanginginig ang aking kamay na pinihit ang seradura ng pintuan, hindi lang pala ang aking kamay nanginginig kundi buong katawan na. Pumasok ako sa loob tuluyan ko na sanang isasarado 'yon ng biglang may braso na humarang at pinigilan ang pintuan sa pagsara.
Hindi ko naman maitatago kay Steven ang lumuluha kong hitsura ngayon. Umangat ang tingin ko sa kanya, madilim ang paligid dahil nakalimutan kong sindihan ang lampara pero ang sinag ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa aming puwesto. Hinihingal ito at nagtaas baba ang kanyang dibdib.
BINABASA MO ANG
Her Desirable Love (Gorqyieds Series #4)
Romance(COMPLETED) (this is the last installment of gorqyieds series, you can read this series as STAND ALONE, hope you enjoy it!) She knew within herself that she admired, or, let's say, had a crush on her childhood friend, Steven Thomas Donovan, when she...